Mrs. De Torres was just about to leave their house nang madatnan niya sa salas ang anak niya na seryosong nakaupo habang magkadaop ang mga palad
"Naiisip mo pa naman pala ako puntahan?" Bungad niya sa anak
"Did you plan it?" Diretsong tanong ng binata sa ina
"What?"
"Plinano mo ba yung aksidente?!"
"So you're just here to blame me?"
"Just answer me! Ma!"
"Hindi ko alam ang sinasabi mo!"
"Figured you'd say that"
"Ano bang sinasabi mo?!"
"Muntik nang mamatay si Christine ma!" Sigaw ni Cen, frustrated from getting nothing on his mother
"W-what? What happened?"
"Siguraduhin mong wala kang alam dito ma, hindi ko talaga alam magagawa ko"
"Ganyan ba kababa tingin mo saken Vincent?!"
"Kung sabihin kong oo?! Aamin ka ba?!" Sigaw nito sa ina, breathing heavily bago muling nagsalita
"Ma, parang awa mo na... si Christine yung buhay ko... I... I've already caused her so much pain... we've already suffered way too much... gusto ko lang makasama mag-ina ko ma... ayokong mawalan ng pamilya anak ko ma... parang awa mo na... hayaan mo na kami" sambit ni Vincent. Even kneeling down in front of his mother to beg while tears kept on welling his face
"Mamamatay ako pag nawala pa saken ang mag-ina ko... ma, please... tama na..."
Nagulat ang ina sa ginawa ni Vincent but she was really unsure what accident he was telling her. Yes, she would've wanted her gone but she wouldn't go to the extent of killing. But seeing his son, this devastated definitely changed her thinking towards Christine.
Nagmahal din naman siya sa tatay ni Vincent. She was just scared that her son might experience what she did. At yun yung maloko at iwan ng taong minahal niya over money.
Kagayang kagaya ni Christine ang tatay ni Vincent. The only difference is that Christine was truthful to her words of promise and love towards her son.
Nung madala si Vincent sa America, nakikibalita pa rin ito sa Pilipinas kung hinahanap nito ang anak niya, at oo, alam niyang hindi tinanggap ng dalaga ang inalok niyang pera.
Sa pagkakataong nakita niya ang anak na nagmamakaawa sa kanya... she finally saw that she was nowhere near the same to Vincent's father. At yun lang naman ang gusto nito para sa anak. Mahanap ang totoong magmamahal sa kanya hindi kagaya ng naranasan nito sa ama ni Vincent.
Instead of answering her son, umalis lang ito. Not even having any words to say to her son. Tila ba sa dami ng naranasan niya noon, wala na sa sistema niya ang magkaroon ng emosyon. Pero alam niya sa sarili niya, that this time, she'll let them have their life. Together. Happily.
Umuwi si Vincent sa mag-ina niya but was shocked to see toys in the living room na inilalabas ni Vince.
"Papa! Papa look!"
"Cen, andyan ka na pala"
"San galing to?" Takang tanong nito sa nobya
"I think you need to see for yourself?" Sambit ni Christine handing over a note
Hope you love these toys -Lola Ruby
"Ruby?"
"Di ba yan pangalan ng mama mo?"
"Yes... but how? When?"
"Kanina lang. Pero hindi siya ang may dala. Mga empleyado niya ata? Have you talked things out?"
"I..." sasabihin sana niyang pinuntahan niya ang ina pero naguguluhan pa rin siya sa nangyayari
"Alam mo Cen... dati hindi ko pa din naiintindihan yung mama mo... pero now that I have Vince... as s mother, medyo nagets ko ginawa niya noon, at ngayon"
"Really?"
"We as mothers only wanted the best for our kid, minsan hindi namin makikita na lagpas na kami sa limitasyon namin bilang ina pero para kasi samin... yung mga naranasan namin, ayaw naming maranasan ng anak namin... di ba nga nakwento mo saken noon na niloko ang mama mo?"
"Yes..."
"Then she may have thought na... baka gawin ko din yun sayo. Kaya siya ganun. But something changed her"
"Ganun ba yun?"
"Look Cen, what's important now is that she's acknowledging our son. Tama na gulo. Nakakapagod din eh. Tsaka sigurado naman ako di magagawa ng mama mo na magpahamak ng tao"
"What?"
"Ako pa ba pagtaguan mo? Alam kong pumunta ka sa mama mo ngayon. Because of what happened to me. Pero di ba nga sabi ng pulis drunk driver yung may-ari ng SUV? So relax okay?"
"Christine..."
"Oo nung una, feeling ko mahalaga na tanngap ako ng mama mo. I'm still hoping she will. Pero kung hindi ok lang naman din eh kasi... kasi mahal mo pa rin ako. Kami ni Vince. Dun pa lang masaya na ko Cen. Sa dami ng pinagdaanan natin, just being here with you is already the best feeling I can tell"
"Christine... I love you" sambit ni Cen hugging her
"Mahal na mahal din kita Vincent De Torres"
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.