Chapter 13

3.3K 41 16
                                    

Nagpaalam si Sarah kina Judy Ann at Ryan. Sinabi niya ang pinasasabi ni Sam at magkahawak kamay na sila ni Kevin na lumabas ng bahay kasunod si Grace. Tutuloy sana sila sa sasakyan ni Sarah pero narinig nila ang boses ni Sam, tinatawag siya.

"Here, will take you home in my vehicle. My driver and I will drop yours tomorrow morning. I will take Kevin to school tomorrow morning."

Tuwang tuwa si Kevin sa narinig.

"Really daddy? You will drop me off to school tomorrow?"

"Yes son, you like that?"

Hindi kumikibo si Sarah, nakikiramdam lang. Tahimik lang din si Grace, natutuwa siya sa nakikitang excitement ng alaga.

Pagdating sa harap ng bahay ni Sarah ay mabilis na bumaba si Sam at inalalayang bumaba sina Grace at Kevin.

"Good night son, I will see you tomorrow morning. Mommy and I are just going out for a quick dinner. I am starving and your mom did not finish her dinner at my house."

Nagulat si Sarah sa narinig, hindi niya inaasahan ang narinig. Nakaramdam siya ng resentment na hindi sinabi sa kanya ni Sam ang balak nitong pagkain sa labas. Gusto niyang sitahin ang binata agad agad pero ayaw din niyang makita ni Kevin na madalas silang magkasagutan.

Yumuko si Sarah para bigyan ng good night kiss si Kevin. Yumakap sa kanya ang anak anakan at nagulat silang tatlo sa sinabi nito matapos halikan sa pisngi si Sarah.

"Don't let daddy kiss you ok mommy? He was kissing a girl earlier tonight. I don't want you to get hurt or crying later." Tumingin ito kay Sam.

"Kevin!! Hindi makapaniwalang nasabi ni Sarah. Napatingin ito kay Grace.

"What are you trying to say son?" Gulat na tanong din ni Sam. Hindi din makapaniwala sa narinig mula sa 7 year old na anak.

"I watched your show. There were two girls fighting, crying and saying nasty words to each other , all because you kissed one of them when you were not supposed to."

"Grace?" Tanong ni Sarah .

"Ate , minsan kasi hindi ko alam na nanonood din pala siya. Akala ko naglalaro lang siya ng lego. Dati rati naman wala siyang pakialam sa pinanonood ko pag nakaharap na siya sa lego niya eh. Nagulat na lang ako ng tinanong niya sa akin bakit umiiyak yung babae sa show. Kaya yun pinaliwanag ko."

"I love you daddy but I don't want mommy to cry like that girl in your show. You should not be kissing someone else if that girl you kissed tonight is your girlfriend."

Nilapitan ni Sam ang anak. Umupo ito sa harapan nito, hinawakan ang dalawang kamay. "I promise son, I will never hurt your mommy or make her cry on purpose. That girl is not my girlfriend and I did not kiss her. She is the one who kissed me."

"That's true , she kissed you first."

"You better go hon, its really getting late. Don't forget to brush your teeth pretty well, ok?" Masuyong bilin ni Sarah. Lumapit uli sa anak at hinalikan uli.

"Good night son, see you tomorrow," sabi naman ni Sam.

"Good night, " sagot naman ng bata na mukhang antok na antok na.

Hinintay nilang makapasok sa loob ng bahay sina Grace at Kevin bago hinarap ni Sarah si Sam.

Naiiling ito at sinabing, "good night. I am not going anywhere with you." Nag umpisa ng maglakad palayo sa sasakyan.

Napigilan naman siya agad ni Sam.

"Please, pabirthday mo na sa akin. Gutom na talaga ako."

"Ang daming pagkain sa bahay mo, duon ka na lang kumain."

Nuon Pa Minahal Na KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon