19

66 5 0
                                    

Flashback

"Lika ka!" Sambit ni Christine habang hila hila si Vincent papasok ng perya

"T-teka lang wala pa mga pinsan mo! Haha"

"Ehh!! Hayaan mo na sila!!" Sambit ni Christine hila hila pa rin si Vincent kaya napangiti na lang ito sa inasta ng dalaga bago excited na pumunta sa isa sa mga booth doon

"Yon! Try natin!" Sambit pa nito habang tumatakbo and it was like a slowed down tape na nasambit na lang ni Vincent sa sarili niya

"Tangina. Tama ba tong pinasok ko? Hindi ko alam pero... mahal ko na ata to"

"Vincent!!" Pagtawag ni Christine dito kaya lumapit na ito sa dalaga

CJ's PoV

Parang tumigil ang mundo ko sa narinig ko. It's been so long since I heard him say that word

"Ha.. Haha. Baka guni guni mo lang yun" sambit ko sabay naghanap ng booth kunwari kahit literal nasa harap ko na lahat ng option.

Hindi na ko bata para kiligin ng ganito pero putangina, ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Christine?"

"H-ha?"

"Laro na tayo?"

"A-ahh oo nga. Oo nga tara. Haha" sambit ko na lang bago kami naglaro.

"Ay sayang!" Sambit ko nang muntik ko na maishoot sa bote yung ring

"Can I try?"

"Ahh. Sige kuya patry pa kami" sambit ko sa nagbabantay bago ako nag-abot ng bayad.

Pagkatapos non naishoot niya yung lahat ng trial na meron.

"Waaaahhhh!!! Nagawa mo Cen! Ang galing!" Sigaw ko kasi wala ako naisuot kahit isa tapos siya naishoot niya lahat. Hindi ko naman namalayan na sa sobrang excited ko napayakap na ko sa kanya

"Hahaha. Christine relax" sambit niya na nagpabalik saken sa realidad at natulala na lang ako sa pwesto namin. Nakahawak siya sa bewang ko tapos ako sa may leeg niya

"S-sorry" Sambit ko sabay layo sa kanya

"Kuya, yung moon na lang kunin ko" sambit niya tapos humarap siya ulit saken pagkatapos

"Here..."

"Hala nako sayo yan"

"I insist. I played for you anyways. Here" sambit niya sabay ngiti bago nilagay ang kamay ko dun sa plush toy

"T-thank you"

"Where do we go next?" Tanong pa niya pagkatapos pero natulala lang ako sa nangyari

Vincent's PoV

In spending time with her, mas madalas kong nakikita ang sarili kong nakangiti. For the past four years that I was Raven, wala akong makitang rason para ngumiti man lang kasi... parang wala naman akong memorya na pwedeng alalahanin para magpasaya sakin, but now? Just seeing how Christine acts around me... napapangiti na ko. Simpleng bagay pero ang laki na ng epekto sakin.

I may not know anything but this is a familiar feeling. Hindi dahil sa iniisip kong siya yung nanay ng anak ko but I just come to realize that... maybe this is why I loved her before. At aaminin ko... hindi mahirap mahulog sa kagaya niya.

"Cen! Tayo na next sa ferris wheel!" Sambit niya kaya sumunod na ko. This isn't even large enough to lift us high but she grabbed my arms hiding her face.

"Why what's wrong?"

"T-takot ako sa heights hehe"

"What? Sana hindi na tayo sumakay Christine"

"Ehh... gusto ko"

"Bakit?"

"Kasi... ano... malapit ako sayo"

Napangiti na lang ako sa sinabi niya then I grabbed her hand before I intertwined it with mine

"C-cen..."

"Hold tight, okay?"

"Ahh!" Sigaw niya when the ferris wheel started moving. Tinapik ko na lang ang ulo niya habang nakatingin sa kamay naming magkahawak.

I know... for someone with nothing on his head... I should feel uncomfortable doing this... but I don't. Gusto ko tong ginagawa ko. Itong ginagawa niya. Ginagawa namin magkasama.

Once Upon A Time In PasayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon