Chapter 28

2K 31 20
                                    

Nuon lang uli nakaramdam ng ganoong matinding pagseselos si Sam. Pakiramdam niya kung malapit lang ang dalawa magkakaroon ng matinding suntukan ng mga sandaling yun dahil yun ang nararamdaman niya. Gusto niyang manuntok ng tao, particulalry someone whose name is Matteo.

Nangingiting tumalikod si Grace. Kunyari ay hindi niya napansin ang expression ng mukha ni Sam. Inabala na lang ang sarili sa paglalagay ng mga plato sa dishwasher pero lihim niyang pinakikiramdaman ang binata. Bigla itong nag aalala ng maisip na baka magpadala uli ng bagong pictures si Sarah, maibato na ni Sam ang phone niya.

Binalikan ang phone at hiningi kay Sam na nakatitig pa rin sa picture.

"Kuya Sam, pwede yung phone ko? Reply ko lang si Ate." Dahilan ni Grace.

Ibinigay naman ni Sam agad kay Grace ang phone. Nakaramdam naman ng awa si Grace sa binata ng makita ang lungkot sa mga mata nito. Sinagot nga ni Grace ang text ni Sarah. Sinabi na rin niya na aburido na si Sam na hindi niya sinasagot ang mga messages nito lalong lalo na nga at nakita yung mga pictures na pinadala niya.

"Hayaan mo siya para maramdaman din niya yung nararamdaman ko ng makita ko yung mga pictures nila nung Angeline na yun."

"Si Ate nagseselos pala nung lagay na yun kaya hindi nag reply. Huwag ka ng magselos ate, hindi naman talaga si Kuya ang nag imbita duon. Bigla na lang daw nag appear sa TKD class ni Kevin. HIndi naman daw niya masabihang umalis na , nag stay daw hanggang sa matapos ang class ni Kevin kaya yun nuong tinanong kung ano gagawin ng mag ama after, sinabi nilang lunch. Inimbita na rin nila. HIndi naman nila ini expect na sasama sa kanila." Mahabang explanation ni Grace.

Matagal bago nag reply si Sarah. "Sigurado kang hindi niya inimbita para samahan siya sa TKD class ni Kevin?"

"Sigurado ako Ate, naniniwala ako kay Kuya. Nakita mo sana expression niya ng makita yung kaka send mo lang na pictures ninyo ni Matty. Ang sama ng mukha."

Nangiti si Sarah ng mabasa ang huling text ni Grace.

"Ano , nakaganti ka na?" Naiiling na tanong ni Matteo. :Siguraduhin mo lang na hindi ako magkaka black eye pag nagkita kami uli ha."

Hinampas ni Sarah ang kaibigan. "Ikaw talaga, kilalang kilala mo na ako no?"

"Bakit pa kita naging BFF kung hindi ko alam ang tinatakbo ng isip mo. Sige nga ubusin mo na yang best ever rice cake na order mo."

"Sige , hati na tayo." Malambing na nginitian ni Sarah ang bestfriend.

Gabi ng nakabalik sa hotel room niya si Sarah. Ihinatid lang siya ni Matteo hanggang sa makapasok siya. Pagkapasok niya sa room niya saka lang niya tiningnan uli ang phone niya. May dalawa siyang miss call from Sam at ilang text messages.For the first time, nakalimutan niyang mag good night kay Kevin. Pinairal kasi niya ang inis at selos kay Sam, pati tuloy si Kevin nadadamay.

Nag text siya kay Grace, hoping na gising pa ito. Tinanong niya kung gising pa si Kevin. Almost 10 pm na sa Pilipinas.

Sinagot naman agad ni Grace, sinabing gising pa at nanonood ng movie with Sam. Natuwa si Sarah sa nalaman at tumawag agad sa landline nila.

Tuwang tuwa si Kevin ng iabot sa kanya ni Grace ang phone at sinabing ang mommy niya, gustong mag good night sa kanya. Napaangat ang mukha ni Sam ng marinig ang sinabi ni Grace.

"Bud, can I talk to your mom after you talked to her?" Request ni Sam sa anak.

"Yes, Dad will tell her."

Sinabi naman agad ni Kevin kay Sarah ang request ni Sam. Hindi sumagot si Sarah sa halip ay kinumusa ang araw ng anak. Ikinuwento naman nito by details ang nangyari sa buong maghapon niya.

Nuon Pa Minahal Na KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon