Epilogue

66 6 3
                                    

"Josh!" Masiglang tawag sa akin ni Amber. "Buti naman at naisipan mong bumisita dito, namiss kita." Sambit pa nito.

Limang taon na rin pala ang lumipas simula nang iwan ko ang trabaho ko dito. Marami na ring nagbago bukod sa mga taong nandirito.

"Dito ka pa rin? Tibay mo naman." Biro ko kay Amber.

"Syempre. First job ko 'to. Loyal dapat tayo." May bahid ng pang-aasar ang tono niya.

"Kaya pala sa sobrang pagkaloyal ea hindi nagkajowa." Inirapan niya naman ako.

"Kesa naman sayo. Nagkajowa nga, 'di naman tumagal." Napatingin naman ako ng masama sa kanya.

"Aba't, namemersonal? Past is past."

"Ikaw nauna." Nagtaray na naman siya. Si Ms. Sungit talaga 'to ea.

"Hephep, tama na yan. Baka kayo pa magkatuluyan niyan ea." Pagputol ni sir Zhary sa silence between me and Amber.

"Never po Sir. Ayaw ko maging pangatlo." Nagtataray pa rin siya.

"Excuse me?"

"You can go na."

"Stop that. Para kayong mga bata. Let's enjoy the day habang nandito si Josh." Matapos sabihin ni Sir Zhary yon ay agad namang napatingin ang lahat.

"Party Sir?" Sabi ng sektetarya ni Sir Zhary.

"Yes dahil simula ngayong araw ay dito na ulit magtatrabaho si Josh." Masayang aniya.

Agad namang naghiyawan ang mga katrabaho kong andito parin mula noon. Ganito po talaga ang feeling ng fave na trabahante hahahaha, charot.

"Weh? Totoo yan? Hindi prank?" Sunod-sunod na sabi ni Amber.

"Opo Manang Bear, tandem na naman tayo everyday." Agad niya naman akong niyakap nang sabihin ko 'yon.

"Ehem!" Napaatras naman si Amber nang tumikhim si Sir. "Hindi kayo nangsasali." Fave line niya yan.

"GROUP HUG!" Sigaw ko at isa-isang lumapit ang lahat sa pwesto namin.








Nag-order si Sir Zhary ng mga pagkain na pinagsaluhan ng lahat dito sa kumpanya. Purong tawanan at kwentuhan ang nangyari sa araw na ito. Namiss ko ang samahan ng mga empleyado rito. Good decision talaga na bumalik ako ulit dito.















"Uuwi ka na Amber?" Tanong ko dito nang mapansing nagliligpit na siya ng mga gamit niya.

"Yes." Maikling sagot niya.

Mag-aalasais na rin ng gabi at napagpasyahan ni Sir Zhary na pauwiin kaming lahat ngayon ng maaga. Thanks to the favorite worker, me. Charot.

"Hatid na kita." Pag-aaya ko sa kanya. Medyo malapit lang naman siya sa bago kong inuupahan.

Yes, nag-improve na po tayo. Sa subdivision na po ako nangungupahan. Mas mura doon kumpara sa singil sa condo. Nag-iipon na rin ako paunti-unti para makapagpatayo ng sarili kong bahay. Gusto ko na rin kasing dito na permanenteng manirahan sila mama at ate, pati mga pamangkin ko. Mas masaya kasi yung bahay kapag maraming tao.

"Hindi ba abala sayo?" Agad na sagot niya.

"Kailan ka pa naging abala Manang Bear, tsaka malapit na rin naman yung bago kong tinitirhan sa inyo." Napatango naman siya.

"Sige, salamat." Nginitian ko lamang siya at nagligpit na rin ng mga gamit ko.










"Salamat sa paghatid Josh." Sabi niya matapos bumaba ng motor ko. Akma na sana siyang papasok sa bahay nang tawagin ko siya.

"Manang Bear!" Napalingon naman siya sa'kin. "Helmet ko, balak mo pa atang arborin." Natawa naman siya at ibinigay sakin ang helmet.

"Sensya na po Manong Kuneho, lutang po ea." Sabi nito bago kumaway.


















Sunday ngayon at katatapos lang namin pumunta ng simbahan nila Stell kasama si Pablo, Ken, Xi at Amber. Kasalukuyan kaming nandito sa plasa upang magpahangin.




Iniwan ako nung lima kaya wala akong magawa dito kundi kunan ng larawan lahat nang makikita kong maganda sa paningin ko.



Habang inililibot ang camera ay nagulat ako sa nahagip nito.


"Ano ba yan Manang Bear, nanggugulat." Sabi ko at inilagay sa bulsa ang phone ko. Nabaling naman ang atensyon ko sa hawak niya.

It's a cat.

"May napulot akong pusa sa daan kanina. Ayaw ko sanang kunin pero nasunod sa'kin ea. Kaya eto hahaha, cute 'no?" Tuloy-tuloy niyang kuwento. Tumango na lamang ako. "Gusto mong buhatin?" Alok niya pa.

Agad kong kinuha ang pusa sa kamay niya at inusisa ang itsura nito. Ang cute niya, medyo malapit ang kulay niya sa kulay ni Saoirse. May ilan siyang sugat sa katawan. Dala siguro nang pagala-gala niya dito sa daan.




"Baka naman matunaw yung pusa niyan." Si Stell.

"Nag-iimagine na naman yan na magiging tao yung cat." Dagdag ni Pablo.

Nakarating na yung apat na may dalang pagkain. Ang mga pagkaing iyon ang pagsasaluhan namin.



"Amin na 'yan." Pag-agaw ng pusa sakin ni Amber.

"Parang baby." Bulong ko pa.

"Baby mo yieee." Narinig niya pala.

"Stop that Amber, pag ikaw pinatulan ko."

"Stop that din, hindi tayo talo." Pagtataray niya pa sakin.

"Stop that na rin. Kumain na kayo." Pagsali ni Pablo.

"Sheeesh rhyme." Sumbat ni Ken.









Natapos na kaming kumain lahat at kasalukuyan nang nililigpit ang mga pinagkainan.

"Josh, pakibantayan muna si Emily. CR lang ako." Paalam ni Amber.

"Wag mong isipin yan, hindi ka CR lang Amber. You are more than that." Loko talaga 'tong si Stell. Inirapan naman siya ni Amber.


Kinuha ko naman agad yung pusa kay Amber at nang makaalis na siya. Nilagay ko lamang ito sa kandungan ko at kinuha ang phone ko para sana kuhanan siya ng litrato kaso bigla itong tumalon at tumakbo papalayo.

"Yare ka kay Amber nyan par. Habulin mo." Sambit ni Ken. Agad ko namang tinugunan ang sinabi niya at hinabol si Emily.






Ilang minuto lang ang lumipas at natagpuan ko na ito. Nasa playground ito at may kinukuha siya sa isang bata.

Pinuntahan ko kaagad ito at sinubukang awatin ang pusa. Hindi ko ito mapigilan kaya naman pinakiusapan ko na lang yung bata na ibigay na sa pusa ang nais nito.


"Salamat." Humingi rin ako ng paumanhin dito.








Tinignan ko ang bagay na nakuha ni Emily at nagulat ako sa kung ano ito.



Yung pendant...



"Oh my!"

"Meow."
















___________________________________
Meow Meowwww! Meow Meow Meow! 😻

Thank you for reading! Finally, I finished it na  hehe. Even though the flow of the story was not that smooth because I was in a hurry, but still, I'm so happy that I finished it. Thanks for reading till the end. I love you all.

OH MY! MEOW (Josh×Jah)Where stories live. Discover now