7

74 5 0
                                    

"Christine!" Sigaw niya nang tumakbo ako palabas ng bahay. I feel so dumb right now na kahit wala akong karapatang magalit o magtampo yun yung nararamdaman ko.

"Christine teka lang" sambit niya sabay hawak sa braso ko nang abutan niya ako

"Bitawan mo ko" pagmamatigas ko pa dito

"Christine, please..."

Huminga ako ng malalim bago humarap sa kanya

"Wala ka namang dapat iexplain. Feeling entitled lang naman ako dito. Sorry ah? Sige na umuwi ka na"

"Christine naman..."

"Ano ba? Hinahayaan na nga kita di ba? Kahit halos mamatay ako sa pag-aalala na baka namatay ka na. Alam ko naman wala akong karapatan. Wag mo na kong intindihin. Mawawala din to" sambit ko sabay talikod pero pumulupot ang dalawang braso niya sa bewang ko

"Bitaw Vincent ano ba?"

"Ayoko..."

"Ano pa bang gusto mo? Ha?"

"I-I'm sorry... I'm sorry Christine. Naduwag ako... sorry" sambit niya at nakarinig na din ako ng hikbi sa bawat buka ng bibig niya

"Hindi mo naman kailangang mag-explain" sambit ko shaking him off pero binabalik lang niya ang braso niya sa pagkakayakap saken

"Mahal kita. Mahal din kita Christine... I'm sorry. I'm sorry..."

"Please don't stop loving me... please" bumubuhos ang luha ko pero nakisabay ang ulan sa nararamdaman naming dalawa nang bumuhos ang malakas na ulan

"Halika na" sambit ko pulling him back to his house kasi baka makasama sa kanya yung ulan

"Teka lang. Christine..."

"Umuwi ka na" sambit ko still pulling him

"Christine I'm really sorry... w-wag ka namang magalit saken... please..."

Hindi ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa bahay tapos inasikaso ko pa siya. Nanatili lang din siyang tahimik ng mga panahong yun pero nagulat ako nang bigla niyang sabihin ang sakit niya

"Brain tumor"

"Ano?"

"M-may tumor ako sa utak, Christine..."

Umupo ako sa tabi niya and I just let him tell his story

"May taning na yung buhay ko. Kaya gusto kong gawin lahat ng gusto ko bago ako mawala kasi hindi ko alam hanggang kelan ako mabubuhay. Medications are not even helping anymore"

"Kaya ba kung anong sabihin lang din nina Terrence ginagawa mo?"

"Oo... kasi di ko na magagawa eh... I... I don't want to regret not doing it before I die..."

Napayuko na lang ako habang nakikinig sa kanya

"I... I left because I went to my father... who died of the same illness. At malayo ang puntod ni papa kaya ilang araw akong nawala. I just wanted to talk to him..."

"Ahh..."

"Gusto ko kasi itanong kung anong tamang gawin"

"Saan?"

"Sa nararamdaman ko..." napatingin ako sa kanya noon

"I loved you even before you did... pero natakot ako. Natatakot ako"

"B-bakit?"

"I don't want you to experience what my mom did in losing my father. Ayaw kitang masaktan"

"Hindi pa ba ko nasasaktan ngayon sa paglayo mo saken?"

"I'm sorry..."

"Wala akong pake sa sakit mo. Aalagaan kita. Tutulungan kita. Pero kung ayaw mo... ano naman magagawa ko di ba?"

"Christine..."

"Andito na to ehh... minahal na kita. Hindi ko naman madidiktahan yung puso ko. Pero nasa sa'yo pa rin naman yun" sambit ko then he held my hand

"Sorry kung naging duwag ako... I... I want to experience loving you... I want to show you that I love you... Christine, I love you"

"So naging kayo non and we saw that you loved each other... bakit ka nakipaghiwalay?"

"Sinasamahan ko siya sa check ups niya pag sinasabi naming magddate kami. One day the doctor told us na may doctor na makakapag-alis ng tumor niya sa utak"

"Talaga?"

"But it was abroad. At ayaw pumayag ni Vincent"

"Bakit?"

"Kasi one of the side effects is magkakaamnesia siya or worse he may die during the operation"

"Tangina ang hirap" komento ni Steven

"Okay lang saken makalimot siya pero di ko din naitago yung takot ko nanf sabihing posible siyang mawala kaya sinabi niya na hindi niya gagawin. He resisted hanggang sa lumapit na nga mismo saken ang mama niya."

"Talaga?"

"She wanted me to break up with her child para mas madali niyang madala ang anak niya sa amerika."

"Kailangan ba talaga break up?"

"Kasi kung hindi, hindi aalis ng bansa si Vincent. Medyo may pagkamatigas pa rin ang ulo niya noon"

"So you broke up with him? After giving yourself to him?"

"Oo..." nakayukong pagsang-ayon ko sa mga pinsan ko

"So amnesia guy si Vincent ngayon... pero bakit Raven?"

"Naaalala ko narinig ko ang mama niya noon that if he loses his memories, bibigyan niya ng bagong pagkatao ang anak niya. And I guess this is what she was talking about"

"Kaya mo pa ba siyang makaharap ulit, CJ?"

"Hindi ko alam Terrence..."

"Pero mahal mo pa rin?"

"Hindi naman nawala yun eh..."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Once Upon A Time In PasayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon