Chapter 17

58 5 1
                                    

"Josh?" Pagtawag sakin ni Justin. Hindi ko siya pinansin at dali-daling lumabas ng condo. "San ka pupunta? Samahan kita." Pagboluntaryo niya pa.

Umalis na ako at hindi na siya pinagtuunan pa ng pansin. Baka kung magtatagal pa ako sa loob at makikita ang pagmumukha niya ay hindi ko na alam ang magagawa ko sa kanya. Naglakad ako at bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Dis oras na ng gabi pero bahala na. Ayaw ko lang talagang makapanakit pa kaya ako na muna ang lalayo.

"Panginoon, bakit po nangyayari sakin lahat ng 'to? Malaki ba ang pagkukulang ko sa buhay. May mga pagkakamali po ba akong naggawa para maranasan ko lahat ng 'to? Hindi ko na po alam kung paano ko ito kinakaya, gusto ko na pong sumuko. Gabayan po ninyo ako, kayo po ang magturo at magtama sa nararamdaman ng puso ko. Baguhin n'yo po ang nilalaman ng isipan ko." Ibinulong ko lahat ng 'yon sa hangin habang patuloy na umaagos ang luha sa mga mata ko.

Patuloy parin ang paghakbang ng mga paa ko. Hindi ko na alam kung saan ako dinadala ng mga ito. Wala ako sa sarili at halo-halo ang nararamdaman ng puso ko.

Bakit nga ba lahat ng taong nagpaparamdan na mahal nila ako ang siyang dumudurog din sa puso ko?

Nanlalabo na ang mga mata ko dahil na rin sa walang sawang pag-iyak. Hindi ko na makontrol ang sarili ko. Wala na akong ginawa, lakad lamang hanggang sa...

"BEEP!" Busina ng isang rumaragasang sasakyan.

"JOSH!" Rinig kong sigaw ng pamilyar na boses bago ako nawalan ng malay.





Stell's POV

"Stell, panoorin mo 'to." Tawag sakin ni Pablo kaya naman pumunta agad ako sa sala. "Hindi ba't parang si Josh yan?" Wika niya pa.

"Dalawang lalaki ang nasagasaan ng rumaragasang sasakyan. Base sa imbestigasyon ay ang isa dito ay malubhang sugat lamang ang itinamo habang ang isa ay binawian na ng buhay." Matapos marinig 'yon ay agad akong lumabas ng bahay ni Pablo at tinawagan si Josh. Nagriring lamang ito at walang sumasagot. Nag-aalala na ako kaya naman tinawag ko na si Pablo para puntahan si Josh sa condo niya. Walang pinakitang larawan sa TV kaya naman naghahangad parin ako ng chance na hindi si Josh yun. Hindi pwede.

Nang makatungo na kami ni Pablo sa condo ni Josh ay tanging si Ken lang ang nakita namin don. Kanina pa raw siya nakatok ngunit walang nasagot sa kanya. Kinuha ko ang spare key at binuksan kaagad ang pinto.

"Wala si Josh dito." Wika ni Ken.

"Alam n'yo, mabuti pa na puntahan na natin yung lugar sa balita. Malakas yung hinala ko ea." Wika ni Pablo.

"Hindi. Hindi pwedeng si Josh yon." Paano na sila tita kung malalaman nila.

"Tara na Stell. Paano tayo makakasiguro kung hindi natin pupuntahan mismo? Tara na!" Hinila niya ako palabas at dali-dali kaming sumakay tatlo sa kotse.





"Ano pong maitutulong ko sa inyo?" Sabi ng nurse. Dito kami itinuro nung nag-iimbestiga kaya agad namin itong tinungo. Napag-alaman din namin na si Josh nga yung binanggit sa balita. Pero alin siya ron sa dalawa?

"Nabalitaan namin na dito dinala yung kaibigan namin."

"Ano pong pangalan Sir?"

"Josh Cullen Santos po." Agad kong tugon na nag-aalala parin.

"Nasa emergency room pa po Sir. Diyan na lamang po kayo maghintay." Itinuro niya samin ang waiting area malapit sa ER.

"Stell, kumalma ka." Wika ni Pablo at inabutan ako ng tubig.

"Paano ako kakalma Pablo? Kaibigan ko yung nasa loob ng ER."

"Kaibigan din naman namin si Josh. Ang sa akin lang, wag ka masyadong mastress. Think positive Stell, magiging okay si Josh." Tumabi samin si Ken at sabay nila akong niyakap.



"Stell, gising!" Bulong ni Ken. Nakatulog pala ako. Iminulat ko na ang mga mata ko at hinanap agad si Pablo. Kausap niya yung nurse. Agad ko siyang pinuntahan at tinanong.

"Anong balita kay Josh?"

"Okay na siya. Inilipat na siya sa room niya at pwede na natin siyang puntahan." Kalmado niyang wika kaya agad naman gumaan ang pakiramdam ko. Pupuntahan na sana namin ang kwarto kung nasaan si Josh ng biglang may pumasok sa hospital at nagngangangawa.

"NASAN ANG ANAK KO?" Sigaw nito. "ASAN SI JUSTIN." Sabi nito at patuloy na umiiyak.

"Kalma po tayo. Buong pangalan po Ma'am?"

"Justin Jace De Dios." Yung lalaking kasama niya na ang sumagot dahil hindi parin natigil sa pag-iyak yung babae.

"Kinalulungkot ko pong sabihin sa inyo na dead on arrival na po yung pasyente."

"Hindi!! Hindi pwede!!" Patuloy na pagsigaw nung babae.

"Stell." Wika ni Ken. Nakatulala pala ako kanina pa. Inaya na nila akong pumunta sa room ni Josh.

Nang makapasok ay tumakbo agad ako patungo sa kanya.

"Josh? Naririnig mo ba ako?" Nakapikit pa rin siya at wala pa ring malay.

"Sabi ng doktor, matagal pa bago siya magising dahil grabe yung impact nung sasakyan sa ulo niya. Yung lalaking humarang kay Josh yung may malaking tinamo. Hindi na raw inabutan ng buhay." Kwento ni Pablo.

"Josh, bakit ba 'to nangyari? Sinabi ko naman diba na kapag may problema ka, sasabihin mo sa amin. Handa kaming makinig sayo. Huwag mo naman paabutin sa ganito. Grabe yung pag-aalala namin oh. Paano ko 'to sasabihin kila tita, sasabihin ko ba?" Wika ko na wari'y maririnig niya.

"Stell, hayaan mo na munang magpalakas at magpahinga si Josh dyan. Alam kong hindi siya pababayaan ng Diyos. Aayos din ang lagay niya. Magpahinga ka muna dito." Iniayos niya ang isang mahabang upuan sa gilid ng kwarto ni Josh. Nilagyan yon ni Pablo ng unan para mahigaan ko. Agad naman akong pumunta don at natulog na.



















OH MY! MEOW (Josh×Jah)Where stories live. Discover now