Kadarating pa lang ni Sam sa location ng taping niya.. Pagkakita sa kanya ng mga kasamahan sa trabaho ay biglang natahimik ang buong set. Napakunot noo ang binata. “Dumating lang ako, bakit para kayong mga namatayan? Don’t tell me alam na ninyong may kunti akong problema. Nalaman na ninyo agad?” May halong biro pang tanong ni Sam. Nakita niya si Warren na palapit sa kanya. Seryosong seryoso ,mukhang namumutla pa.
“Warren, did not expect you to be here, what’s up, bakit ganyan ang itsura mo. Bad news?” Medyo kinakabahan ng tanong ni Sam , lalo na ng makita niyang nagbabaan ng tingin ang mga co stars niyang dati dati pag dumarating siya ay masasayang mukha ang bumabati sa kanya.
“Sam,” his voice was serious, “We have to go to the hospital.”
The way he said it sent chills up his spine.
“Who’s at the hospital?”
“Sarah...” his voice broke. “She got into an accident Sam. You need to get to her now.”
Nanlaki ang mata ni Sam, hindi ito nakakibo. Nanginig ang mga kamay, parang sasabog ang dibdib sa narinig. “What do you mean an accident? Sabay lang kaming umalis ng bahay. Hindi ko lang siya naihatid dahil mahuhuli na ako sa call time at opposite directions ang pupuntahan namin.”
“She got hit by a car.” Malungkot na sagot ni Warren? “She’s at Makati Medical Hospital.”
Hindi na matandaan ni Sam ang mga sumunod na pangayayari pagkatapos marinig kung saang hospital nanduon si Sarah.
Namalayan na lang niyang nakatayo siya sa Makati Med emergency room, hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyari. Parang kanina lang yakap yakap niya habang hinahalikan ang dalaga ng nagpapaalaman sila. His hands were shaking, legs were trembling, and his teeth were grinding against each other tightly. Tinanong nila ang receptionist kung nasaan na si Sarah.
Matapos makuha ang identity ni Sam at kung ano ang relasyon nito kay Sarah ay sinabihan siyang maghintay lang sa waiting room, may darating na kakausap sa kanyang doctor. Nasa operating room pa daw si Sarah.
Wala silang nagawa ni Warren kung hindi umupo sa waiting room, hindi niya namalayan ang oras, kung ano ano ang pumapasok sa isipan niya. Wala siya sa sarili, pakiramdam niya nanaginip lang siya at hindi tutuo ang mga nangyayari. Pakiramdam niya ngayon lang niya naramdamang ang sobrang takot, pangamba , parang namamanhid ang buong katawan niya, hindi na niya alam kung ano ang nangyayari sa paligid niya. Ni wala siyang nasabi kay Warren na kusang ng nagtawag sa mga taong dapat makaalam ng nangyari kay Sarah. Una nitong tinawagan ang bahay ni Sam dahil alam niyang nanduon si Grace. Hindi na siya nagulat ng marinig ang boses ni Grace na mukhang umiiyak pa rin.
“Kumusta na po si Ate Sarah? Napanood po namin sa news alert ng ABS CBN. Dapat ko po bang sunduin si Kevin?” Tanong ni Grace.
“Mabuti pa nga siguro para anot anuman ang mangayari nasa hospital siya. May maghahatid ba saiyo?”
“Andito po Daddy ni Kuya Sam, pasasama po ako sa kanila.”
“Sige, mabuti pa puntahan na rin ninyo ang mother ni Sarah, anuman ang nangyayari sa kanilang mag ina, anak pa rin niya ito. Mabuti siguro puntahan mo muna siya , check mo kung ok lang siya.” Suggest ni Warren.
“Sige po, dadaanan na namin siya bago kami pumunta sa school ni Kevin.”
May narinig na boses si Warren, hysterical ang boses nito. “Sandali lang Grace, mukhang andito na ang mother ni Sarah. Sino pa ba sa palagay mo ang dapat makaalam ng nangyari kay Sarah?”
“Ang ate po niya sa California saka si Kuya Matteo po, yung bestfriend niya.”
“Palagay ko andito na rin yung bestfriend niya, mukhang siya ang kasama ng mother ni Sarah.”