Chapter 18

54 7 3
                                    

Buwan na ang lumipas at hindi parin nagkakamalay si Josh. Hindi na ako mapakali kaya naman sinabi ko na ang lahat ng ito kayla tita. Agad naman nila itong tinugunan at lumuwas agad dito upang makita ang kalagayan ni Josh.

"Tito Josh?" Bulong ni Adi. Anak ni ate Ashi.

"Natutulog pa ang tito anak, upo muna tayo ron." Wika ni Ashi. Agad naman itong sinunod ni Adi.

"Stell?" Wika ni tita Aldrene. "Kailan pa 'to? Bakit hindi mo sinabi kaagad sa amin?" Dugsong niya pa.

"Pasensya na po pero ang bilin sakin ni Josh ay wag kayong pagsabihan ng kung ano mang bagay na paniguradong makakaabala sa inyo."

"Pero kahit kailan, hindi siya naging abala samin. Anak ko si Josh. Kahit malaki na siya ay may karapatan parin akong malaman ang mga nangyayari sa buhay niya."

"Hilig niya pong maglihim tita ea. Kung hindi nga po namin siya pinipilit magsabi ng problema samin, kikimkimin niya yun hanggang kaya niya."

Napabuntong hininga na lang si tita at nilapitan si Josh. Umiiyak siya habang pilit na ginigising si Josh.

Hanggang kailan ka sa sitwasyon na yan Josh? Gising ka na please.

Lumabas na muna ako ng kwarto at nang pagkalabas ko ay nakasalubong ko naman yung babae na nakita naming nagwawala noon. Lumapit siya sakin at kinausap ako.

"Ikaw ba si Stell? Ajero?" Tanong niya. Agad naman akong tumango.

"Bakit po?" Alanganin kong sagot.

"Bago mamaalam ng tuluyan ang anak ko ay may sulat kaming nakita sa ilalim ng lamesa sa kwarto niya." Kwento nito. "Nalaman ko rin na ang kaibigan mong kasalukuyang nasa loob ng room na yan ang tinutukoy niya sa sulat." Matapos niyang sabihin yun ay binigay niya sa akin ang isang sobre at sinenyasan ako na basahin ko. "Bibili muna ako ng makakain at kakausapin kitang muli tungkol diyan." Sabi nito bago umalis.

Agad ko namang binuksan ang liham at binasa.


Josh, maraming salamat sa pagtanggap sakin. Maraming salamat dahil pinaramdam mong mahalaga ako. Maraming salamat dahil naging parte ka ng buhay ko. Gusto pa kitang makasama ng matagal. Gusto pa kitang makausap pero nung malaman ko na ako ang dahilan sa pagkamatay ng tatay mo ay nabalot ng negatibong pag-iisip ang isipan ko. Narining ko lahat Josh, at nais kong humingi ng tawad. Bilang kaibigan, nais kong suklian lahat ng naitulong mo sa akin. Tanggap ko na ang kapalaran ko Josh. Bago pa mangyari ang lahat ng ito ay alam ko na. Sadyang wala akong maggawa para mapiligilan 'to. Bilang kapalit ng buhay ko Josh, ibibigay ko sayo ang mga mata ko.

Narinig ko yung usapan niyo nung doktor at napag-alaman kong may tinatago kang malubhang sakit sa aming lahat. Nag-alala ako, hindi maiiwasan yun. Sana'y tanggapin mo ito kahit na ang matang ito ay galing sa taong sumira sa pamilya mo. Mahal kita Josh. Hanggang sa muli.

- Justin.

Flashback

Justin's POV

"Iho, nakikita ko ang unti-unti mong pagbabago ngunit may isa kang misyon dito sa mundo na maaring magdala sa iyo ng kapahamakan. Para lamang iligtas ang lalaking 'yan." Pagkasabi non ay itinuro sa akin ng matandang babae ang larawan ni Josh.

OH MY! MEOW (Josh×Jah)Where stories live. Discover now