Napabangon ako sa kama having a dream about a girl... pero hindi malinaw ang mukha nito.
Is there something that I should remember?
Naalala ko na naman tuloy ang tinawag saken nung waiter nung isang araw...
Vincent. Pati yung babae sa airport Vincent din ang nasambit pagkakita saken... pero bakit?
I shook my head bago bumaba sa kusina to get myself some milk. Ilang araw pa lang ako dito parang ang dami nang nangyayari. Is this the reason why my mom doesn't want me to come back here?
CJ's PoV
"Mama?"
"Yes baby?"
"When will papa go down from heaven?"
"Huh?"
"My teacher asked us kasi po to describe our mama and papa... I can't describe my papa without seeing him po"
"Anak kasi... hindi pa bumababa si papa" sambit ko na lang. Ilang beses nang hinanap ni Vince ang tatay niya at wala akong masagot dahil hindi ko talaga alam kung nasan si Cen kaya ang sabi ko na lang nasa heaven.
"Will he come to us once he goes down po??"
"Of course baby. Of course"
"I'm excited to see him na mama"
"Ako rin anak... ako rin"
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Iniwan ko na yung anak ko sa kwarto pagkatapos kong mapatulog.
"Anak?"
"Ma?" Tugon ko nang makita ko si mama sa salas
"Halika dito"
"Bakit po?" Sambit ko sabay upo sa tabi ng nanay ko
"Okay ka lang ba?"
"Oo naman ma. Kayang kaya haha"
"Alam kong sinasabi mo lang yan..."
Napabuntong hininga na lang ako sa nanay ko, hindi ko talaga siya mapapaglihiman.
"Alam mo ba kung anong kinain ni Cen sa resto?"
"Alin po?"
"Yung putaheng ginawa mo"
"T-talaga ma?"
"Di ba kayong dalawa ang magkasama gumawa non?"
"O-opo."
"Pati pangalan ng resto kayong dalawa ang pundasyon..."
"Crescent..."
"Chris... Vincent... Chriscent?" Nakangiwing sambit ko habang nagpplano kami ng future namin
"Crescent na lang?"
"As in yung buwan?"
"Oo. Kasi para din namang smiling face yung crescent moon di ba? Kagaya ng gusto natin? Yung magpatuloy sa buhay ng masaya"
"Pwede pwede. Pero uminom ka muna ng gamot mo"
"Yes mam!"
"Hindi ko alam kung ano pang mangyayari sa mga sunod na araw... pero... seeing him again... andaming pumapasok sa utak ko, ma"
"Take it one step at a time, CJ. Andito lang kami"
"Salamat ma"
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Raven's PoV
"Are you sure you're okay, Raven?"
"Yeah..."
"Pansin ko lagi ka na lang tulala after we had a meal in that Crescent Restaurant"
"May iniisip lang..."
"What is it?"
"Wala... wag na"
"Fine. Anyways. May isang client pala na gustong magsampa ng kaso sa tenant nila daw"
"Anong case?"
"I don't really see it elligible for any case pero you can check the file out. I sent it to your email"
As she said, binuksan ko email ko sa phone and I saw the names nung gustong idemanda
"Christine Jane Enriquez?"
"Yep? Does it ring a bell on you?"
"No..." sambit ko kahit parang narinig ko na yung pangalang yun
"Nobody's jailed for non-payment of debt in the Philippines. Unless may contract. Breach of contract ang mangyayari dun" sambit ko commenting on the request
"That's what I thought"
"Replyan mo na lang tong nag-email tapos we can discuss further with them"
"Okay"
CJ's PoV
"Ipapakulong ko kayo!!"
"Mang Harold matino ang usapan natin na 12 months to pay ang utang namin sayo! Wala pang isang taon!"
"Wala akong pakialam! Bayaran niyo na utang niyo kung ayaw niyong sa selda pulutin mag-anak niyo!"
"Ma wala kayong pinirmahan sa kanya di ba?"
"Oo, nak wala"
"Mabuti naman." Sambit ko na lang. Nanghiram kami sa kanya noong isang taon dahil nagkasakit si Vince at wala pa kong pera pambayad pero matino ang usapan namin na buwan buwan ako maghuhulog hindi yung tatapusin ko ng isang bagsak!