"Vincent! Anong nangyayari sayo?! T-terr"
Bago ko pa matawag sina Terrence hinawakan na niya yung kamay ko
"W-wag"
"Ano bang wag?! Anong nangyayari sayo?!"
"P-paabot na lang ako tubig, C-chris salamat" sambit niya bago pilit na umupo
"Vincent..."
"Okay lang ako" sambit niyang nakangiti kaya kahit andaming tanong sa utak ko hinayaan ko na lang muna siya
"Simula nung araw na yung dun ko na madalas mapansin na sumasakit ang ulo niya na hindi ko napigilan alamin sa sarili ko kung bakit pero nahirapan akong tingnan yung mga gamot na meron siya"
"May tinetake siyang mga gamot noon?"
"Oo. Pero lagi niyang tinatago"
"Bakit?"
"Ayaw niya ipaalam ehh"
"Ano bang mga gamot yon?"
"Hindi ko pa alam noon at kahit anong usisa ko hindi rin niya sinasabi kaya syempre nag-aalala ako. Hindi ko naman din alam na sa pag-aalala kong yun... minahal ko na siya"
"Vincent naman ano ba?!" Inaaway ko na siya pagkagaling namin sa court dito sa lugar namin kasi pinipilit ko nang alamin yung kondisyon niya.
"Wala nga!"
"Nag-aalala lang naman ako sayo!"
"Bakit ba?! Okay nga lang ako!" Sambit niya still walking away from me
"Alam kong hindi Vincent ano ba?!"
"Ano naman kung hindi?! Ano bang magiging iba kung sasabihin kong mamamatay na ko?!"
"A-ano?" Tulalang sambit ko sa narinig ko
"Umuwi ka na Christine" sambit pa nito pero sumigaw ako
"Wag mo kong talikuran Vincent De Torres!"
"Ano pa bang gusto mo?!" Inis na sambit niya but all I was able to do was kiss him
Humiwalay ako matapos ang ilang sandali
"H-hindi ka ba nakikinig? Sabi ko mamamatay na ko"
"Mahal kita" diretsong sambit ko ignoring his question"Halos di din umalis nun sa harap ng pintuan mo si Vincent. Tandang tanda ko yun" Terrence
"Halata naman naming mahal niyo isa't isa noon. Hindi lang talaga namin alam na may sakit siya" Patrick
"Sa labas pa kayo nag-usap non di ba? Kasi nagwalk out ka?"
"Oo" sagot ko kina Terrence
"Hindi ko alam kung ako lang to pero mahal kita. Kung tinatanong mo anong magiging diperensiya pag sinabi mo ang sakit mo, malaki Cen... malaking malaki"
"Christine..."
"Hindi ko alam kung nakikita mo pero kaya ako ganito kasi... kasi gusto ko malaman pinagdadaanan mo. Gusto kitang tulungan. Gusto... gusto kitang samahan. Wala akong pakialam kung mamamatay ka na... ang gusto ko lang... makasama ka"
"Pero..."
"I never confessed to anyone first... pero kung hindi mo ko gusto hindi ko naman ipipilit ang sarili ko. G-gusto ko lang talaga malaman kung okay ka... kahit yun lang"
Huminga ako ng malalim bago ngumiti sa kanya
"Magpahinga ka na. Iinom ka pa ng gamot ng maaga" sambit ko bago ko siya iniwan noon sa tapat ng bahay na tinutuluyan niya.
Lumipas ang mga araw halos di lumabas ng bahay si Vincent
"Ano bang nangyayari dun?" Terrence
"P-pupuntahan ko lang" sambit ko worried about what might've happened to him
"Vincent? Vincent andyan ka ba? Vincent buksan mo naman tong pinto" sambit ko holding on to the knob only to see it open. Pagpasok ko ng bahay dun ko nakitang wala na dun ang mga gamit niya
"Vincent?!" Pagsigaw ko pero wala.
Hinanap namin siya sa mga kalapit na lugar pero hindi namin siya mahanap.
I stayed in front of his house to wait for him hanggang mag-umaga pero wala kaya nagbreakdown na ko thinking of all the possible things that might've happened to him
"Anong ginagawa mo dyan?" Napatingala ako nang may magsalita pero sampal lang ang naisagot ko sa kanya
"Kung di mo ko gusto diretsuhin mo na lang hindi yung mamamatay ako dito sa pag-aalala kung nasan ka! Mauuna ako mamatay sayo!" Sambit ko habang umaagos ang luha sa mata ko
"Ano bang sinasabi mo? Nag-iwan ako ng note sa lamesa di niyo ba nakita?"
"Ewan ko sayo!" Sambit ko walking out from him
Nagkulong ako sa kwarto habang umiiyak nang may kumatok dito
"Christine... mag-usap tayo" alam kong si Vincent yun pero nagtalukbong lang ako ng kumot. Ayoko muna siyang kausapin. Pakiramdam ko kasi sa ginawa niya pinamukha niya lang talaga na wala akong kwenta sa kanya. Na hindi niya ko gusto kaya umalis lang siya ng di nagpapaalam.

BINABASA MO ANG
Once Upon A Time In Pasay
RomanceHe WAS a YOLO type of guy. You had a planned future ahead of you. How will destiny work it's way if your lives collide, once upon a time, in Pasay?