Chapter26

2.5K 41 27
                                    

Matagal ng natapos ang pag uusap nina Sarah at Sam ay nakangiti pa rin ang binata. Parang hindi na siya makapaghihintay ng ilang araw para makita uli ang kasintahan. Ilang oras palang ang nakakaraan mula ng maihatid niya sa airport ang dalaga, parang ilang araw na agad.

"Si Kuya para lang lutang. Kanina ko pa tinatanong , nakangiti lang. Hulaan ko kung sino iniisip mo." Narinig na lang ni Sam na sabi ni Grace.

"Ano yun? May sinasabi ka Grace?" Patay malisyang tanong ni Sam kay Grace na matagal na pala siyang tinatanong.

"Tinatanong ko lang naman Kuya kung dito ka mtutulog?" Nakataas na ang kilay na tanong ni Grace kay Sam.

"Hindi, gustuhin ko man.May pupuntahan akong birthday party. Gusto ko nga sanang isama si Kevin kaya lang may pasok siya bukas."

"Oo nga mahina sa puyatan yun."

"Nasaan na yun, hindi pa rin ba lumalabas ng kwarto niya?"

"Hindi pa, anduon pa rin sa harap ng mga lego niya."

Pinuntahan ni Sam ang anak. Nakipaglaro ng kunti. Tinulungang buuin ang Lego na nilalaro then nagpaalam na. Sinabing babalik siya ng Saturday morning para ihatid siya sa mga activities nito.

"Mommy being away is not that bad as it used to be now that you are here. Thank you daddy." Malambing na yumakap si Kevin sa ama.

Parang may bumabara sa lalamunan ni Sam, pinipigil na huwag gumaralgal ang boses. "I am just so happy you accepted me without any grudge Bud. I promise you, I will make up for all the time I was not in your life. Thank you for giving me a chance to be a part of your life."

"Thank you for coming back. I've been wondering when will you show up." Naiiyak na pag amin ni Kevin sa ama.

Umupo sa tabi ng anak si Sam na bumalik na sa paglalaro ng Lego. Nahalata ni Sam na pinipigil din ng bata na maiyak. Maraming tanong ang naglalaro sa isip nito pero its not the right time to ask questions. He has to go for now .

"i have to Bud but we will talk soon. I have so many questions , want y.ou to tell me stories you remember in school , here at home, about your mom , your grandparents, your likes and dislikes. I want to know more a lot about you son. I have so much catching up to do."

"I'd like that Daddy, is it possible to watch you at work too?" Excited na tanong ni Sam.

"Do you to come with me tomorrow? I will be in ASAP. We can go there straight from your swimming lesson."

Napatayo si Kevin. Kitang kita ni Sam ang excitement sa mukha ng anak. I can watch Gary V singing and dancing live?"

"Yes if he is there tomorrow. I will even introduce you to him and who ever you want to meet in person."

"Thank you Dad, I can't wait."

"I better get going." Muling hinalikan ang anak sa noo.

"See you Saturday Dad."

Bago tuluyang lumabas ng bahay ay pinagbilinan munang mabuti ni Sam si Grace to check all the doors and lock it. Huwag magdalawang isip na tawagan siya kung may mga pangyayaring dapat niyang malaman. Sinabi rin niya kung anong oras siyang darating para sunduin si Kevin.

"See you Saturday Kuya."

"See you Grace, at kung gusto mong mag day off sa week end, you go ahead, bahala na ako kay Kevin para naman makapagpahinga ka at magkaroon ka ng "Me Time", pahabol na sabi ni Sam bago tuluyang lumabas ng bahay. Hindi na niya nakita ang abot tengang ngiti ni Grace. Napasayaw pa ito sa tuwa.

*****

Sa birthday party na pinuntahan ni Sam, gaya ng dati ay napaligiran siya agad ng mga babaeng gustong makuha ang atensyon niya pero mas minabuti niyang hanapin ang manager niya. Nakita naman niya ito na pinagmamasdan na pala siya pagpasok pa lang niya ng venue.

Nuon Pa Minahal Na KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon