"Pagbabayarin ng danyos si Mang Mario... tapos magpprocess daw si kuya Cen ng restraining order"
"C-cen?"
"Tito!!" Sigaw ng anak ko running towards his father
Lumuhod naman ito bago binuhat ang bata. Dun pa lang sa eksenang yun ang hina hina ko na... kasi... hindi ko siya maipakilala sa tatay niya... umiwas lang ako ng tingin sa kanila pagkatapos
"Vince... anak" halos manigas ako hearing those words from the person I least expected it from.
Tumingin ako sa kanila and I saw him look at me bago tumingin sa anak niya. Wala itong reaksyon sa sinabi ng papa niya kaya kinandong nito ang bata bago naupo. Lahat kami nakatingin lang sa kanilang dalawa.
"Vince?"
"Yes tito?"
"Nasan nga ulit ang papa mo?"
"He's up there daw po"
"When is he going back down? Do you know?" Sambit nito asking Vince
"No po..."
"Pano kung sabihin sayo ni tito na... he came back na"
"Talaga po?!"
"Mm hm... papa's here na baby. I came back na"
"Kayo po si papa?! Mama?! Mama!! He is papa?!"
"Y-yes Vince..." yun na lang nasambit ko making my son jump for joy
"Papa!!!"
Hindi ko namalayang umaagos na pala yung luha ko seeing my son happy to see his father and... his father recognizing his son... tinapik ni mama yung likod ko ng mapansin niya yun and then Cen looked at me.
"Pwede ko ho bang makausap si Christine? Yung kami lang ho sana"
"Maiwan na muna namin kayo. Vince! Pogi lika muna play muna tayo"
"Ayaw!! Papa!!" Sambit ni Vince sabay kapit sa leeg ng tatay niya
"Baby... hindi na ko mawawala. Mag-uusap lang kami ni mama mo, ha?"
"Really?"
"Yes baby" sambit pa nito looking at Vince kaya pumayag nang sumama yung bata sa mga tiyuhin niya.
Ako? Naestatwa na sa inuupuan ko.
Vincent's PoV
I took a deep breathe bago ako pumwesto sa tabi ni Christine. Pinagdaop ko ang palad ko bago ko hinanap yung mga tamang salita na gusto kong sabihin
"I'm sorry" panimula ko
"H-ha?"
"I'm sorry I wasn't with you in Vince's early days..."
"Kasalanan ko naman eh..."
"Still, I'm sorry"
"Cen..." pagtawag niya saken kaya nilingon ko siya at nginitian
"Madami pa ring hindi malinaw. Marami pa kong tanong. Marami pa kong di naaalala... pero tama ang pinsan mo... tama silang lahat"
"H-ha?"
"If those things never come back... it'll be my choice to move forward or not and I... I think I saw enough to choose... trying again"
"Cen..."
"Wala naman ako mapapala kung magagalit lang ako... wala pa rin akong alam. Kahit katiting wala pa rin akong alam sa pinagdaanan mo"
Umupo ako ng ayos bago humarap sa kanya
"I may not know and recognize that feeling yet again... ayoko din naman lokohin yung sarili ko na hindi ikaw ang dahilan bakit nagkakaliwanag yung nakaraan ko... pain... it was here... but maybe... just maybe... it's a part of the process"
"Christine?" Pagtawag ko dito kasi nakatulala lang siya but the moment I called her she broke down
"I'm sorry... I'm sorry Vincent" sambit niya kneeling down pero hinigit ko lang ulit siya pabalik sa silya niya at pinunasan ang mata niya
"Tutulungan mo naman ako di ba? Hindi mo naman na ko iiwan di ba?" Tanong ko na tinanguan niya kaya niyakap ko na lang siya habang hinahagod ang likod niya para mapatahan siya and I admit... this feels so right.
Lumayo ako ng konti sa kanya but she can't even look at me. She keeps on looking down pero nakikita ko pa ring umiiyak siya
"Tama na yan..."
"S-sorry... I... I'm such a mess. Sorry" sambit niya wiping her own tears
"Christine... look at me. Hey"
She was hesitant but she did look at me and then there I told her.
"Ikaw ang tatanungin ko... pano kung di ko na maalala yung dati? What if the things we did before never comes back... okay lang ba yun sayo?" She nodded like a kid na medyo nagpatawa saken but then she hugged me this time.
"Gagawa ako ng bagong memories. Gagawa tayo. Wala na kong pake kung di mo maalala yung dati... basta... basta okay ka... okay tayo... kasama kita... yun lang... yung lang Cen..."
Tinapik tapik ko na lang ang likod niya bago ko siya pinaupo ng ayos at tiningnan sa mata.
"Let's start again, okay? With or without the memories"
Tumango tango lang ulit siya kaya tinapik ko na lang ulo niya habang nakangiting nakatingin sa kanya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.