Chapter 10

234 11 4
                                    

Monthsary namin ni Jaycee ngayon at dinala nya ako dito sa isang mamahaling restaurant na alam kong hindi ko afford.

Pagkarating namin kanina ay agad kaming sinalubong ng mga crew dito ,parang halos kilala na rin nila si Jaycee dahil sa lagi na itong dito kumakain o pumapasyal.

"Love? Are you sure na juice at steak lang ang order mo?" Napalingon naman ako ng magsalita sya.

"Yes ,ayos na sakin 'to." Sabi ko at ngumiti ng pagkalawak-lawak sa harapan nya.

"Mabubusog ka ba nyan?Baka magalit sakin si tita dahil sa akalang  ginugutom kita kaya ka nangangayayat." Pagkatapos nyang sabihin yon ay binigay nyang muli sa'kin ang food brochure kaya tinanggap ko naman kaagad ito."Order ka pa dyan ,damihan mo na tas order ka na rin for Stell ,Pablo and Ken." Sabi nya at ngumiti ng tipid.

Sinunod ko naman ang sinabi nya.
Nagdalawang isip pa ako dahil baka umabot ng libo ang ma-order ko pero okay lang naman daw sa kanya ,ang mahalaga ay mabusog ako.

Maya-maya'y dumating na ang mga order namin.Nakabalot na rin pala ang mga pagkain inorder ko para kila Pablo.

Nagsimula na rin kaming kumain ni Jaycee matapos tanggapin ang mga pagkain.

"Josh..." Pagtawag nya sa atensyon ko pero hindi ko sya nilingon.

Nagkunwari akong hindi sya narinig at nagpatuloy sa pagkain.

"Love uhmm ,pwede ka ba mamayang gabi? Punta ulit tayo doon sa place sa Baguio.Sa place kung saan mo 'ko sinagot." Napalingon naman ako sa kanya.

"S-sige." Maikling pagtugon ko.









Kakatapos lang naming kumain at palabas na kami ngayon ng restaurant.

"Daanan ko muna si Stell sa condo para mabigay ko 'to bago mo 'ko ihatid sa company." Sabi ko kay Jaycee at tumango naman sya.

Sumakay ako sa backseat at kita kong nagtaka si Jaycee sa kinilos ko pero hinayaan na lamang nya iyon.

Nagmaneho sya patungo sa building ng condo ko at walang nagsalita sa panig naming dalawa.

Nang makarating na sa condo ay bumaba na ako ng sasakyan ngunit si Jaycee ay nakatunganga lang.

"Love ,sasama ka or wait mo na lang ako dito?" Ako na ang nanguna dahil alam kong matigas din 'tong si Jaycee.Kung di ka gagalaw walang mangyayari.

"Hintayin na lang kita dito love." Sabi nya at ngumiti.

"Okay." Naglakad na ako patungo sa condo unit ko.

Nang makarating ay binuksan ko kaagad ang pinto at agad na bumungad sakin si Saoirse.

"Stell?" Tawag ko kay Stell ngunit walang sumasagot sa akin.Inilapag ko muna ang mga pagkain sa lamesa at tinawag muli si Stell.

"Stell? Nandito na 'ko ,iwan ko lang 'tong mga pagkaing binili namin ni Jaycee tas alis na 'ko ulit hah? Stell nandito ka ba?"

"Nandoon sya sa kwarto nya natutulog." Nagulat ako ng may magsalita malapit sa akin.

Nilingon ko ang aking likuran ngunit walang tao.Inilibot ko sa paligid ang mga mata ngunit wala naman talagang tao.Ea sino yung nagsalita?

"Meow." Ngaw-ngaw ni Saoirse habang hinihimas ang pisngi sa binti ko.

"Oh baby Surshing ko ,i miss you." Binuhat ko ang pusa at niyapos ng mahigpit."Alis na ulit si dada ah." Pagkausap ko rito.

"Meow." Tugon nito na wari mo'y alam ang sinasabi ko pero baka alam nya talaga.

"Oh i almost forgot , here's your food." Kinuha ko ang bowl nya at inilgay ang sari-saring gulay doon."Eat ka na hah? Bye baby." Sabi ko bago buksan ang pinto.

"Meow." Rinig kong ngaw-ngaw nya bago ko tuluyang isinirado ang pintuan.









"Josh ,sorry for interrupting you ah.I just want to ask you if okay ka lang? Kanina ka pa kasi nakatunganga sa laptop mo pero wala ka namang ginagawa?" Nawala ako sa pag-iisip ko at nilingon si Amber.

"Ay sorry ,may ipapahabol pa ba na papers si Sir Zhary? May pupuntahan pa kasi ako ea."

"Wala pa naman and kung meron message na lang kita.Mahalaga ba yang pupuntahan mo?"

"Ah kase first monthsary namin ngayon ni Jaycee.Actually nakapagcelebrate na kami kanina pero he want na pumunta pa kami sa Baguio para doon talaga mag— alam mo na ,mag-usap ng masinsinan." Sabi ko.

"Ah okay ,enjoy kayo and congrats." Sabi ni Amber at nginitian ako.

Kakatapos ko lang gawin ang huling essay paper ko at ipinasuyo ko na lamang ang pag susubmit nito kay Amber dahil tumawag na sakin si Jaycee na papunta na sya.

Dali-dali naman akong lumabas ng building at nagtungo sa parking area.Nang makarating ay nakarinig ako ng dalawang magkasunod na busina kaya agad ko itong nilingon at nakita ang sasakyan ni Jaycee.

Tumakbo ako palapit doon at binuksan ang pintuan sa kabila ng driverseat.Kita ko ang gulat sa mga mata ni Jaycee pero ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon at nginitian lang sya.









"Kamusta sa trabaho?" Paninimula ni Jaycee upang putulin ang katahimikan na kanina pang bumabalot sa aming dalawa.

"M-maayos naman.Medyo nahirapan lang sa ibang ipinagawa ni Sir pero keri pa naman." Maikling pagsalaysay ko.Nakita ko lamang syang tumango at itinuong maigi ang atensyon sa daan.

"Ikaw...kamusta ka?..l–love?" Nag-aalanganing tanong ko.

Nakita ko namang bahagya syang napangiti  bago sumagot.

"Maayos lang din naman.May mga bagay lang akong pinoproseso sa isipan ko.Ang gulo na masyado."

Pagkatapos nyang sabihin iyon ay nanatiling tahimik na ulit ang aming sinasakyan.Hanggang makarating kami sa aming patutunguhan ay wala pa ring nagsasalita.

Sabay kaming bumaba sa sasakyan at nagtungo sa may hardin kung saan ko sya sinagot noon.

Ipinikit ko ang aking mga mata at lumanghap ng sariwang hangin.Ganon na lang ang gulat ko ng yakapin ako ni Jaycee mula sa likuran at umiiyak sya.

"Josh....sorry." Bulong nya sa tenga ko.

Hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina ko pa ikinikimkim at sunod-sunod na itong umagos mula sa aking mga mata.

Jaycee bakit? Bakit ikaw pa?













__________________________________________
Hanggang dito na muna po. Hope you guys enjoy reading this story. See yah sa next update. Stay tuned!

OH MY! MEOW (Josh×Jah)Where stories live. Discover now