Prologue

554 25 4
                                    

First Anniversary namin ni Athena ngayon kaya pinaghandaan ko talagang tong araw na 'to.I book a restaurant para doon kami magcelebrate.I also texted her the location na at kung anong time ang meet up namin.

Alaskwatro ng hapon ako nakarating sa restaurant dahil may mga hinabol pa ako na papers sa boss ko.

Kala ko nauna na si Athena pero wala pa pala.

Nag-order lang ako ng coffee at naghintay sa pagdating nya.I texted her na rin kung pupunta ba sya.

I didn't receive any replies from her.Baka busy rin kasi.





_






Alas-syete na ng gabi pero wala pa rin sya.Naisipan ko na lumabas na muna sa resto para don na lang sya salubungin at isurpresa.

Pagkalabas ay ako ang nasurpresa sa nasaksihan.

I saw her na nakikipaghalikan sa officemate ko.Hindi ata nila ako napansin dahil patuloy lang sila sa paglalandian.

Akala ko si Athena na yung the one ko pero hindi pala.

Sayang ung one year,hindi ba nya naisip yon?Sa sobrang inis sa nakikita ko ngayon ay padabog akong pumasok sa loob ng resto para i-cancel ung binook kong table kanina.

Palabas na ako ng resto ng bigla may tumawag sa name ko.I know it's her kaya hindi ko na pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

"Josh"sigaw nya sa name ko pero hindi ko sya tinapunan ng tingin.

"Josh, mag-usap tayo please"sambit nya habang hinahabol ako at nang maabutan nya ako ay agad nyang hinila ang kamay ko agad ko namang binawi ang aking kamay ay nilingon sya

"Josh,let me explain please."

"Wala ka ng dapat i-explain Athena,nakita ko lahat.Nakita ko ung pananabik nyong dalawa sa isa't isa.Alam mo? dapat una pa lang nagsabi ka na,na ayaw mo na sa relasyong 'to,na nagsasawa ka na.Sinayang mo yung one year Athena.Lahat ng ginawa kong effort for you nauwi sa wala.I want to surprise you pero ako ung nasurpresa sa nakita ko kanina.Tantanan mo na ako kung puro luho lang ang kailangan mo sakin."iniwan ko na sya sa tapat ng resto pagkatapos sabihin ang lahat ng yon

Ayaw kong marining ang kahit na anong eksplinasyon na magmumula sa kanya.Sapat na ang mga nakita ko kanina.






_






Habang naglalakad pauwi ay may nakasalubong akong matandang babae sa daan.

May bitbit syang kulay grey na pusa.Laking gulat ko ng lumapit sya sa akin at...

"Iho,maari ba na ikaw na ang kumupkop sa alaga kong pusa?wala na rin kasi akong mapakain sa kanya at wala na akong sapat na lakas para alagaan pa sya"sambit ng matanda at iniabot sa akin ang pusa

Noong una ay ayaw ko pang tanggapin ito dahil wala naman akong alam sa pag-aalaga ng mga hayop.Kalaunan ay inabot ko rin ang pusa,nakakaawa naman si lola at mukhang napakaimportante sa kanya ng kuting na 'to.

Nang maibigay na sa akin ng matanda ang pusa ay nagulat na lang ako na bigla syang nawala sa harapan ko.

Kagagaling ko lang sa break-up ea tas may dagdag palamunin na naman ako.

Yung sweldo ko sa biyernes sakto lang para sa gastusin sa bahay at sa bayarin ko sa condong inuupahan ko.





_






Alasnwebe na at kakarating ko lang sa condo ko.

Sinalubong naman ako ni Stell,one of my closest friend.Sa kanya ko kinikwento ang nangyayari sa buong maghapon ko at mga sikretong tinatago ko.Bakit may sikreto bang ibinububulgar?

OH MY! MEOW (Josh×Jah)Where stories live. Discover now