22

64 4 0
                                    

CJ's PoV

"C-cen..." pagtawag ko dito kaya lumapit siya saken hugging me as tight as possible

"Okay ka lang? Ha? Sinaktan ka ba ni mama?!"

"O-okay lang ako... Cen... n-naaalala mo na lahat?" Tanong ko dito and this time he shed tears smiling bago ako hinalikan sa noo

"Tandang tanda ko na lahat... lahat lahat" sambit pa niya hugging me again

"Raven!!"

"Stop it ma!!" Sigaw ni Vincent holding my hand tight bago siya mismo humarang saken sa harap ng mama niya

"Tangina... maintindihan ko pa noon bakit gusto mo ko kontrolin kasi delikado buhay ko! Pero ngayon?! Hanggang ngayon?! Ma putangina ano ba?!"

Kumapit ako sa braso niya kasi ramdam na ramdam ko yung galit niya sa nanay niya

"Nagmahal lang naman ako ma! Pero ano?! Binayaran mo para iwan ako! Pinagbantaan mo para layuan ako! Para ano?! Para sa negosyo mo?!"

"Raven-"

"Stop calling me Raven!!"

"Nanay kita... pero hindi na kita kilala. Wag na wag ka nang babalik dito! Isang beses pang malaman ko! Na kinausap o pinuntahan mo pamilyang to! Kalimutan mo nang anak mo ko!"

Natahimik ang nanay ni Vincent bago ito umalis ng restaurant. Habang kami ng pamilya ko hindi pa rin makapaniwala sa narinig namin kay Vincent.

Lumingon ulit ito saken bago ako niyakap.

"Thank God you're okay..." sambit pa niya

"Kuya Cen, bumalik na talaga alaala mo?!" Tanong ni Patrick

"Oo, Patpatin tsk"

"Kuya Ceeeeeennnn!!!!" Sigaw ni Patrick habang nagtatatalon sa tuwa na ikinatawa ng ibang mga pinsan ko kasi patpatin ang pang-asar ni Cen sa kanya dati.

"Baka naman pwede na muna kayo magbitaw, no?" Steven pertaining to Vincent hugging me. Hindi pa rin ako makapagsalita

"Ayoko. Mainggit ka" pang-aasar pa ni Cen dito

"Bumalik ka na nga! Hayop!"

"Hahahaha"

Masaya na silang nagkkwentuhan pero sumubsob lang ako sa dibdib ni Vincent at kumapit sa damit niya

"Iiyak na naman yan hahaha hay nako insan"

"Hey... Christine... bakit?" Tanong ni Cen pero umiling lang ako

"M-masaya lang ako. Masaya lang ako" sambit ko sa kanya but my heart melted when I heard him say

"I love you. Hindi na kita iiwan... hindi na tayo maghihiwalay..."

"Baby oh look at your parents" sambit ni Sevi bitbit bitbit si Vince

Hindi ako inilayo ni Cen but he still grabbed his son from Sevi

"Mama! Papa is mama crying??"

"N-no baby" pagsagot ko sa anak ko

"Mama is just happy, baby"

"Happy??"

"Baby?" Pagtawag ni Cen kay Vince

"Papa?"

"Baby if I ask you guys to live with papa will you be okay?"

"Really papa?!"

"C-cen?" Gulat na sambit ko sa sinabi niya

"We've spent so much time away from each other. Gusto ko kayo makasama ng anak ko, Tin..."

"Pero..."

"Lagi pa rin natin pupuntahan sina tita I promise. Makikipaglaro pa ko ng basketball sa mga tukmol na to no"

"Hoy! Bodyguard kami niyang si Tin nung wala ka!" Steven

"Alam ko... salamat sa inyo"

"Yung mama mo..."

"Iho mabuti pa ehh pag-usapan niyo muna yan ng masinsinan" singit samin ni mama

"Magmeryenda na lang muna kayo"

"Thank you tita"

Once Upon A Time In PasayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon