Chapter 12

3.3K 41 21
                                    

Napansin ni Sam na panay ang tingin ni Grace sa oras. Napansin din niyang hindi na hiniwalayan nina Ryan at Judy Ann si Kevin. Nilapitan ni Sam si Grace.

"Bakti panay yata ang tingin mo sa oras? May oras ba na dapat makauwi na kayo?"

"Usapan kasi namin ni Ate Sarah, text ko siya around 9 para makauwi kami before 10. May pasok kasi si Kevin bukas."

"Bakit nasaan ba siya?" Interesadong tanong ni Sam.

"Alam ko manonood sila ng sine ni Matt, pero sabi niya tapos na daw yung movie by 9 kaya text ko na lang siya para masundo niya kami. "

"So siya ang susundo sainyo?"

"Oo kuya."

"Hmmm, sige text mo na siya, at pag dumating siya, let me know ha, may gusto akong sabihin sa kanya."

Nag aalangang sumagot si Grace. Usapan kasi nila ni Sarah, sa labas na lang siya maghihintay. Nakita niyang imposible na yun ngayon.

"Alam ko na , sinabi niya saiyo na sa labas na lang siya maghihintay. Ayaw na niyang pumasok."

Tumango na lang si Grace. Ayaw niyang magalit sa kanya si Sarah pero ano ang sasabihin niya kay Sam. Nahulaan na nito ang gustong mangyari ni Sarah.

Hindi na kumibo si Sam. Nag iisip. Napapansin niyang habang gumagabi ay lalo pang dumarami ang tao at mas nagiging maingay ang isang grupo na mukha ng mga lasing. Tama lang na makauwi na si Kevin.

"Papunta na daw siya dito, kaya dapat sabihin ko na kay Kevin para makapag ready na siya. "

May sasabihin sana si Sam ng bigla itong hilahin ng isa sa mga bisita niya at dinala sa grupo nina Suzy.

"Huwag kayong aalis na hindi ko alam ha. You have to let me know when you are leaving." Bilin ni Sam kay Grace.

Nilapitan na ni Grace si Kevin at sinabing padating na ang mommy niya para sunduin sila. Sumaya ang mukha ni Kevin ng marinig na padating na ang mommy niya. Napansin yun ni Judy Ann.

"Will you introduce me to your mom? I want to meet her." Request ni Juday kay Kevin.

Tumango si Kevin.

Si Sam naman kahit na nakikipagkuwentuhan sa mga bisita ay palihim na tinitingnan ang oras at lihim ding pinakikiramdaman ang mga kilos ni Grace na hindi kalayuan sa kanya. Katabi na nito si Kevin na katabi pa rin ni Judy Ann.

Nagpaalam siya agad agad sa mga kausap ng makitang may ka text na uli si Grace.

"Nasa labas na ba siya?" Nagulat pa si Grace ng marinig ang tanong ni Sam. Hindi niya namalayan na nakalapit ito sa kanya.

"Oo Kuya, andiyan na siya, naghihintay na siya sa labas. Kevin. let's go hon, your mom is waiting." Kalabit nito kay Kevin na nakikipagkulitan kay Ryan.

"Dito muna kayo ni Kevin. ako na lang muna lalabas, makakain man lang siya kahit na konti isa pa gusto din siyang makilala nila Ate Juday. "

"Pero.... " nag aalalang gustong tumanggi ni Grace.

"Wala ng pero , pero, dito muna kayo." Tuloy tuloy ng lumabas si Sam.

*****

Nasa may harapan na ng bahay ni Sam si Sarah pero hindi na ito bumaba ng sasakyan . Nakita niya ang madaming sasakyan sa paligid ng bahay ni Sam . Nag text na lang ito kay Grace na magpaalam na at nasa labas na siya.

Kinakabahan ang dalaga pero pilit na pinakalma ang sarili. Nagulat ito ng makitang si Sam ang lumabas ng bahay at palapit sa sasakyan niya.

Binuksan ni Sarah ang bintana ng sasakyan ng malapit na si Sam. Madilim ang mukha nito. Lalo ng kinabahan si Sarah.

Nuon Pa Minahal Na KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon