Chapter 4

305 13 1
                                    

"Ako na dyan Josh." Pagpiprisinta ni Jaycee ng makita akong nahihirapang buhatin yung maleta ko.

Lumapit sya sa direksyon ko at dahan-dahang ibinaba ang maleta mula sa sasakyan.

Nandito kami sa Baguio para sa celebration ng company ni Sir Zhary dahil sa successful partnership namin sa isang pinakakilalang business man dito sa Pilipinas.

Pinayagan kami ni Sir Zhary na magdala ng mga kaibigan or family namin pero hindi na yon kasama sa libre.

Nang maibaba na ni Jaycee yung maleta ay ako na ang nagprisinta na magdala nito papasok sa hotel.

"Josh,same room tayo?" Exited na pagkakasabi nya.

"No"tipid kong sagot.Nakita ko naman ang pagpipigil ng tawa nung tatlo.

Nagcheck-in na kami at pumunta sa kanya-kanyang kwarto.Roommates ko si Stell at Ken habang si Jaycee at Pablo naman ang magkaroommate sa kabilang kwarto.

Inayos lang namin ang mga gamit at lumabas na.

Umaga pa lang.Marami pang time para maglibot.

Siguro nagtataka kayo kung nasan si Saoirse noh?

Pinaalagaan ko muna sya kay Xi-anne ,isa rin sa matatalik kong kaibigan.I wonder nga kung ano ng kalagayan ni Saoirse dun.

Kumakain ba sya ng ayos?,Nakikipaglaro ba sya sa mga pusang alaga ni Xi?o nakamukmuk lang sya sa gilid at takot makipag-interact.Marami pang tanong ang namumuo sa aking isip tungkol kay Saoirse.

Oo pusa lang sya pero para sakin napakahalaga nya.Actually hindi ako cat lover or dog lover pero pagdating kay Saoirse parang iba.Dati kapag nakakakita ako ng mga pusa o aso sa lansangan hindi ko pinapansin at binabalewala lang kapag nanghihingi sila ng pagkain sa akin.

Si Saoirse nung unang kita ko sa kanya parang gusto ko na agad syang kupkupin.Kahit na pilit kong itanggi dun sa matanda na nakasalubong ko na ayaw kong ampunin si Saoirse ay kasalungat non ang gustong gawin ng puso ko.

Para bang ang lapit-lapit ng loob ko sa pusang yon.

"Hoy dre ,ang lalim ata ng iniisip mo ah." Nawala ako sa pag-iisip nang bungguin ako ni Ken.

"Ah haha." Nagpatuloy lang ako sa paglalakad kasabay si Ken.

Nauna na pala sila Stell,Pablo at Jaycee sa loob ng restaurant.Gutom na gutom sa byahe.

"Tungkol ba saan yan dre?problema ba yan sa pamilya?" Tanong ni Ken.

Nandito na kami sa harap ng resto at natanaw ko na rin kung nasaan yung tatlo.Sinagot ko muna ang tanong ni Ken at pumasok na sa loob.







"Ang tagal nyo namang maglakad." Bungad ni Pablo ng makarating na kami ni Ken sa tapat ng mesa nila.

"Itong si Josh kasi ea,tulala habang naglalakad.Sinabayan ko na lang kasi baka mamaya mahulog na lang siya sa tulay hindi nya pa namamalayan." Mahabang eksplinasyon ni Ken.

Nginitian ko na lang silang lahat ng mapunta ang atensyon nila sa akin.

"What's bothering you ,Josh?" Tanong ni Jaycee.

"Iniisip ko lang kung kamusta na si Saoirse." Tumango lang sya at nanahimik.

Hindi kalaunan ay dumating na ang mga pagkain na inorder namin ni Ken habang yung tatlo kakatapos lang kumain at nag-order na lang ng drinks.

Habang kumakain ay rinig ko ang pagtatawan ng apat.Nanatili lang akong tahimik.Para bang wala akong gana at ang pangit ng pakiramdam ko.

"Jaycee ,sure ka ba walang nangyari sa inyo ni Josh that night?"  Nabulunan naman ako sa tanong ni Pablo kay Jaycee.Inabutan naman ako ng tubig ni Jaycee at ininom ko yon agad.

Napatingin silang lahat sakin.Binigyan ko lang sila ng tipid na ngiti at nagpeace-sign.

Naalala ko na naman yung nangyari last week.Actually wala namang nangyari samin.Lasing ako non pero nasa tama pa rin naman ang pag-iisip ko.

Nagkwentuhan lang sila ng nagkwentuhan habang hinihintay naming matapos kumain si Ken.Parang baby kumain ea.Nag-order pa ng cake.

Nang matapos nang kumain si Ken ay nagbayad na kami ng kinain namin at lumabas na.

"Pablo,Stell and Ken!" Sigaw ni Jaycee sa tatlo kasi nakalayo na sila sa amin.

Lumingon silang tatlo at kinindatan lang ni Stell si Jaycee.Sign ba yon for what?

Hinila ni Jaycee ang kamay ko at nagulat naman ako dahil doon.

Nagpadala na lang ako sa paghila ni Jaycee sa akin dahil wala rin naman ako sa mood para magmatigas.




_





"Anong ginagawa natin dito?" Nandito kami sa park at makikita mo mula dito ang mga taong masaya kasama ang mga pamilya,kaibigan at alaga nila.

Mga pamilyang kumakain ng sabay-sabay.Mga batang nagtatakbuhan at mga bata na nakikipaglaro sa mga alaga nilang aso at pusa.

"Miss mo na si Saoirse?" Tanong ni Jaycee sa malambing na tono.

Tumango lang ako dahil tama naman siya miss na miss ko na si Saoirse kahit wala pang isang araw na magkawalay kami.

Paano pa kaya sa 1 week na pagbabakasyon ko dito.

"Dapat pala dinala natin sya dito."

"Kung pwede lang.Baby pa lang si Saoirse ,kaya no pa sa mga byahe ng ganto kalayo." Sabi ko at itinuon ang atensyon sa kamay ko.

Hinawakan naman iyon ni Jaycee at iniangat.Hinalikan nya ang likuran nito at tumingin ng diretso sa mga mata ko.

"Hindi ka ba napapagod?" Bigla na lang lumabas sa aking bibig ang tanong na iyon.

"Napapagod saan?sa paghihintay na sagutin mo ako?" Tumango lang ako bilang sagot.

"Syempre hindi.Look at me Josh.Mahal na mahal kita at kahit gaano mo pa katagal ibigay yang matamis mong oo sa akin ,hihintayin ko." Nginitian ko lang sya.

Nagmasid-masid lang kami sa buong lugar at habang nagmamasid ay may nakita akong street food vendor.Hinila ko si Jaycee papalapit doon.

"Kuya lima nga pong barbeque, lima rin pong isaw tas maanghang po na sawsawan"agad naman na nilagay ni kuya sa grills ang mga order ko at niluto iyon.

"Ikaw Jaycee,wala ka bang gusto?" Tanong ko nang mapansin na nakatulala lang sya.

"Ikaw ,ikaw ung gusto ko." Yy hayup nagawa pang bumanat.

"Hindi ako pagkain Jaycee." Napabungisngis naman sya at dahil don tinaasan ko sya ng kilay.

"2 isaw and 7 barbeque lang po ang sa akin kuya.Vinegar lang po sawsawan." Nginitian nya lang si kuya matapos umorder.

Habang hinihintay na maluto ang mga inorder namin ay pumasok naman sa isip ko yung tatlo kaya pinadagdagan ko yung order ko ng sampung hotdog,isaw at barbeque.

"Favorite mo ba toh ,Josh?" Tanong ni Jaycee ng maibigay na sa amin ang mga order namin.

"Yes." Tipid na sagot ko at nagbayad na kay kuya.

Hindi na ako nakapaghintay at kinain ko na yung order ko.Pinahawakan ko naman kay Jaycee yung para sa tatlo.

"Josh upo ka don." Tinuro ni Jaycee ang isang upuan malapit sa may playground.

Umupo naman ako doom kagaya ng sinabi nya.Nilapag nya sa may lamesa katapat nitong upuan ung mga pagkain at nilabas nya ang phone nya.

"Smiiiiiiile." Pagkasabi nya non ay itinuon ko ang tingin sa camera ng phone nya at ngumiti.

"Ang cute mo talaga." Gusto ko sana syang punahin kasi ayaw na ayaw ko sa lahat na tinatawag akong cute.

Pero wala ako sa mood para gawin yon kaya binalewala ko na lang.


















OH MY! MEOW (Josh×Jah)Where stories live. Discover now