Nahalata ni Matteo na parang wala sa sarili ang kaibian maghapon. Lagi niyang napapansing nakatingin ito sa malayo at laging nakatingin sa relo nito o kaya ay digital wall clock sa venue ng seminar nila.
"Anong oras sila darating? Mukhang hindi ka na mapalagay diyan." Bulong nito kay Sarah.
"7:45 ang arrival nila. Ewan ko ba, kinakabahan ako."
"Bakit ka naman kinakabahan? Dapat excited ka di ba? "
"Natatakot ako na mas lalong lumalim ang samahan namin ni Sam, alam mo yun tapos alam ko din na malaking problema si Mommy."
Hinawakan ni Matt ang kamay ng kaibigan. “Pakiramdaman mong mabuti ang sarili mo , mararamdaman mo naman if he is worth fighting for. We both know how much you love him, all you have to know is how much he loves you. Pag naramdaman mong mahal ka niya gaya ng pagmamahal mo sa kanya, then go ahead and fight for him. Tutal gaya ng sabi mo , lahat naman ng gusto mo , ayaw ng mommy mo?”
“Yun din ang sinasabi ko sa sarili ko. Ewan ba bakit parang na iinsecure pa rin ako. Minsan iniisip ko baka kaya lang niya sinasabing mahal niya ako dahil kay Kevin.”
“I don’t think so, kasi aminin natin o hindi , he can just take Kevin away from you if he wants to.”
Natigil ang pag uusap ng dalawa ng may lumapit na isang napakagandang koreana sa kanila.
Nakita ni Sarah ang kislap sa mata ng kaibigan. Napataas ang kilay nito ng mapansing parang nakalimutan siyang bigla ng kaibigan.
All eyes agad si Matt sa babaeng lumapit kung hindi pa siya nagpahalatang gusto niyang makilala ang bagong dating ay hindi pa uli siya maalala ng kaibigan.
“Hanah, I’d like you to meet my best friend Sarah Geronimo, Sarah this is Hanah, she is one of our cooridinators.”
Nagkamay ang dalawa. Natatandaan ni Sarah si Hanah ng ipakilala ito sa kanila nuong unang araw ng seminar nila.
“Now I know why I am alone at meal times lately.” Nakangiting sabi ni Sarah.
Kapuna puna ang pag blush ni Hanah, napatingin ito kay Matt.
Ngumiti naman si Matteo , binulungan si Sarah na mauna na sila at humingi na rin ng paumanhin na maiiwan na naman ang kaibigan.
“Why not join us.” Imbita naman ni Hanah.
“No, its ok, I have to get ready anyway, I have to pick up my son and boyfriend at the airport, they are arriving tonight. Thanks for the invite.”
Hanah gave Sarah a sweet smile then look at Matt again.
“Perhaps one night , we can all go out together?” Tanong ni Matt kay Sarah.
“That would be lovely, will mention it to Sam.” Sagot naman ni Sarah.
Bago umalis papuntang airport si Sarah ay nagpa reserve na ito sa isa sa mga restaurants sa hotel. Nalaman ni Sarah ang mga rooms na naka reserved para kina Sam , Grace at Kevin ay hindi sa floor ng room niya. Mas maganda sana kung sa isang floor na lang sila.
Hindi naman nag hintay ng matagal si Sarah sa airport, On time naman ang arrival nila. Malayo pa ay nakita na niya ang mga ito. Nakita din naman siya agad ng mga bagong dating. Kitang kita ni Sarah ang excitement sa mukha ng anak kaya hindi niya napigilan ang sarili at patakbo halos niyang sinalubong ang mga ito. Tumingin muna si Kevin kay Sam kung ok na siyang tumakbo para salubungin ang Mommy niya. Tumakbo na itong tuloy tuloy ng makitang tumango ang ama. Hinayaan naman na ng mga guards si Kevin ng iabot ni Sam ang mga documents para tuluyan na silang makalabas sa security area.
Tuwang tuwang nagyakap ang mag ina. Halatang halata na na miss nila ang isat isa. Ibinaba lang ni Sarah ang anak ng maramdamang nasa harap na nila sina Sam.
“Hello hon,” bati ni Sam na may kislap sa mga mata. HInarap ni Sarah ang binata, nakangiting binati din ito.
“Hello there.”
“Ganoon lang? Hello there lang?” Tanong nito kay Sarah na binabati si Grace.
Natatawang binalingan ni Sarah ang binata , nagtatanong ang mga mata , then tumingin kay Kevin.
“Uhh uhh, I need more than hello there. I don’t know about you , but I miss you so much.” He brings his arm around Sarah , pulling her closer, then his mouth was hot on hers, possessive, fierce. It melted every part of her, and made her knees weak.
When she lifted her shy gaze up to his, he pecked a light kiss on the tip of her nose when he noticed her blushing. “I think he approves.” Nakangiti nitong bulong ng makitang sinulyapan na naman ni Sarah ang anak na nakahawak na sa kamay ni Grace na nagpatiuna ng naglakad hila hila ang luggage nila.
“I miss you too pero pwede ba huwag ka namang ganoong humalik pag nakaharap si Kevin. Naiilang ako. Baka mamaya kung ano na lang isipin nung bata.”
“Iisipin niya, mahal na mahal ng daddy niya ang mommy niya.”
“How was your trip? Wala bang naging problema?”
“Wala naman, medyo tinanong si Kevin sa immigration pero routine lang yung mga questions. Sandali lang naman. “
Magkahawak kamay ng sumunod ang dalawa kina Kevin at Grace. Masayang masaya silang apat na nagkukuwetuhan sa SUV na ni rent ni Sam on line papunta sa hotel.
“Mukhang sanay na sanay ka na dito sa Seoul Kuya Sam, alam na alam mo na kung saan ka pupunta.” Puna ni Grace.
“Hindi naman sanay na sanay, nag shoot na rin kami dito ng isa sa mga teleserye na ginawa ko at ilang beses na rin akong pabalik balik dito.. Kahit na paano, alam ko na rin kung saan ako pupunta.” Sagot ni Sam.
“Ahh kaya naman pala.” Nakangiting sabi ni Grace na panay turo kay Kevin ng mga bago sa mata nila.
Nagkatinginan sina Sarah at Sam. Kinuha ni Sam ang kamay ni Sarah at pinisil ito. “I love you”, bulong ni Sam. Ngumiti si Sarah sa kasintahan, hinigpitan ang hawak sa kamay ng binata.
Hanggang sa makarating sila sa hotel , makapag check in at dinner sa restaurant ay hyper pa rin sina Grace at Kevin. Panay pa rin ang mga kwento nila. Masaya namang nakikinig si Sarah sa mga kwento ng mga ito lalong lalo na sa mga kwento ni Kevin sa experience nito ng sumama siya sa daddy niya sa ASAP. Natutuwa si Sarah na nag enjoy ang anak ganoon din si Grace na kasama nila. Nagkatinginan sina Sarah at Sam ng sabihin ni Kevin na extra nice daw sa kanya si Angeline Quinto.
Napuna naman yun ni Grace. “Naku Ate, alam na ni Angeline na ikaw ang girlfriend ni Kuya. Sabi nga niya sa akin, sana daw makilala ka din niya at maging magkaibigan kayo kasi mabait daw na kaibigan si Kuya.”
“Hmmm ganoon? Kaibigan lang ba talaga?” Makahulugang tinapunan ng tingin ang katabing kasintahan.
Inakbayan ni Sam si Sarah. Hinapit palapit sa kanya at dinampian ng halik sa labi. Hinampas ni Sarah ang binata. “Hoy, sabi ko naman saiyo.....”
“Son, do you mind if I kiss your mom?” Tanong nito sa anak. Hindi pa rin niluluwagan ang pagkakahapit kay Sarah.
“Not at all but only if you will not kissing other girls anymore.” Diretsong sagot ni Kevin sa ama sabay lapit kay Sarah at umupo sa kandungan nito. Napilitan si Sam na bitiwan sa pagkakahapit ang kasintahan. Pinagmasdan ang mag ina. Na miss nga talaga ng anak ang mommy niya. Bumuntong hininga ito at naalala ang isang gumugulo sa isip niya. Bakit parang ayaw ng kasintahan na malaman ng ibang tao na sila na. Di ba dapat matuwa pa ito na gusto niyang ipaalam sa mga tao na siya ang mahal nito? Malaking palaisipan sa kanya ang paghiling ng kasintahan na huwag na lang nitong i tweet ang tungkol sa kanila. Isa yun sa unang una niyang itatanong sa kasintahan as soon as magkasarilinan sila.