Chapter 4

3K 39 10
                                    

Nagising si Sarah sa pagpasok ni Kevin sa kwarto niya kasunod si Grace , ang kasama nila sa bahay.

"Ate, pasensya na, ayaw papigil, gusto daw niya sabay kayo mag breakfast." Nag aalalang paumanhin nito kay Sarah.

" Ok lang Grace, dapat lang na gumising na rin ako" Niyakap si Kevin na nakasampa na agad sa bed niya.

"Hey Bud, ang aga mo namang manggising."

"Mommy, you promise me , you are the one taking me to my swimming lesson today."

"Ay oo nga pala," tiningnan ni Sarah ang oras. I better get ready then. Are you ready?"

"Tita Grace got them all ready na but we still have to eat breakfast."

"Ok Bud, will take a quick shower , then will eat breakfast and then off we go."

"Can we eat breakfast first? I am hungry, " request ni Kevin.

"Ok , will do that, just let me go to the bathroom first. Go down, will be out in a few a minutes."

Masaya ng bumaba ng bed si Kevin at lumabas ng kwarto ni Sarah. Naiiling na lang ang dalagang pumunta ng bathroom. Hindi na siya nagpalit muna, bumaba siyang naka pajama , tinaas lang ang buhok at masigla na ring bumaba para samahan si Kevin mag almusal.

"Ate tumawag yung Sam, hinihingi yung cell phone number mo pero hindi ko binigay. Sinabi kong pinagbilin mo na huwag basta basta ibibigay ang number mo lalo na kung hindi mo ipinagbilin. Iniwan niya yung number niya , kung pwede mo daw siyang tawagan." Itinuro nito kung saa niya nilagay ang note na pinagsulatan ng number ni Sam.

Tumaas ang kilay ni Sarah. Nagpawala ng malalim na buntong hininga. "Thank you Grace. Hayaan mo tawagan ko siya mamaya. Pag nakalimutan ko at tumawag uli, pwede mong ibigay ang mga numbers ko sa kanya at welcome din siya dito sa bahay."

"Sino ba yun Ate? Hindi ko masyadong nakita yung mukha niya kahapon pero ang ganda daw ng sasakyan niya at ang porma daw."

"Bakit ka panay daw ka diyan? HIndi mo ba nakita kahapon? At sino nagsabi saiyo?"

"Si Salve, yung kasama nila Mrs. Rivera, nag text sa akin kagabi. Tinatanong kung tutuo daw ba na bisita natin si Sam Milby kahapon." Nahihiyang pag amin ni Grace kay Sarah.

"Grace ha, kung anuman ang nangyayari dito sa loob ng bahay, I hope hindi naman nakalalabas lalong lalo na kung may mga bisita tayong gaya ni Sam."

"So tutuo ate, yung bisita natin kahapon, si Sam MIlby?" Hindi na maipagkaila ni Grace ang excitement.

"Oo, pero ipangako mo sa akin, igagalang mo ang privacy nuong tao." Paalala ni Sarah sa kasama niya sa bahay.

"Oo naman ate," hindi pa rin makapaniwalang nakausap niya sa phone ang hinahangaang artista.

"Ate ,nanliligaw ba siya saiyo? Gustong gusto ko siyang artista. Ang gwapo naman kasi pero sabi nila playboy daw yun. Kung sino sinong babae ang nakaka date. Mag iingat ka duon."

"HIndi siya nanliligaw sa akin. May ibang dahilan kung bakit andito siya. Sa ngayon, wala ka pa dapat ikuwento or sabihin sa mga kaibigan mo. Hayaan mong sa kanya manggaling kung anuman ang dahilan bakit siya nagpupunta dito."

Habang nakikipag usap ito kay Grace ay panay din ang sabi niya kay Kevin to eat his breakfast properly, use his cutleries.

"Mommy, why was Mr. Milby here yesterday? Saka bakit lagi niya akong tinitingnan?"

"Napansin mo yun? Akala ko hindi mo siya pinapansin kahapon."

"I noticed him but ignored it. I don't like the way he looked at me."

Nuon Pa Minahal Na KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon