Chapter 19

66 6 7
                                    

"Hi!" Nagulat ako nang may biglang magsalita sa likuran ko. "Matagal ka na rito?" Dagdag pa nito.

"Ah, hindi. Kalilipat ko lang." Napatingin naman ako sa hawak niyang pusa matapos kong sagutin ang tanong niya."Alaga mo? Ang cute naman." Sabi ko pa at pinat ang ulo nito.

"Syempre mana sa amo hahaha. Nga pala, what's your name? New neighbor, new kachikahan." Sabi niya na sabay naming tinawanan.

"Josh, Josh Cullen Santos. It's nice to meet you. Ikaw, anong pangalan mo? Tsaka may lahi ka ba? Hahahaha para ka kasing koreano, grabe ang hulma ng mukha aba." Tuloy-tuloy kong sabi kaya napailing siya.

"Aba'y magkakasundo tayo niyan, macocompliment ako everyday hahahaha. Justin Jace De Dios nga pala, it's nice to meet you too Josh." Sabi nito at nilahad ang kamay sa akin. Agad ko naman itong hinawakan at nakipagshake hands.

Inaya ko siyang umupo sa bench sa tapat ng condo ko. Nais niya pa raw akong makilala. Tatanggihan ko pa sana pero wala naman din akong gagawin kaya why not diba. Mamaya-maya pa naman magstart yung work ko.

"Alam mo..." Panimula ko.

"Hindi." Pilosopong aniya. Sinamaan ko naman siya ng tingin at hindi na lang umimik. "Uy tuloy mo hahahaha, joke lang yun." Nakailang pilit pa siya bago ako tuluyang magsalita.

"Parang pamilyar yang mukha mo sakin. Parang nakita na kita noon." Napatingin naman siya sakin.

"Alam mo ikaw din, parang nakita na kita noon. Stalker ka 'no?" Sabi nito ng pabiro.

"Bano, hindi. Sino ka ba ha?"

"Justin Jace De Dios po." Pamimilosopo na naman niya. Napailing na lamang ako sa kalokohan niya. Ibang klase rin humor nito. Parehong-pareho sila ni Stell.

"Justin, mauna na ako ah. Need na magtrabaho. Salamat sa oras."

"Thank you rin. See you when I see you. Ingat!" Wika nito bago sila pumasok ng alaga niya sa condo niya.








"Heyyy there brother!" Sambit ni Justin at inakbayan ako.

"Bano, anong brother? Hindi tayo magkapatid." Iwinaksi ko naman kaagad ang braso niya.

"Bitter bro ah, may problema? Init ng ulo grabe. Init na nga ng panahon oh, sinabayan mo pa." Umaksyon pa siya na nagpapaypay na akala mo'y iniihaw na sa init.

Mag-iisang buwan ko na siyang kapitbahay at kaibigan. Ewan ko ba dito. Kaclose ko agad pagkarating ko dito sa bago kong tinitirhan. Mukhang mapapabili nga rin ako ng alaga dahil sa patuloy na panunukso niya pero wala akong time para mag-alaga. Hindi ko na nga maasikaso ang sarili ko, hayop pa kaya?

"Hoy Josh tulala." Sigaw niya sa tenga ko kaya naman nagulat ako. Ikaw kaya sigawan sa tenga kung hindi ka magulat diba.

"Bakit?" Iritado kong tanong habang pinupunasan ang tenga ko. Laway ewww.

"May street foods vendor don oh, hindi ba't fave mo yon? Tara?" Aya niya.

"Walang pera, may pinag-iipunan ako." Sambit ko.

"Lowkey tanggi siya, oh siya libre ko." Nang marinig yon ay napangiti ako at naunang tumakbo patungo sa naglalako.

Nang makarating ay kami na rin ang kumuha ng mga gusto namin. Pinaluto lang ito saglit kay kuyang vendor tsaka namin ito kinain.

"Sarap talaga ng barbeque, lalo na kapag kayo yung nagtimpla kuya." Pambobola pa ni Justin kay kuyang vendor.

"Hahahaha syempre Sir, walang bibili kapag hindi masarap." Sambit ni kuya.

Pinagpatuloy na namin ang pagkain at pagtapos ay nagbayad na si Justin.

Naglakad-lakad lang kami dito sa parke at nang makita na namin na dumidilim na ang kalangitan ay napagpasyahan na naming umuwi.

"Salamat sa libre ah. Sa uulitin." Nagpaalam na kami sa isa't isa.

