Chapter 33

2.4K 40 22
                                    

 "Sars," bulong ni Matteo sa kaibigan. 

"Bakit?" Mahinang sagot ng dalaga. 

"Your mom was trying to call me, tapos nag email. I forwarded it to you. Hindi ko sinagot yung tawag niya. Hindi ko alam sasabihin ko. Andito na ba sina Kevin?"

Tumango si Sarah. Nakita agad sa mukha ng dalaga ang pag aalala."Mamaya na lang natin to pag usapan. They are meeting me for lunch, tinatanong ka ni Kevin. Do you think he can say hi to you when they come?"

"Oo naman." Sagot ni Matteo then nanlaki ang mata. Hinawakan ang kamay ni Sarah, tiningnan ang singsing na suot nito. 

Yumuko ang dalaga then tumingin uli kay Matteo na nanginislap ang mga mata.  "He asked me last night, and I said , yes." 

"Wow, kahit hindi mo sabihin , kitang kita sa mga mata mo ang sobrang saya. Congratulations!"

"Thank you , isa na lang ang problema ko." Nawala ang ngiti sa mga labi ng dalaga. 

"I know, but for sure kung talagang mahal ka ni Sam, hindi magiging hadlang yung pag ayaw sa kanya ng Mommy  mo at siyempre nasa iyo na rin yun."

"I know." 

"I am happy for you Sars. Siguradong wala ng sasaya pa kay Kevin. Alam na ba niya?"

"Hindi pa, tulog pa siya kaninang umalis ako. Hindi ko na sila ginising tutal last day naman na natin today. Ano balak  mo? Uuwi ka na ba agad?"

"No , will stay for 2 days. Ipapasyal daw ako ni Hannah sa place nila outside Seoul." 

"Happy for you too Matt, happy na nakita ko naman yang mga kislap sa mga mata mo."

"Unexpected din to Sars, hindi ko ini expect tong nararamdaman ko for her. Parang ang tagal na naming magkakilala."

"Ganoon naman talaga di ba? Pag dumating yung taong mamahalin natin, minsan talaga hindi natin inaasahan."

"Oo nga, paano will try to look for you na lang mamaya sa restaurant, to say hi, dito din ba sa hotel?"

"Oo, gusto ko kasing marinig yung last speaker, mukhang interesting yung topic niya."

"Oo nga, sige hanapin ko na lang kayo mamaya,  pakibasa na rin yung email  na forward ko saiyo from your mom then advice me what to say sa reply ko, ok?"

"Thanks Matt." Mahinang sabi ni Sarah. 

Ipinasyal naman ni Sam sina Kevin at Grace pagkatapos nilang mag  breakfast. Syempre unang unang gustong puntahan ni Kevin ay ang world's tallest lego tower. Duon sila unang pumunta. Tuwang tuwa naman ang bata at panay ang kuha ng pictures nito. Hindi ito makapaniwala sa taas ng lego tower na nasa harap niya. 

"Paano kaya nilang nailagay yung mga last pieces sa pinakatuktuk," tanong ni Grace. 

"I saw it on video that they hoisted the Prince of  Denmark  up on a crane to lay the final brick. This one was build by at least 4,000 children." Sagot ni Kevin. 

Hindi napigilan ni Sam ang sarilii sa pagka proud sa anak at binuhat  niya ito. "You are one smart kid, my son. You know so much , I did not know that."

"Because you are not into lego Dad. I am sure, you know a lot about motorcycle and motocross, I don't."

"You are right son, but still for your age, you know a lot that other kids won't even bother to remember."

"Dad, is it possible to go to that market where they sell cheap. My friend said , there is a market here where you can find biggest selection of lego sets and a lot cheaper than in Manila."

Nuon Pa Minahal Na KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon