Chapter 43

1.1K 47 18
                                    

Nagulat pa si Grace ng isang umaga pagkaalis ni Sam at Kevin ng makita niya ang dalagang pababa ng hagdan may bitbit na isang maleta. "Ate saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong nito sa dalaga.

"Aalis muna ako, gusto kong makapag isip na mabuti. Ikaw na muna bahala sa dalawa ha. Tatawagan na lang kita madalas para kumustahin kayo. May iniwan na akong sulat para kina Kevin at Sam."

"Saan ka ba pupunta ate, bakit ka ba aalis? Nag-away ba kayo ni Kuya Sam?"

"Hindi , hindi kami nag-away , gusto ko lang makapag isip isip." Mabilis na sagot ni Sarah.

Lalapit sana si Grace kay Sarah para pigilin ito sa paglalakad palabas ng pintuan, "hayaan mo na ako Grace, nandiyan na yung taxi, kailangan kong gawin ito para malaman ko sa sarili ko kung ano ba talaga ang gusto kong mangyari. Kung kaya ko ba ang habang buhay na pamumuhay sa piling ng isang gaya ni Sam."

Napasunod na lang palabas ng bahay si Grace. Nung nailagay na ang maleta nito sa trunk sa naghihintay na taxi , binalingan nito ang naguguluhan pa ring kasama sa bahay. "Ilang araw lang ako , babalik din ako agad, huwag kang masyadong mag aalala." Mahinang sabi nito. Dali dali namang lumapit si Grace kay Sarah at niyakap ito. "Sana nga ate bumalik ka kaagad ha, parang nakikita ko na reaction nung dalawa pag nalamang umalis ka."

Habang palayo ang taxi ay unti unti ding tumulo ang luhang pinipigilan ng dalaga parang nakikita na niya ang reaksyon ng mag-ama pag nalamang umalis siya. Naiinis na pinunasan ang luha ng marinig ang tanong ng driver kung saan sila pupunta. "Sa NAIA po tayo." Nagbabara ang lalamunang sagot niya.

Nag-iisip naman si Grace kung ano ba dapat niyang gawin at bago pa magbago ang isipan niya, dali dali niyang tinawagan si Sam na ng mga sandaling yun kararating lang sa location ng shooting nila.

Pagkakita ni Sam na si Grace ang tumatawag, kinabahan agad ito. Naisip agad na baka may nangyari sa mag-ina niya. "Grace?" Halata agad ang pag-aalala sa boses ni Sam.

"Kuya, si Ate , umalis kani kanina lang. Hindi naman sinabi kung saan pupunta. Kailangan daw niyang mag isip. May iniwan daw siyang sulat para sainyo ni Kevin. Pinigilan ko siya Kuya pero hayaan ko nalang daw muna siya.Nag-away ba kayo?"

Hindi makapaniwala si Sam sa narinig. Hindi na nakapagsalita. Dali dali itong nagpaalam sa director niya. Nakiusap na kung pwedeng umalis muna siya, pipilitin niyang bumalik later on, may emergency lang siyang dapat ayusin. Hindi nito sinabi ang tutuong dahilan, ayaw din niyang may iba pang makaalam. Nakita naman ng direktor sa mukha ng binata na kailangan talaga niyang umalis muna kaya sinabihan itong huwag mag aalala, kahit kinabukasan na siya bumalik, uunahin na lang niya mga eksena na hindi siya kasama.

Halos paliparin ni Sam ang sasakyan pauwi , hindi pa rin makapaniwala na umalis si Sarah. Ang daming tanong sa isipan niya at lalo lang siyang nakakaramdam ng frustrations dahil wala siyang alam na dahilan para umalis ang kasintahan. Napapansin niya na ang madalas na pananahimik nito. Lagi pa itong matamlay. Biglang naisip ng binata, paano kung may iba na itong mahal. Paano kung na realize nito na hindi naman pala siya ang lalaking gusto nitong makamasama habang buhay. Paano kung , iniwan siya nito para sumama sa bagong lalaking mahal nito? Lalo pang napatapak sa gas ang binata dahil sa mga naiisip na posibleng dahilan kung bakit bigla na lang umalis ang kasintahan. Halos sumabog ang dibdib nito sa sa sari saring emosyong nararamdaman pero alam niya kahit ano ang mangyari , saan man makarating ang dalaga, susundan niya ito. Aalamin ang dahilan at hindi siya basta basta papayag na mawala na lang ng ganoon ang babaeng pinakamamahal.

Malapit na sa airport ang sinasakyang taxi ni Sarah ng biglang sabihin sa driver na nagbago ang isip niya. Sinabing ihatid na lang siya sa address na ibinigay. Dali dali namang nag-isip ang driver kung paano sila makakarating sa address na kabibigay lang ni Sarah. "Ok po maa'm." Sagot na lang nito.

"Salamat po."Mahinang sagot ng dalaga. Binuksan ang phone niya para tawagan si Matt, doon muna siya sa bahay ng kaibigan habang nag-iisip. Hindi naman siguro iisipin ni Sam na nanduon siya. Ilang Segundo pa lang na naka-on ang phone niya ay sunod sunod ng pumasok ang mga messages niya. Dali dali niyang pinindot ang mute button, tiningnan kung kanino galing ang mga messages. Tama ang kutob niya, halos lahat ay voice mail galing kay Sam. Nanginginig ang kamay na pinakinggan ang unang voice message ng kasintahan. "Love please call me when you get this message. I just got a call from Grace informing me that you left. I am going crazy here, trying to think what have I done that you decided to leave. Please love, call me."

Hindi na napigil ni Sarah ang sarili, napahagulgol na ito ng iyak. Napaka unfair nga naman niya sa mag-ama.Bakit nga ba kung ano ano ang iniisip niya.Ramdam naman niya kung gaano siya kamahal ng kasintahan. Lahat ng gusto niya nasusunod, hindi nga ba at pati sa kasal nila, siya halos ang nasunod?

"Maa'm, tutuloy pa rin po tayo dito sa address na kabibigay ninyo?" May pag-alalang tanong ng taxi drive.

"Opo Mamang Driver, salamat po."

Hindi na nakatiis ang driver na nakaramdam ng awa sa tahimik na ummiyak na pasahero pagsakay na pagsakay pa lang nito sa taxi niya.

"Huwag nyo po sanang mamasamain maa'm, napansin ko lang po na pagsakay pa lang ninyo, ummiyak na kayo, parang hirap na hirap ang kalooban nyo. Ok lang po ba kayo? Kailangan nyo po ng tubig?"

"Hindi na po, salamat." Sandaling natigil sa pag -iyak ang dalaga, naalangan na napapansin pala siya ng driver. Tumingin ito sa labas ng bintana. Hindi na naman nito napigil ang umiyak ng madaanan nila ang isang napakalaking board poster ni Sam advertising a certain brand of clothing.

"Tama, kayo nga ang fiancee ni Sam Milby. Sabi ko na nga pamilyar ang mukha ninyo." Biglang narinig ni Sarah na bulalas ng driver. Napatingin siya sa driver, sinulyapan naman siya sa overhead mirror. "Pasensya na po kayo maa'm, idolong idolo po kasi ng dalagita ko si Sam at gustong gusto po niya kayo para sa number one idol niya. Salamat nga pong bukang bibig ang batang yun kung hindi ang tungkol sa love story ninyo. Pambihira na daw post ngayon ang ganoong love story.Pati nga po kaming mag-asawa sinusubaybayan na namin ang mga balita tungkol sainyo."

Lalo ng hindi nakakibo si Sarah. "Sana po maa'm kung ano man ang gumugulo sa isipan ninyo, maayos agad. Kung hindi lang po bawal mag text habang nagmamaneho, na text ko na anak ko para ikuwento na pasahero ko kayo."

Sasagot sana si Sarah sa sinabi ng mabait na driver ng mag vibrate ang phone niya. Si Sam uli. Nagdesisyon si Sarah, "pwede po bang pakibalik na lang uli sa bahay. Pasensya na po kung pabago bago ang isip ko. Dala lang po siguro ito ng kalagayan ko. Salamat po, nakatulong kayo sa pagliliwanag ng isipan ko."

"Talaga po? Pwede po bang magpapa-picture kasama kayo mamaya pagbaba ninyo?"

"Pwedeng pwede po, teka lang po at sasagutin ko lang ang makulit na kanina pa tawag ng tawag."

"Sige po maa'm, pasensya na po kung medyo napakwento ng kunti."

"Ako nga po dapat magpasalamat sainyo," nakangiting sagot ni Sarah habang hinihintay naman ang pagsagot ni Sam sa kailangan linya.

"Love? Thank God!Where are you? Please, stay where you are, I will come get you."

"No need, I am on way back. I am so sorry. I don't know what I am thinking. I am sorry."

"Love, if there is something bothering you, talk to me. You almost killed me,thinking you are gone out of my life."

"I have something to tell you, are you home? "

"Almost there."

"See you there. I love you."

"I love you more!"

Nuon Pa Minahal Na KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon