4

60 5 0
                                    

Third person's PoV

Nagulat silang lahat sa tanong nito dahil kilalang kilala nila ang binata. Ito ang isa sa tumulong sa kanila na maipundar ang sinasabing restaurant sa kabayanan.

Naging close siya sa mga kamag-anak ni CJ habang nasa probinsiya sila kahit na noong simula duda sila sa pagkatao nito na bigla na lang isinama ni CJ pagkagaling nito ng maynila but they felt how good of a person Vincent was and they built a good relationship between them.

"K-kuya di mo kami kilala?" Tanong pa ni Patrick dito. Isa siya sa mga nakakalaro nito ng basketball noon

"Nako iho pasensiya na mali pala kami ng nakausap" sambit ni nanay ni CJ pushing her family away from Vincent. Naguguluhan man din sa nangyayari, ayaw na muna nitong mag-usisa.

"Vincent's favourite ang order niyo?"

"Y-yes please"

"Okay. Wait lang" sambit nito walking back to the kitchen sabay bulong, "ikaw yan. Alam ko ikaw yung minahal ng anak ko"

"Auntie si kuya Vincent yun di ba? Di ba?"

"Oo"

"Bakit hindi niya tayo kilala?"

"Hindi ko din alam pero kailangan malaman to ng ate CJ niyo. Nasan si Terrence?"

"Sinundo sa kindergarten si Vince,tita"

"Kayo na muna bahala. Alam niyo naman na timplang gusto ni Cen"

"Okay tita"

"Wag niyo na muna siya tatawaging Vincent. Hanggang di natin alam ang nangyari"

"Okay po"

CJ's PoV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CJ's PoV

"Ma! N-nasan siya?!" Tarantang sambit ko pagdating sa resto

"Ate, nakaalis na si kuya Cen..." Patrick

Napaupo ako sa silya namin sa narinig ko

"S-si Vince? Nasan anak ko?"

"Binibihisan lang ni Kuya Terrence. Di sila nagpang-abot nung bata ate"

"Pero ate?" Patrick

"Oh?"

"Ate bakit di niya kami maalala? Tsaka bakit Raven tawag sa kanya nung kasama niya..."

"Ate kinalimutan na lang ba kami basta ni Kuya Cen?"

Kung may mas apektado man sa nangyari samen ni Vincent. Sila yun. Kasi hindi lang saken lumapit ang loob nito kung hindi sa buong pamilya ko.

"Mama!!" Sigaw ni Vince paglabas niya na sinalubong ko naman ng yakap

"Kamusta ang baby ko?"

"Okay naman po mama!"

"Ate ano ba talagang nangyari?" Tanong pa nila saken pagkatapos.

"Mahabang kwento... pero tingin ko alam ko bakit siya ganun"

"Handa naman kami makinig ate"

I took a deep breath bago ko pinapunta sa playroom niya si Vince

"You may hate me or what sa sasabihin ko pero di ko kayo pipigilan" sambit ko pa at nanahimik na sila para makinig sa sasabihin ko

Once Upon A Time In PasayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon