From that day forward... naramdaman ni Cen ang presensiya ng ina lalong lalo na sa apo nito. He also felt what Christine has told him... na... may nagpabago sa pananaw ng ina tungkol sa relasyon nila. Hindi man nila alam at hindi man ito napapag-usapan. Masaya siya na, sa wakas okay na ang lahat.
"Cen lika na kain na tayo!" Pagtawag dito ng nobya pati na sa mga pinsan na kasama niyang maglaro
"Kuya Cen?" Sambit ni Patrick sabay akbay dito
"Oh?"
"Kelan niyo balak magpakasal ni insan?"
"Haha sino ba may sabing hindi pa?"
"Huh?!" Takang reaksyon naman nina Sevi sa narinig pero pinakitaan lang sila ng dalawa ng singsing
"Paano?! Kelan?!"
"Ay nako Terrence madaya masyado si Cen!" Reklamo ni Christine
"Huh? Bakit?"
"Pinapirma ko ng papeles sabi ko delivery, haha. As clueless as she is di naman siya nagbasa so ayon haha"
"Seryoso?!"
"Yup haha. Pero siyempre pinaalam ko agad at pinakita sa kanya yung papeles. Tinaggap eh"
"Ang yabang mo don mister De Torres!"
"Mahal mo naman ehh haha but anyways, plano ko pa rin naman magcelebrate ng church wedding, pinag-usapan na din namin yun. Inuuna lang namin yung needs ni Vince sa ngayon. Dun na lang namin kayo iimbitahan hahahaha"
"At alam ni mama!" Singhal pa ni Christine na nagpatawa sa ina at kay Vincent
"Napakaninja mo kuya Cen!" Patrick
"Syempre. Ako pa ba? Hahaha"
"Hay nako kumain na nga kayo haha" sambit ni Christine bago tumabi sa mag-ama. Niyakap naman agad ng asawa ang bewang nito as they shared the meal together.
Vincent's PoV
Once Upon A Time In Pasay... I was just a lost soul wanting to spend my remaining days alive.
Once Upon A Time In Pasay... I met a girl and I fell in love.
And... Once Upon A Time In Pasay I experienced life and it's roller coaster ride.
Sino bang mag-aakala na sa isang simpleng engkwentro sa terminal ng bus... magsisimula ang lahat ng bagay na magbabago ng buhay ko?
Ang iniisip ko na lang naman noon eh magawa ang mga bagay na hindi ko alam kung magagawa ko pa, pero nagpakilala ang tadhana ng isang tao na ipapakita saken na... mahaba pa ang buhay... na marami pa kong pwedeng pagdaanan, maranasan at maramdaman.
Isa na dun yung sumaya... at masaktan. Pero kung papipiliin siguro ako... mas gugustuhin ko pa rin pagdaanan lahat ng to. Kasi dito ko mas natutunang pahalagahan ang buhay na meron ako. Ang tao na importante sa buhay ko. Dito ko natutunang patatagin ang sarili ko.
Sa lahat ng nangyari... isa lang ang sigurado ako... I'd give up anything and everything just to make sure that my life... and my heart... remains to feel... alive and in love... maaaring sa iba hindi naman ganung kaimportante ang isang engkwentro, pero kasi... that time... that Once Upon A Time In Pasay, changed my life. Forever.
THE END
BINABASA MO ANG
Once Upon A Time In Pasay
RomanceHe WAS a YOLO type of guy. You had a planned future ahead of you. How will destiny work it's way if your lives collide, once upon a time, in Pasay?