"I don't want to talk about it" sambit ko waking up pagkatapos kong umalis sa lugar na yun kahapon
"But Vincent..."
"Raven. Raven, Monica. Patay na si Vincent"
"Hindi mo man lang ba pakikinggan si Christine?"
"Pinakinggan ba niya ko when I begged her to stay?! I fcking died begging Monica!"
"Yun lang ba naaalala mo?"
"May dapat pa ba akong malaman? Hindi pa ba sapat yung nalaman ko na siya dahilan bakit andaming blanko sa buhay ko?!"
"Fine. I won't dig deep. Kumain ka na"
"Wala akong gana" sambit ko na lang going back to my room.
CJ's PoV
I pressed the doorbell sa lugar na sinabi ni Monica kahapon. I need to talk to him.
"He's up in his room" bungad ni Monica
"T-thank you"
"Tiwala lang Christine. Malabo pa ibang bagay kay Vincent..."
I reached his room and was about to knock nang bumukas ang pinto
"C-cen..." yun lang ang nasambit ko bago niya isinara sa mukha ko ang kwarto niya. I held on the door and tried composing myself to speak
"I-I'm sorry... I'm sorry Vincent... k-kausapin mo naman ako..."
I didn't get any response but I stayed there. Kneeling down.
"Mali ako... I'm sorry... I... I'm sorry" sambit ko holding on my knees habang nakaluhod at sunod sunod pumapatak ang luha ko
"Patawarin mo ko Vincent... please..."
I was crying my heart out when the door opened pero dinaanan niya lang ako
"Patay na ang Vincent na sinasabi mo" sambit niya before he headed out leaving me there on the floor... crying
Raven's PoV
"Raven san ka pupunta?" Pagpigil saken ni Monica
"Aalis."
"Pano si Christine?"
"Hindi ko alam. Patulugin mo kung gusto mo di ako uuwi"
"Raven... can't you listen to her first?"
"Para ano? Para masaktan na naman ako? Mamatay na naman ako sa pangalawang pagkakataon?"
"Hindi niya ginusto yun Raven..."
"Hindi niya ginusto pero ginawa niya pa rin? Tch"
"She did that for you to live!"
"Sana namatay na lang ako" sambit ko leaving the house
CJ's PoV
"Christine..."
"Aang sama sama kong tao, Monica... ang sama sama kong tao..."
"No... shh... hindi ka masamang tao" pinunasan ko yung luha ko bago tumayo
"Tanggap ko naman eh... tanggap ko... pakisabi na lang din na... walang kahit isang araw sa buhay ko na pinagsisisihan ko yung ginawa ko... na... na mahal ko siya... m-mahal na mahal ko siya..."
-
"Hays..."
"Mama, what's wrong?"
"Nothing baby. Nothing" sambit ko sa anak ko kahit sa totoo lang... ang daming pumapasok sa utak ko.
Ever since that day I went to his house... halos araw araw na kong pumupunta just to show him how sorry I am... kahit na... hindi niya tinatanggap... kahit di niya ko pinapansin. I took a leave as a flight attendant dahil hindi ko maiiwan ang anak ko sa ganitong sitwasyon.
"CJ, nak? Pwede kita makausap?"
"Ma? Bakit?"
"Vince, go to your playroom muna"
"Okay lola"
Pag-alis ng anak ko umupo sa tabi ko si mama
"Ma? Ano pa ba dapat kong gawin?" Sambit kong nakayuko
"Alam ko na alam mo na ginagawa mo lahat ngayon CJ. Konting tiis pa..."
"I'm now thinking... maybe I shouldn't have done that in the first place..."
"CJ... andito ka ngayon dahil sa ginawa mo noon. You knew it was for him. Kahit mas masakit sayo."
"Pero hindi naman niya ko maintindihan ma. Kasi hindi din naman talaga majustify nun yung pag-iwan ko sa kanya."
"Kahit pa ginawa mo yon dahil sinabi ng mama niya?"
"Kung kaya ko lang sumama... sana hindi na ko nakipaghiwalay. Sana ipinaglaban ko na lang na masamahan siya sa pagpapagaling niya. Delikado na buhay niya dahil sa tumor niya sa utak pero ayaw niya umalis ma... dahil saken... and I... I don't want him to die but I still killed him..."
"That was the best option you had that time CJ..."
"Best nga ba ma? Kasi yung mga tingin niya saken ngayon... gusto ko na lang mawala..." sambit ko, crying again kaya niyakap ako ng nanay ko. Hindi ko alam hanggang saan ko kakayanin to.
"Ni hindi ko magawang ipakilala yung anak niya, ma... hindi ko man lang masabi na mahal na mahal ko pa rin siya... na... na masaya akong makita siyang... buhay... na wala nang sakit... I can't even touch him... pakiramdam ko ang dumi ko sa paningin niya, ma"
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.