Chapter 17

3.1K 35 17
                                    

Matagal na nakatingin lang si Sarah sa card. Hindi tuloy niya namalayan na nasa likod pala niya si Grace.

"Ang ganda ng mga bulaklak no Ate?"

"Oo maganda nga sana lang kasing ganda din ng ugali ng nagbigay."

"Mabait naman si Kuya Sam ah. Nakita mo sana ate yung itsura nya nung sinabi kong umalis na kayo ni Matteo. Kung pwede lang kayong sinundan, ginawa na niya. Ano ba pinagawayan nyo?"

"Nakakainit ng ulo na kung umasta akala mo may karapatan siyang magalit na inaasikaso ko si Matt. Mas may karapatan si Matt sa atensyon ko kesa sa kanya. Matagal ko ng karamay yung tao, siya kelan lang siya naging part ng buhay ni Kevin."

"Mukhang nagseselos ate kay Matteo." Panunukso ni Grace.

"Wala siya sa lugar." Inis na sagot ni Sarah, ibinalik ang card sa envelope.

"Pinasasabi ni Kuya Sam na susunduin daw niya si Kevin from school, then uwi muna sila dito para makapagpalt ng damit si Kevin then labas daw tayo for dinner."

Tumaas ang kilay ni Sarah. Tumingin kay Grace.

"Kailangan daw kasama din ako."

"Talaga lang ha."nangingiti si Sarah. Gusto niya ang narinig na inimbita din ni Sam si Grace."

"Nahiya nga ako Ate, sabi ko huwag na akong isama pero hindi daw kumpleto pamilya pag hindi ako sasama."

"Hmmmm, marunong. Alam kung sino dapat niyang kakampi. Anyway, may oras pa naman bago sila dumating, pahinga muna ako. Duon muna ako sa kwarto, pag nakatulog ako, pakigising na lang ako 45 minutes before we leave. Kung pwede lang huwag ng sumama," pahabol na bulong ni Sarah.

"Pagbigyan mo na ate tutal birthday naman niya saka ayan o nag sorry na." Itinuro ang bulaklak.

"Swerte niya fan ka niya. Sinabi mo sa kanya favorite flowers Ko ano ?"

Hindi naman ipinagkaila ni Grace na sa kanya nalaman ni Sam kung anong bulaklak ang favorite niya.

Samantala katatapos lang na nakipag usap ni Matteo sa telepono. Nag aalangan pa siyang tumawag nuong una kaya nag text muna ito. Iniisip na baka late na para tumawag sa LA. Hindi niya ini expect na tatawagan siya agad ng matanngap na nito ang text niya.

"Tita, mukhang mas nakaganda pa sa career niya ang pagkakaalam niya na may anak siya. Sa mga bali balita, mas pabor pa sa kanya ang mga tao."

"Paanong nangyari yun?"

"Ang pagkakamali natin, Inilagay natin yung return address. Hindi natin ini expect na siya mismo ang pupunta sa bahay ni Sarah. At lalong hindi natin ini expect na tatanggapin niya agad agad si Kevin na anak niya. Akala natin ipagkakaila o makikiusap na ilihim ang tungkol kay Kevin. He did the opposite. Lumalabas pa ngayon, si ang family ninyo ang masama dahil inalisan ninyo siya ng karapatan sa buhay ng anak niya."

Matagal bago nagsalita uli ang mommy ni Sarah sa kabilang linya. Iniisip nito ang susunod na sasabihin.

"Tita, ayaw kong malaman ni Sarah na may kinalaman ako sa pagpapadala ng sulat kay Sam. Hindi ko na ipapadala yung mga naiwan pang nandito. Pupuntin ko na ha."

"Bahala ka, ngayong alam na niya , there is no point na ipadala mo pa."

Agad agad kinuha ni Matt ang dalawang envelope at inilagay sa shreder niya.

"Muntik na akong madulas kanina." Pag amin ni Matt.

"What you mean?" Halatang nagpanic ang mommy ni Sarah.

"Nasabi ko na kung sino man ang nagpadala ng mga sulat kay Sam ay laking pasasalamat ko dahil sa wakas hindi na lang kay Kevin iikot ang mundo niya."

Nuon Pa Minahal Na KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon