Habang palapit ang araw ng kasal nina Sarah at Sam, tumitindi naman ang lumalabas na balita na nagkabalikan na sina Sam at Anne. Panatag na ang kalooban ni Sarah ,maging ang boyfriend ni Anne na si Erwan ay tinatawanan na lang ang mga bali balita. Ilang beses na ring nag get together ang apat at masasabing tama nga ang sabi nila Sarah at Anne, mabigyan lang sila ng pagkakataong magkakilanlan, magiging mabuti silang magkakaibigan. Tuwing magkakasama sama sila, nakakalimutan nila na sa paningin ng mga tagahanga, sina Sarah at Erwan ay mga kontrabida sa buhay pag-ibig nina Sam at Anne. Ang malaking problema nila ngayon ay ang mga fans na patuloy pa ring umaasa na magkakabalikan sa tutuong buhay sina Sam at Anne at hindi matuloy ang kasal ni Sam kay Sarah. Si Sarah ang ginagawa nilang masama at hadlang sa tunay daw na pagmamahalan ng dalawa kaya kung i bash nila ang dalaga sa social network ay ganoon na lang. Marami ding mga reporters ang pumapatol sa mga fans kaya naman lalo pang lumalala ang mga intriga.
Mabuti na nga lang at tuwing makakaramdam ng insecurity at pag-aalinlangan ang dalaga, laging nanduon ang kasintahan para ipadama kung gaano siya kamahal nito.
Isang araw, nasa grocery store ang dalaga ng mapansin niyang parang may sumusunod sa kanya. Kinabahan ito at pasimpleng nakiramdam sa paligid. Hindi nagpahalata pero matinding kaba ang naramdaman. Hindi nga siya nagkamali, may isang babaeng mukhang sinusundan siya. Napansin ni Sarah na lalo pang itinakip ang hood nito at nagkunwaring tumitingin sa mga products sa isang shelf ng makitang huminto siya pero ala na alam ni Sarah na pinakikiramdaman nito ang mga kilos niya. Matindi man ang kaba ng dalaga ay pilit nitong pinakalma ang sarili. Wala naman sigurong mangyayari sa kanya sa lugar na yun. Napakamaraming tao, nakapa istupida naman nito kung gagawan siya ng masama sa napaka publikong lugar.
Habang kinukuha ni Sarah ang mga nasa listahan niyang dapat bilhin ay nag-iisip din siya at habang nagtatagal ay nakakaramdam siya ng pagkainis at pagkabagot. Naiisip niya na ang magiging buhay nila pag tuluyan na silang naging mag-asawa ni Sam. Mas marami na siyang hindi magagawa ng hindi malalaman ng mga tao. Triple na ang magiging pag-iingat nila pag lumalabas, pati mga isusuot nila, mga sasabihin. Sa hindi maipaliwanag na dahilan , gustong maiyak ni Sarah sa mga naiisip na magiging pagbabago sa buhay nila ni Kevin. Ngayon pa nga lang, parang hindi na niya kaya. Pinanghihinaan na siya ng loob pero mahal na mahal niya ang binata. Yun ang nag iisang dahilan kung bakit hindi niya magawang umatras sa nalalapit nilang pagpapakasal tuwing naiisip niya ang magiging buhay sa piling ng kasintahang lalo pang sumisikat at umaangat ang career.
Napansin ni Grace ang amo habang tinutulungan siyang mag-ayos ng mga groceries pagdating ng bahay. “Ok ka lang ba ate? Bakit parang namumutla ka?” Nag-aalalang tanong nito.
“Medyo kinabahan ako kanina sa grocery store, may isang babae na parang sunod ng sunod sa akin. Pakiramdam ko nga, hanggang pauwi na ako nakasunod pa rin sa akin.”
“Reporter?” Tanong uli ni Grace.
“Mukhang fan.” Malungkot na sagot ni Sarah. “Alam mo habang lumalapit ang kasal namin parang gusto ko ng umatras.” Hindi na napigilang sabi ng dalaga.
“Ate, naman, ngayon ka pa ba makakaramdam ng mga ganyan? Ilang linggo na lang Mrs. Milby ka na.” Hindi makapaniwalang sagot ni Grace. Matagal na napatingin sa amo. “Iba ang putla mo ate, magpahinga ka na, ako na lang dito.”
“Sige nga, pahinga muna ako. Bahala ka na muna dito ha, salamat.” Tinapik sa balikat ang mabait na kasama sa bahay at lumabas na ng kusina. Naiiling na sinundan ng tingin ni Grace ang dalaga. Ilang araw na rin niyang napapansin ang pagiging matamlay ng dalaga, napapansin din niya na hindi ito masyadong nakakakain. Madalas pagkaalis nina Kevin at Sam, ay nasa kwarto lang ito. Sana naman hindi tutuo sa loob niya ang sinasabi niyang gusto niyang umatras sa kasal nila. Nasabi na lang ni Grace sa sarili.