Nakaramdam ako ng yakap pagkatapos naming pagsaluhan ang gabi kung saan binigay ko ang sarili ko sa kanya. Nakita ko kung gano siya kasaya... at pati ako, nag-uumapaw ang saya sa puso ko nang ibigay ko pagkababae ko kay Cen... pero alam ko rin sa sarili ko na ito na yung huling gabi na makakasama ko siya
"Good morning, Christine..." masiglang bati pa nito na hindi ko sinagot. Him knowing me, naramdaman na niyang may problema
"What's wrong?"
"Wala"
"Christine..."
Umayos ako ng upo bago nagbihis not even looking at him
"Christine ano bang nangyayari?"
"Uuwi na ko"
"Wait lang." sambit nito fixing himself as well, "hatid na kita" sambit niya kasi sa hotel kami nagstay dalawa.
"Wag na. Tama na Vincent"
"Anong tama na?"
"Itigil na natin to" blankong sambit ko sa kanya
"W-what?"
"Umuwi ka na sa nanay mo, Vincent. Ayoko na"
"Hindi kita maintindihan Christine"
"Pagod na ko. Pagod na ko sayo" sambit ko diretso sa mga mata nito
"No. I don't believe you"
"Then don't. Problema mo na yon"
"Teka nga!" Sambit pa niya holding my arms habang kita ko ang pagpatak ng luha sa mata niya
"Ganun na lang yun?! Di mo na ko mahal?!"
"Oo!" Sigaw ko dito
"Ayoko na Vincent! Nakakapagod na! Ayaw mo din naman magpagamot di ba?! Bakit pa ko magsstay kung ayaw mo din naman mabuhay?!" Sambit ko kahit ako naman sa sarili ko alam ang sagot kung bakit
"Christine please. Wag naman ganito... please" sambit niya kneeling down pero itinulak ko lang siya
"Tapos na tayo Vincent" sambit ko walking out of the hotel habang nangingilid ang luha ko.
"Taxi!" Tawag ko agad dahil nakasunod pa rin saken si Vincent
"Christine wait! Please! Wag naman ganito! Pag-usapan natin to please!"
"Kuya tara na" sambit ko sa taxi driver ignoring him outside knocking at the taxi window
"Christine!!!"
Nang umandar ang taxi dun na lumabas yung totoong nararamdaman ko kaya napahagulgol na lang ako sa sakit ignoring whatever the taxi driver may think about me
"Sorry... sorry Cen... sorry..."
Pagkatapos ng araw na yun hindi na nakita ni Christine ang binata at nalaman na lang nito sa mga kasambahay ng ina ni Vincent na dinala na nila ang binata sa ibang bansa.
Lingid sa kaalaman nito, hinabol pa ni Vincent ang taxi na sinasakyan niya at hindi nito namalayan ang paparating na kotse na siyang bumangga sa binata.
Nadala agad ito sa ospital pero naging kritikal dahil na rin nga sa tumor nito sa utak na kinailangan na agad siyang madala ng ina sa ibang bansa noon din mismong araw na yun. Ilang buwan na nacomatose ang binata pagkatapos matanggal ang tumor sa utak at nang magising ito, ibang pangalan na ang ibinigay ng ina dito para maiwasang maalala ang kahit ano mang tungkol kay Christine. O kahit sino mang nakilala nito sa Pilipinas.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Time In Pasay
RomansaHe WAS a YOLO type of guy. You had a planned future ahead of you. How will destiny work it's way if your lives collide, once upon a time, in Pasay?