10

62 4 0
                                    

"This is Patrick, Terrence, Ralph, Steven and Sevi tapos yang batang nasa paa mo si Vince" pagpapakilala ni mama sa mga pinsan ko at sa anak ko

"Vince?" Tanong nito kay mama

"Oo. Named after his father"

"Ahhh"

Ikaw yun. Ikaw yung papa niya...

"Tapos eto naman unica hija ko. Si Christine"

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko nang ituro ako ni mama. Inabot naman ni Vincent ang kamay ko pero nasaktan lang ako sa sinabi niya.

"Raven. Nice meeting you" sambit nitong nakangiti. Ikaw pa rin si Cen para saken...

"N-nice meeting you too"

"May... may problema ba?"

"CJ... yung kamay ni Raven" sambit ni Terrence at dun ko lang napansin na ang higpit na ng hawak ko sa kamay niya

"S-sorry"

"It's fine"

"Baka nakakaistorbo na po ako sa inyo aalis na lang ako" sambit pa nito pero pinigilan siya ni mama. Walang kahit isang salitang lumalabas sa bibig ko. Kahit gustong gusto ko siya yakapin at kamustahin hindi ko magawa. Hindi ko kaya.

"Kumain ka na muna."

"Nako, nakakahiya po hindi pa kayo bukas"

"Ano ka ba okay lang. Maupo ka dyan"

"Sir! Sir let's play!" Sambit ng anak ko jumping in front of his father. Ngumiti dito si Vincent bago kinandong ang bata

"Anong game ang gusto mo?"

"Superman!"

Tumingin siya samin as if asking what game it was na sinagot ni Patrick

"Kuya Cen este Raven, nagpapabuhat lang yan parang superman ba"

"Ohh I see. Okay? Haha"

Binuhat na nga nito ang bata and... my son was overjoyed. Napaiwas ako ng tingin sabay takbo palabas ng restaurant. Hindi ko na kaya.

Raven's PoV

"May problema po ba?" Tanong ko seeing Christine run out

"Terrence kayo na muna bahala sa bisita tsaka kay Vince"

"Yes tita!" Sambit nila bago nito sinundan ang anak

"Anong trabaho mo ngayon?" Terrence

"I'm a lawyer" pagsagot ko dito

"Wow bigatin kuya" sambit nung Patrick

"Hindi sa tinataboy ka namin ah? Pero... bakit bigla ka napadpad dito?"

"Actually... I don't know either" sambit ko putting Vince down

"What do you mean di mo alam?"

"I feel like... something was missing in me... pero nakita ko itong restaurant niyo and it felt like something was pulling me here. Then you called me Vincent... si Christine... I met her in the airport calling me that as well"

"Nagtagpo na kayo sa airport?"

"Yes... ever since that day... some vague memories kept on flashing in my head... pero wala pa akong maalalang konkreto. Kahit mukha o ano."

Nagkatinginan sila sa sinabi ko pagkatapos napabuntong hininga na lang sila.

"Kung ano man yung nakikita mo... hahayaan na lang muna namin. Kung may makita ka, handa kaming tumulong... pero hindi namin pangungunahan ang utak mo"

"So... you really are a part of my past?"

"Sabihin na nating oo... pero wala kami sa posisyon na sabihin ang iba pang mga bagay na hindi mo pa naman din maintindihan sa estado na meron ka"

"Pero kuya?"

"Patrick?"

"Masaya kaming andito ka na ulit"

CJ's PoV

"CJ, iha" rinig kong sambit ni mama na hindi ko namalayang sumunod pala saken

"Ma..." pagtingala ko dito habang nagpipigil ng luha pero nang yakapin ako ng nanay ko bumigay na ko.

"Sshh. Tahan na..."

"Ma... andyan na siya... pero... pero pakiramdam ko hindi ko pa rin siya maabot ma..."

"Naiintindihan ko..."

"M-mapapatawad pa ba ko ni Cen ma... ma... miss na miss ko na siya..."

Hinayaan lang ako ng nanay ko na umiyak at maglabas ng saloobin sa kanya.

"Kahit ipakilala man lang yung anak ko sa tatay niya hindi ko magawa ma... ang duwag duwag ko ma... ang tanga tanga ko..."

"Anak... ginawa mo lang ang sa tingin mo ay tama ng mga panahong yun..."

"Tama ba talaga yun ma? Parang pinatay ko din siya sa ginawa ko ma..."

"Pero buhay siya ngayon di ba? Yun ang mahalaga"

"Pero hindi niya ako naaalala. Hindi niya tayo kilala... pano... pano pag naalala niya yung ginawa ko ma... mamamatay ako ma..."

"Wag mong sabihin yan Christina... magpakatatag ka. Kahit anong mangyari, isipin mo pa rin na kung ano mang desisyon ang gagawin mo, may anak ka nang maaapektuhan"

"Mahal na mahal ko pa rin siya ma..."

"Alam ko... alam namin..."

"Anong gagawin ko ma?"

"Wag nating pangunahan ang utak ni Cen... hintayin lang natin siya. Konting hintay pa"

"Ma..." sambit ko na lang hugging my mom

Once Upon A Time In PasayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon