Chapter 14

2.9K 39 13
                                    

Kinabukasan, tanghali ng nagising si Sarah. Nagulat pa ito ng kumatok si Kevin, handa na para pumasok. Lalo ng nagulat ng kasunod nitong pumasok si Sam.

“Good morning Mommy. Why are you still in bed? It’s late! Daddy is here already, he is dropping me off to school now but want to see you before we go.”

Nahatak pataas ni Sarah ang blanket, hindi makapaniwalang nasa loob ng kwarto niya si Sam, parang he has all the reasons to be there. Nakangiting parang nakakaloko na nakatitig sa kanya.

“Good morning.” Bati nito sa kanya.

Tiningnan lang siya ni Sarah at niyakap ang anak na nakapanhik na sa bed niya kissing her.

“Have a great day at school anak. I will see you later.” Hinalikan din ang anak.

“Happy Birthday to you,” tiningnan si Sam na nakatitig pa rin sa kanilang dalawa ni Kevin.

“Let’s go son, you will be late if we don’t go now.” Lumapit sa mag – ina binuhat ang anak. Ibinaba at bago pa makapagsalita si Sarah ay nadampian na siya ng halik sa labi ng binata. “You look great first thing in the morning.” Bulong nito kay Sarah. Tiningnan ang anak. “Don’t worry son, I am allowed to kiss her, from now aside from work, she is the only one I will be kissing. So you better watch her, tell everyone no one is allowed to kiss her on the lips except me, ok?”

“Ok, sagot ni Kevin. Kitang kita ni Sarah ang tuwa sa mukha ng anak. Gusto niyang sigawan si Sam , bawiin ang sinabi pero hindi niya magawa dahil sa nakitang tuwa sa mukha ng anak.

“Bye mommy, daddy said, he said he will pick me up , will go out to an arcade to play video games and stuff then will come pick you up dinner out. “

“Bye Honey, see you later.” Nakakaloko pa ring sabi ni Sam sa hindi pa rin makakilos at makakibong dalaga sa bilis ng mga pangyayari ng umagang yun.

Matagal ng nakaalis ang mag ama ay hindi pa rin makaalis sa bed niya si Sarah. Pilit na binabalikan ang pangyayari bago pumasok sa school si Kevin.

Napatingin siya sa may pinto ng maramdaman si Grace may dala dala itong kape.

“Good morning ate. Gusto mo handa ko na breakfast mo?”

“Tama na muna yang kape , thank you.”

Iniabot ni Grace ang kape kay Sarah. Nahalata ng dalaga na may gusto itong sabihin.

“Ano yun Grace? May gusto kang sabihin or itanong.?”

“Ate, nagkalat ang pictures ninyo ni Kuya Sam sa internet. Kuha kagabi sa restaurant na kinainan ninyo. Ang malaking issue, kaya daw siguro lumabas kayo na dalawa lang dahil sa muntik ng magkagulo sa surprise party kagabi dahil sa isa sa mga bisitang lasing ni Kuya. Speculation , ikaw na bagong girlfriend ni Kuya. “

Muntik ng matapon ang kapeng hawak ni Sarah sa sobrang pagkabigle. Nanginginig ang kamay na ibinaba ang coffee mug sa bed side table.

"Paano mong nalaman? Sino nagsabi saiyo?" Sunod sunod na tanong ni Sarah sa kasama sa bahay.

"Sa timeline ko sa twitter ate, panay kayo ang topic. Trending nga kayo ni Kuya Sam."

Napahiga na lang uli si Sarah sa bed at nagtakip ng blanket. Nagsisi bakit lumabas labas pa siyang kasama si Sam. Ngayon hindi lang buhay ni Kevin ang pag iinteresan ng media at publiko , pati siya.

“Ate, nakita mo sana kung gaano kasaya kanina ni Kevin ng bumaba siya at nakita niya si Kuya Sam na tinutulungan akong maghanda ng breakfast. Ang lambing lambing nila sa isat isa.”

Inalis ni Sarah ang pagkakatalukbong niya ng blanket. Anong oras ba yun dumating? Bakit hindi mo ako ginising?”

“Pinagigising kita kay Kevin ate pero ng marinig ni Kuya Sam, sabi niya hayaan ka daw makatulog total anduon naman siya. Magpaalam na lang daw si Kevin pag ready to go na.”

Nuon Pa Minahal Na KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon