CJ's PoV
"Sorry!" Sambit ko nang mabangga ko ang isang lalaki sa pagmamadali kong makapasok ng airport. I work as a flight attendant in Manila International Airport. At oo, malelate na ko sa flight ko!
Pinulot ko yung mga gamit ko at nakita ko namang pinupulot din nung lalaki mga gamit niya
"I'm really really sorry-"
"Next time, be careful miss." Sambit nung lalaki pero natulala na lang ako sa taong nasa harap ko
"V-vincent..." sambit ko sa sarili ko unknowingly calling out his name. The guy I was once in love with.
6 years ago...
"Sht sorry!! Kuya wait lang!!" Sigaw ko sa bus driver habang nagpupulot ako ng gamit dito sa bus station. Pauwi ako ng probinsiya at naghahabol ako ng bus nang may makabangga akong lalaki
"Okay ka lang miss?"
"Ahh oo pasensiya na" sambit ko not even looking at the guy I bumped into
"Tulungan na kita"
"Nako hindi na-oy!" Singhal ko nang buhatin nung lalaki pasakay sa bus ang gamit ko
"Nagmamadali ka di ba? Lika na!" Wala na kong nasabi ng panahong yun at sumunod na lang sa kanya. Umupo na ako nang mailagay ng ayos ang gamit ko
"Pwede naman siguro ako tumabi sayo di ba?"
"A-ahh oo" alanganing sambit ko bago siya umupo at ngumiti.
"Vincent nga pala. Vincent De Torres. You?"
"Ahh... ano... CJ"
"CJ... meaning?"
"Christine Jane"
"Ohh. Nice name. Uwi ka ng province?"
"Oo eh"
"Pwede ako sumama?"
"E-ehh?!"
"Wala talaga ako eksaktong pupuntahan kasi... pwede sumama na lang ako sayo?"
Nakatulala lang ako sa kanya not even able to comprehend what he was saying.
Hindi ko alam na yun palang pagkakataong yun ang magiging simula ng pagbabago sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Time In Pasay
RomanceHe WAS a YOLO type of guy. You had a planned future ahead of you. How will destiny work it's way if your lives collide, once upon a time, in Pasay?