"Oh eto pagkain mo" matatay na sambit ko pagbalik ko sa bahay na pinag-iwanan ko kay Vincent
"Thank you!" Sambit niya ng may malawak na ngiti, "sino sila?" Sambit pa nito kaya napalingon ako sa likod ko at dun ko nga nakita ang mga pinsan ko na sumunod pala saken
"A-anong ginagawa niyo dito?!" Sambit ko sa kanila
"Yan ata dapat namin itanong sa kasama mo? Bakit andito yan?" Terrence
"A-ano... si Vincent. Kaibigan ko. Vincent mga pinsan ko nga pala. Sina Terrence, Patrick, Steven, Ralph tapos bunso namin si Sevi"
"Hi!"
"Sino ka? Manliligaw ka ba ng pinsan namin ha? Bakit ka andito?" Sunod sunod nilang tanong
"Hep! Hindi! Ano ba?! Nakakahiya kayo!"
"I just met her earlier today actually" kalmadong sambit pa ni Vincent
"Ano?!"
"Teka lang kasi! Mamaya na ko magpapaliwanag sa bahay! Basta! Dito muna titira si Vincent okay?! M-mabait yan!" Sambit ko kahit sa totoo lang di ko alam
Nanlisik ang mga mata nila pero tinulak ko na sila palabas ng bahay.
"Explain Christina" Terrence
"Ano... nameet ko nga lang siya sa bus station"
"Tapos pinatuloy mo na sa bahay natin?!"
"Mag-isa lang naman siya don! Wala naman na nakatira don. T-tsaka mukha namang harmless"
"Harmless o gwapo?" Pag-usisa pa ni Steven
"Hindi ah!"
"Hay ewan ko sayo pero babantayan pa rin namin yang lalaking yan"
Noong simula kagaya ng kahit sinong normal na tao, mailap sila kay Vincent hanggang sa nagising ako isang umaga nakikipaglaro na siya sa mga pinsan ko ng basketball
"Pangarap namin talaga mapasama sa pba pre"
"Talaga? Malay niyo naman!"
"A-anong nangyayari dito?"
"Naglalaro kami?" Patrick
"Bakit?"
"Bawal"
"H-hindi, pero di ba..."
"Ayos naman kausap tong si Cen eh kaya ayos na siya samen" sambit pa ni Terrence sabay akbay kay Vincent
"C-cen?"
"Ang haba daw ni Vincent, Christine eh haha"
"A-ahh"
"Sali ka samen?" Vincent
"Nako di marunong yan!"
"Heh!" Pag-angal ko na ikinatawa nilang lahat
"M-magsikain na nga muna kayo!" Sambit ko na lang sabay pasok sa bahay
Simula nung araw na yun sa bahay na din halos kumakain si Vincent at tinuring na namin siyang pamilya
"Oh bat andyan ka pa sa labas?" Sambit ko seeing Vincent sa terrace ng bahay
"Haha nagpapahangin lang"
"Vincent?"
"Hmm?"
"Pwede magtanong?"
"Ano yun?"
"B-bakit ka ba talaga napadpad dito?"
"Hmm? Sabihin na lang nating... gusto ko maranasan mabuhay"
"Huh?"
"Gusto ko gawin yung mga bagay na never ko nagawa before. Thankfully I got to do a lot thanks to you"
Pakiramdam ko namula ang pisngi ko sa sinabi niya
"And your whole family of course. Kahit di niyo ko ganun kakilala ginawa niyo kong parte ng pamilya niyo. Salamat, Christine"
"A-ano ka ba wala yun"
"At least may babaunin ako sa kabila"
"Anong kabila?" Takang tanong ko dito pero ngumiti lang siya bago tinapik ang ulo ko
"Tintin! Cen! Kakain na!"
"Tara?" Pagyaya niya na tinanguan ko na lang
"Gulong gulo pa ko noon sa sinabi niyang kabila ehh... hindi ko naman alam, na totoo pala"
"Anong totoo?"
"Pagkatapos niyo maglaro noon pinuntahan ko siya sa bahay kasi nagluto ng banana cue si nanay tapos nakita ko na lang siya sa sahig, dumadaing ng sakit ng ulo"
"Ano?!"

BINABASA MO ANG
Once Upon A Time In Pasay
RomanceHe WAS a YOLO type of guy. You had a planned future ahead of you. How will destiny work it's way if your lives collide, once upon a time, in Pasay?