20

67 4 0
                                    

CJ's PoV

"Mama! Papa!"

"Hey baby! How's school?"

"Okay papa!"

"Very good. Let's go home?" Sambit ni Cen bago binuhat ang anak niya. Kinuha ko naman yung gamit nito.

Sa perya lang kami halos nakaikot kasi yung ibang lugar na dinescribe niya saken... nasa probinsiya. Di namin kakayaning pumunta dun at makabalik ng hapon.

"Yes papa!" Sambit pa nung bata kaya naglakad na sila pabalik sa sasakyan nang di ko namamalayan sa lalim ng mga iniisip ko

"You know you should stop spacing out"

"H-ha? Ha?"

"Tara na" sambit niya holding my hand towards his car tapos hinatid na nga niya kami sa bahay. Binihisan ni mama si Vince kaya naiwan na naman kami ni Cen sa salas.

"Christine? Pwede pa ko magtanong?"

"O-oo naman. Ano yun?"

"Bakit Crescent?"

"Christine and Vincent... first syllable and last. Walang kwenta yung original so naisip mo crescent na lang."

"So... you named your restaurant before us?"

"Oo..."

"Wow..."

"Thank you Vincent ah?"

"Huh? Para san?"

"F-for this... for giving me a chance... sa pagkilala mo sa anak mo... salamat"

"I swear if I see tears again I'm gonna think that I didn't treat you right before" sambit niya nang makita sigurong nagbabadya na naman yung mata ko kaya umiling ako at ngumiti

"Ako dapat magpasalamat sayo sa totoo lang"

"H-ha?"

"Because... you held on. Even though it's hard, you held on to me... that I'd be back... salamat ah?"

"Mahal kita eh..."

"And I feel that so much"

"And I feel that so much"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CJ's PoV

Ilang linggo na din simula nung bigyan ako ng tyansa ni Cen... kami ng anak niya... and he's been doing a great job being a father to his son. Kahit sabi niya saken ehh wala pa rin halos bumabalik sa alaala niya maliban sa mga lugar.

Okay na saken yun. Basta buhay siya. Kahit wala na yung dati okay lang. Basta ngayon kasama pa rin namin siya ng anak niya.

Halos araw araw siyang andito sa bahay o sa restaurant na yung pagpunta lang sa korte ang minsanang pag-alis niya, na malapit lang din sa resto kaya nagkikita pa rin kami.

"Welcome!" Bati namin nang marinig naming may pumasok sa resto pero nagulat ako kung sino

"May I speak with you?"

"M-mrs. De Torres"

Humarang agad ang mga pinsan ko pagkakita pa lang sa mama ni Cen.

"Anong kailangan niyo?"

"I believe I don't have to tell you that"

"Don't bother. We're staying. Kung sa tingin mo madadaan mo kami sa ingles mo nagkakamali ka"

"Mga insan... okay lang" sambit ko

"No. Sevi bantayan mo pamangkin natin"

"Yes kuya" pagsunod ni Sevi sa sinabi ni Terrence

"I can't even have proper conversations with you now, huh? Dahil ba nalandi mo na ulit ang anak ko?"

"Aba't!" Sambit ni Patrick pero pinigilan ko sila

"Wala ho akong ginagawang masama"

"Then why is my son not obeying me again?! Di ba napag-usapan na natin to?! You leave him alone! I even gave you the money for it!"

"Na hindi ko ho tinanggap! Umalis ako sa buhay ni Cen ng walang kapalit na pera!"

"Magkano kailangan mo? Ha? Just leave my son Raven alone!"

"Ma! Tama na!" Rinig ko na lang na sigaw ng hingal na Vincent pagdating nito sa restaurant

Once Upon A Time In PasayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon