Chapter 1

392 17 8
                                    

"Oh Josh andyan ka na pala." Bungad ni Stell ng makapasok na ako sa loob, napatingin naman sa akin yong tatlo

Nginitian ko lang sila at dumiretso sa kwarto.

Naligo lang ako at nagpalit ng damit.Dinamay ko na rin tong pusa na 'to ,ang bantot na ea.

Habang nililiguan sya ay may nakita akong pendant na nakakabit sa collar nya.

"Bakit ngayon ko lang toh napansin?" Sabi ko sa isipan

Pero teka,parang nakita ko na 'to ea.Tama ganto rin ung pendant don sa kwintas ng lalaki na sumagip sa life ko kanina.

Black stone na may unting red shade ung design.





_






Binanlawan ko na sya at pinunasan.Pagkatapos ko syang asikasuhin ay lumabas na ako.Hindi pa pala sila tapos magchikahan.

"Josh right?" Napatalon naman ako sa gulat ng may nagsalita mula sa likod ko.Nilingon ko naman sya at nginitian.

"Uh yes." Sabi ko at dumeretso sa direksyon nila Stell.Sumunod naman si Saoirse at si kuya na feeling kaclose ko.

"Hindi pa pala namin napapakilala sayo si Jaycee.Jaycee this is Josh and Josh this is Jaycee." Pagpapakilala ni Stell sa akin at kay kuya.

"Hi I'm Jaycee you can call me baby ,love ,sweetie pie and kung ano pa." Sabi nya at kinindatan pa ako.

"Hello." Sabi ko at inirapan sya.Nakita ko naman kong paano magpigil ng tawa yong tatlo.

Lumapit sya sakin at nagtangkang makipagkamay ngunit...

"AHHHHHHH!" Nagulat naman kami ng napsigaw at makitang kinalmot ni Saoirse si Jaycee.Bahagya naman akong natawa.Well deserve.


Kinuha ko na si Saoirse sa paahan ni Jaycee at dinala sa kwarto.Nilock ko ang kwarto bago lumabas.

Nang makarating sa sala kinuha ko ang first aid kit at nagtungo sa kinalalagyan ni Jaycee.Chineck ko kung malalim ba pagkakakalmot ni Saoirse sa kanya at binigyan sya ng paunang lunas.

Ramdam ko ang titig nya sa akin habang pinapahiran ko ng alcohol ang sugat nya.

"Ahhh aray!" Sigaw nya ng diinan ko ang paglagay ng gapas sa sugat nya.

"Masakit?" Pakunwaring concern ko na tanong.

"Ah hindi naman masyado." Sabi nya at ngumiti.

Natapos ko na syang bigyan ng paunang lunas.

Wala pang injection si Saoirse kaya dapat ipacheck namin sa doctor ung kalmot nya.Nagprisenta ako na samahan sya sa clinic na malapit lang dito sa condo ko.



_




Gabi na ng ihatid nya ako sa condo.Nag-aya rin kasi mag-dinner si kuya.Pasasalamat daw nya sa paggamot ko sa sugat nya at pagsama sa kanya sa clinic kanina.

"Bye Josh,see you when i see you." Sabi nya at nagulat naman ako ng niyakap nya ako.

"Bye Jaycee ingat." Sabi ko ng makawala na sa bisig nya.Nginitian nya lang ako at sumakay na sya sa kotse nya.Bumusina sya bago umalis.

"Loko talaga." Bulong ko sa sarili.

Alas-syete na rin kasi tsaka maaga natutulog ung mga neighborhood ko dito.

Umupo muna ako sa hagdan katabi ng condo ko at tumingala sa langit.Wala gaanong mga bituin ngayon.

Baka umulan bukas.

"Meow." Nilingon ko naman kung saan nagmula ang tunog at nasilayan ko si Saoirse.

Sinenyasan ko sya na lumapit sa akin at sumunod naman sya.Hinimas-himas ko lang ang balahibo nya habang hinehele sya.Para akong ewan noh?pusa lang toh pero kung makaalaga ako,parang tao na toh.




2 weeks later

Mag-iisang buwan na rin pala sakin tong si Saoirse.

Habang tumatagal ay natututo na syang makisalamuha sa mga tao at kapwa hayop.

Yung pendant sa collar nya may pagbabago rin.Half red and black na.May connect ba toh sa life nya? kasi habang dumadami ang red na kulay sa pendant nya ay sumisigla sya.

"Josh tara na." Nabalik ako sa reyalidad ng tawagin ako ni Jaycee,sasamahan nya ako na dalhin si Saoirse sa vet.

Yes close na kami pero hindi yong katulad sa pagiging close namin ni Stell na lahat ng bagay about me inoopen ko sa kanya.

Sumunod na ako kay Jaycee sa sasakyan habang bitbit si Saoirse.Sa backseat na ako sumakay kasi baka manggulo si Saoirse sa pagmamaneho ni Jaycee,mapahamak pa kami.

Habang nasa byahe ay panay ang lingon ni Saoirse sa labas.

Ngayon lang kasi sya nakagala ng ganto kalayo.

And yes,first time nyang pupunta sa vet ngayon.Thanks to Jaycee,kahit na kinalmot sya ni Saoirse a week ago nagmamagandang loob pa rin sya dito.May mga toys and gamit din sya na binili for Saoirse.



_




Pagkatapos magtungo sa vet ay sa park naman kami dinala ni Jaycee.

Relax daw muna wag puro work.

Makalipas ng ilang minuto ay bigla na lang akong nainis sa kanya.Napakafeelingero kasi,inutusan ko daw si Saoirse na kalmutin sya para makalapit ko sya non.

"Kapal." Bulong ko.

Tumayo ako sa kinauupuan namin at binuhat na si Saoirse.

Naglakad ako papuntang waiting area para mag-abang don ng masasakyan.Ramdam ko naman ang pagsunod nya sakin.

"Hey Josh,wait!" Sigaw nya ng makalayo na ako sa kanya.

One step na lang ea nasa waiting area na ako kung hindi nya ako hinablot.

Bigla namang tumalon si Saoirse kaya nawalan ako ng balanse sa katawan at natumba kaming pareho ni Jaycee sa lapag.

Nakapatong ako sa kanya at unting-unti na lang mahahalikan ko na sya , mayghad.

Tumagal kami ng limang minuto sa posisyon na yon baka tumagal pa kapag hindi ako umalis sa pagkakapatong sa kanya.

Nakita ko naman si Saoirse na nakamasid lang sa amin.Agad akong pumunta sa kung nasaan sya at binuhat syang muli.

"Sorry." Sabi ko ng makitang may sugat si Jaycee sa balikat.

I know na kasalanan ko,pikonin rin kasi ako kaya kahit na unting biro sineseryoso ko at yon ang nagiging dahilan ng pag-init ng ulo ko.

Tinanong ko lang sya if kaya nya magdrive.Tumango lamang sya bilang tugon.




















OH MY! MEOW (Josh×Jah)Where stories live. Discover now