Nauna pa rin si Sarah na nakarating sa bahay. Matapos mapagbigyan ang kahilingan ng mabait na taxi driver na makapagpa picture silang dalawa ay dali dali siyang pumasok sa kabahayan. Hindi malaman ni Grace ang gagawin sa sobrang tuwa ng makita ang dalaga. " Salamat naman Ate at bumalik ka. Tinawagan ko si Kuya Sam, ipinaalam ko sa kanya na umalis ka, mamaya lang andito na rin yun.
"Sige, dun muna ako sa kwarto ko." Dali dali ng pumanhik si Sarah, nagtuloy muna sa kwarto ni Kevin para kunin ang iniwan niyang sulat para sa anak anakan. Pinunit niya ito ng pinong pino , ganoon din ang ginawa niya sa sulat na para kay Sam. Ayaw na niyang mabasa ng mga ito ang mga sulat. Matapos masiguradong wala ng makakabasa pa ng mga sulat ay bumaba na ito, siya namang pagbukas ng pintuan, bumungad ang halos humihingal sa sobrang pagmamadali si Sam.
"Thank God, you came back." Mahigpit na niyakap ang kasintahan na tumutulo ang luha, nakaramdam ng pagkapahiya sa sarili sa desisyon na umalis. Kitang kita niya sa mukha ng binata ang sobrang pag-aalala at pagkabahala. She decided right there and then, she will stop doubting his love for her.
"I am sorry, " umiiyak na sabi na lang ni Sarah. Sam smoothed her hair back, wrapping a few strands behind her ear. He kissed the top of her head, resting his lips there as he hugged her. "Promise me , you are not going to do this again. Please, tell me what is bothering you. What is upsetting you. God, I can't imagine what will be my life without you. Please, promise me you are not going to leave me. I love you so much, and I swear, I will never let you go. You are my forever, kahit saan ka pumunta , kasunod mo ako. Makalayo ka man, matagal na ang ilang araw, kasunod mo na agad ako. Promise me."
"I promise," sumisinghot na pangako ni Sarah. "I am sorry, hindi ko din maintindihan kung ano ano pumapasok sa isip ko. Naiinsecure ako pag nakikita ko mga kasama mo sa trabaho. Paano na pag lumaki na ang tiyan ko? Mamahalin mo pa rin ba ako? Baka ipagpalit mo na ako , ang gaganda at seseksi ng mga katrabaho mo na madalas kasama mo sa mga locaiton shootings and tapings ninyo. Paano kung matukso ka sa kanila?"
Hindi makapaniwala si Sam sa narinig. Napanganga na lang ito, natigilan. HInawakan sa magkabilang balikat ang kasintahan. Inilayo ng kunti para mapagmasdan niya itong mabuti. Nakatingin si Sarah sa kanya na namumugto na ang mata sa hindi mapigilang patuloy pa ring pag iyak.
"Paki ulit nga uli yung sinabi mo." Nanginginig ang boses na hiling ni Sam.
Sa nakitang expression sa mukha ng binata, alam na ni Sarah kailangan na niyang sabihin kay Sam. She brought the back of her hand to his face and stroke up and down as she stared into his eyes. "We are pregnant, 8 weeks. Magiging daddy ka na uli."
Tumulo ang luha ni Sam. Niyakap ng mahigpit si Sarah."I love you, that explains why you are not yourself lately. Akala ko pa naman bigla ka na lang nagising isang umaga na realized mo na hindi ako ang lalaking mamahalin mo habang buhay. He kissed her as he picked her up and carried her upstairs to their room.
Masayang palihim na kinunan ni Grace ng picture ang dalawa habang papanhik sa kwarto nila. Inidet niya ng kunti, nilagyan ng caption na; "When love is real..... " Hindi nagtagal at kumalat na sa mga social media ang picture na kahit na nakatalikod si Sam, ang nakita lang ay ang likod niya na may karga siyang babae papanhik ng hagdan na nakayakap ang dalawang kamay sa leeg nito, alam na ng mga fans nilang silang dalawa ni Sarah yun.
Kaya naman ng dumating na ang araw ng kasal ng dalawa, ang apat na sulok ng mundo ng showbiz ay ang kasal nila ang pinag-uusapan. Trending sila sa mga social networks sa Pilipinas.