Chapter 8

236 12 3
                                    

"What are we doing here? Wala ka bang pasok?" Tanong ko kay Jaycee.

After we eat lunch kanina ay dinala nya ako dito sa park.

We're currently sitting here sa bench na medyo malayo sa mga tao.Tanaw na tanaw rin dito ang napakagandang tanawin ng lugar ,lalo na ang dagat.

"Ahhh nothing.I just want to cherish the days that I'm still with you." He said while looking at our hands.

Simula nang dalhin at makaupo kami dito sa bench ay hindi nya binitawan ang kamay ko.

"Why? Aalis ka ba?" Inangat nya naman ang tingin sa akin.

"Hindi loveee.Ahhh kasi ,we both know naman diba na hiram lang ang buhay natin at hindi natin alam kung kailan tayo kukunin? So i want na lubusin yung mga or—" Hindi ko na sya pinatapos.

"Anong pinagsasabi mo? Jaycee dalawang araw pa lang tayo.May taning na ba buhay mo?"

"W-what?" Pagtatakang sabi nya.

"Ea kase sa tono ng boses mo at sa mga pinagsasabi mo parang namamaalam ka na then I'll ask you kanina if aalis ka sabi mo hindi kay—" Hindi ko na natapos ang sasabihin when he gave me a smack kiss on my cheek.

"Love , that will never happen ,papakasalan pa kita." He said while looking directly at my eyes.

"Madaling-madali ka boy? Two days pa lang. Marry marry na nasa isip mo?" Sabi ko na pinipilit itago ang kilig sa sinabi nya.

"Love kinikilig ka ba?" Tanong nya at binigyan ako ng nakakalokong ngiti.

"Stupido. Hindi ako kinikilig." Pagkatapos sabihin yon ay naramdaman ko ang dahan-dahang pagpulupot ng braso nya sa aking beywang.

Hinapit nya ako sa pwesto nya at niyakap.

"What do you want to eat Love?" He said out of nowhere kaya napaisip naman ako.

"Street foods. May nakita ako kanina doon banda sa may entrance." Nakangiting sabi ko kaya naman tumayo na kaming dalawa at naglakad patungo sa entrance ng parke.

Nang makarating ay agad akong kumuha ng barbeque at isaw upang ipaluto kay kuya.Ganon rin ang ginawa ni Jaycee and a minute later ay nagbayad na sya.

Pumunta kami sa may table na halos katapat lang nung street vendor. Inilapag namin doon ang mga pinamili at maya-maya'y sinunggaban na ang mga ito.

Paubos na ang pagkain ko pero iyong kay Jaycee ay halos hindi pa nababawasan.

"Love?" Tawag ko sa kanya pero parang wala syang naririnig."Love? Jaycee?" Wala pa rin."Jaycee Velasco!" Sigaw ko na nagpalingon sa kanya sa direksyon ko.

"W-why babe?" Babe? that's not our endearment so sino si babe?

"Babe? Sinong babe? Ang alam ko ako si love." Sabi ko habang nginunguya ang pagkain ko.

"Babe? Sinabi ko ba yun?" Tanong nya sa sarili.Nababaliw na ba 'to?

Hindi ko na lang sya pinansin at ipinagpatuloy na ang pagkain.





_





"Salamat sa paghatid love ,ingat ka pauwi ah...love you." Sabi ko at binigyan sya ng madaliang halik sa pisngi.

"Thank you love ,i love you too." Pagkatapos nyang sabihin yon ay sumakay na sya sa kotse nya at nagmaneho na paalis.

Nagtungo na ako sa condo ko at nang mabuksan ko ang pintuan ay bumungad sakin ang malalakas na sigaw mula kay Stell.

"Josh!" Tawag ni Pablo sakin na ngayo'y nakaluhod sa harap ni Stell.

Seryoso dahil lang sa convo na yon? Magkakaganito sila?Minor moments emzz.

OH MY! MEOW (Josh×Jah)Where stories live. Discover now