"Walang ano man yon tsaka wala ng uulitin 'no, ikaw naman manglibre bro." Pabirong aniya. Tumango na lamang ako at nauna nang pumasok sa condo ko.





"Hoy Jah!" Sigaw ko nang mapansing nauuna na siya sa akin. Ang hahaba kasi ng binti kaya ambilis makalayo.

"Hoy ka rin! Bilisan mo maglakad, baka hindi tayo makaabot don sa free concert. Limited lang yun!" Sigaw niya pa. Aa teka lang naman.

"Hintayin mo ako!" Patuloy lamang ako sa pagtakbo habang siya'y kalmadong naglalakad.

Magkakalahating taon ko na siyang nakakasama. Nagseselos na nga si Stell dahil kahit siya yung best friend ko ay mas madalas kong kasama 'tong si Justin. Dami niya kasing trippings sa buhay na trip ko rin kaya ayun, nagmatch agad kami.



"Andito na tayo." Sambit niya.

"Sa wakas." Sinabi ko na medyo hinihingal pa. Pwede naman kasing magtricycle, naglakad pa. Ang layo pala nito.

"Uy tignan mo oh Ben&Ben." Aniya at itinuro ang tarpolin na kasalukuyang nasa harapan namin. "Maganda songs niyan." Wika niya pa.

"Oo, sobra." Pagsang-ayon ko.

Unti pa lamang ang tao dito kaya naman hinila na ako ni Justin para sa unahan kami pumwesto.

Ilang minuto lang ang paghihintay at sunod-sunod nang kumanta ang mga artist na nandirito. Huli na si Juan Karlos bago mag Ben&Ben kaya naman hindi ako makapaghintay.

"AT AKO'Y INIWAN MO SA ERE!! ERE!! ERE!!" Pagsabay ko at ng lahat sa kanta.

"Ayan na, Ben&Ben na!! Ang lapit natin Josh!" Excited na sabi ni Justin nang isa-isa ng lumabas ang banda. Tumingin yung kambal sa pwesto namin kaya agad naman kaming nagkatinginan ni Justin at inuga-uga niya ako.

Una nilang tinutog ang Make It With You. Sumunod ang Leaves at Pagtingin.

"Ito na yung fave song ko." Bulong sakin ni Justin. Piniplay na yung music intro ng kanta.

"Hala si Moira!!" Sigaw ng babae sa likod namin.

"Ang ganda mo Moira Dela Torre!!" Aniya pa ng isa.

"Siya ata yung special guest." Bulong ko kay Justin. Tumango na lamang siya at nakinig na kami sa kanta.

Pag-asa nasaan ka
Ba't sumama sa paglisan niya
Kung babawiin ang mga nasabi
Babalik ba sa'king tabi
Oh oh

Saan ba magsisimula
Kung ako'y umaasa pa
Naniniwala sa'yong pangako
Na hinding-hindi susuko

Ba't 'di man lang nagpaalam
O 'di lang ikaw yung nasaktan
Hindi pa ba sapat
Nung binigay ko ang lahat
Paalam

Pagbigyan ang aking tugon
'Wag iwan sa imahinasyon
Kahit na huling sulyap na lamang
Malaman lang na 'di nagkulang

Ba't 'di man lang nagpaalam
O 'di lang ikaw yung nasaktan
Di pa ba sapat
Nung binigay ko ang lahat
Ba't 'di man lang pinaalam
O 'di lang ikaw yung nasaktan
Hindi pa ba sapat
Nung binigay ko ang lahat

"This song reminds me of everything." Sambit ni Justin sa kabila ng ingay sa paligid namin.

Paalam
Sa ating nakaraan
Paalam
Sa mga pinagsisihan
Paalam
Sa aking nadarama
Paalam
Kaya ko na ng wala ka
Paalam
Sa naging pagmamahalan
Paalam
Sa mga pangakong naiwanan
Paalam

Nakita ko siyang umiiyak kaya naman inilabas ko ang panyo ko at sinubukan siyang punasan ngunit hindi ko siya mahawakan. Napatingin siya sakin at...

Wala na 'kong pagsisisihan
At sa wakas ay kakalimutan
At kahit 'di nagpaalam
'Di bale na kung nasaktan
Ika'y naging sapat
Kahit tinapon ang lahat

"I'm so sorry sa lahat Josh." Bulong niya pa bago matapos ang kanta.

Paalam...


Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.

"Lola, gising na po si tito Josh."



















OH MY! MEOW (Josh×Jah)Where stories live. Discover now