Chapter 15

97 4 2
                                    

I'm here at the coffee shop. Nakatunganga lang sa counter at napakalalim ng iniisip. Hindi pa naman open ang shop kaya wala pang mga costumer na aasikasuhin. Ako pa lang din pala ang tao dito. Si Stell at Pablo ay nasa pinakamain branch ,doon sila nag-aasikaso.

"Hello! Good morning! Bago ka lang dito?" May pumasok na isang babae at agad akong binati. Tinignan ko muna sya ng ilang segundo bago sumagot.

"Good morning din. And yes ,bagong salta lang." Sagot ko at sinuklian ang ngiti niya.

Nagsimula na siyang mag-ayos ng sarili habang ako tulala pa rin. Ewan ko ba ,hindi maalis sa isipan ko yung lalaking nakita ko sa cctv. Pamilyar na pamilyar talaga sya sakin. Parang nakita ko na sya dati.

"Uy beh ,kilos-kilos din pag may time. Magbubukas na tayo mamaya-maya." Agad naman akong tumayo at kinuha ang apron ko. "Ano nga pa lang hinabilin sayong gawain?" Tanong pa niya.

"Ako raw ang magdadala ng orders sa table."

"Ah sige ,Zyra nga pala." Pakilala niya at inabot sakin ang kamay niya.

"Josh ,nice to meet you."

"Dyan nagsimula lolo at lola ko." Singit ng jsang lalaki. Sinamaan lang siya ng tingin ni Zyra.

"Si Zion yan. Kapatid ko. Working student kagaya ko. Wala ea ,kapag hindi kami kumilos... hindi kami mabubuhay." Sabi ni Zyra.

"Hello bro! Nice to meest you. Dumadami na tayo rito ah ,naks naman." Nginitian ko na lamang siya dahil nagdadagsaan na ang mga costumer namin.

Order dito. Order doon. Nakakahilo at nakakalito pero mas maayos ang gantong trabaho kaysa magdamag na nakatutok sa computer.

Finally last order ngayong araw. Nakakapagod din pala 'to pero okay lang. Exercise na rin.

"Thank you po Ma'am ,Sir!" Sabi ko nang makalabas na ang huli naming costumer ngayong araw.

"Nice Josh ah. Bago ka pa lang pero grabe na pinamamalas mo." Bilib na sabi ni Zyra.

"Oo nga ,lucky charm ata natin 'tong si Josh. Akalain mo yon? Ngayon lang tayo nagkaron ng ganong kadaming costumer." Manghang sabi ni Zion.

"Magkapatid nga talaga kayo 'no?" Napatingin naman sila sakin. "Parehas kayong mahilig mambola." Sabay-sabay naman kaming natawa.

"Ang korni mo po." Sabi ni Zyra habang nagsisimula ng magligpit ng gamit.

Nag-aayos na rin ako ng sakin at pinagtulungan naming linisin ang buong shop. Nang matapos na sabay-sabay na kaming umuwi. Nagcomute na lang ako at nakakahiya naman kung magpapasundo pa ako kila Stell.

Nakauwi na ako sa bahay at si Justin ang agad na sumalubong sa akin. Nakaanyong tao siya ngayon.

"Nandyan ka na pala. Good afternoon! Nagluto na ako ng ulam." Bungad niya.

"Omg! Marunong ka? Patikim nga." Binaba ko agad ang mga gamit ko at excited na lumapit sa kanya.

Kumuha lamang siya ng kutsara at naglagay ng unting sabaw dito. Inihipan niya muna ito saglit tsaka isinubo sakin. "Sinigang ,my favorite!" Napakunot naman ang noo niya. "Bakit? May masama ba sa nasabi ko?" Itinaas at ipinakita niya sakin ang extra phone ko. He's watching a video tutorial on how to cook Tinola pala.

"Tinola kasi Josh ,Tinola!" Nilapag niya ng padabog yung phone sa lamesa at tumakbo patungo sa sofa.

"Malay ko ba? Ea ang asim." Bulong ko sa sarili.

Nagsimula na akong maghanda ng kakainin ko. Inaya ko na rin siya pero mukhang nagtampo ng lubusan. Ayaw ako sabayan kaya kumain na lang ako mag-isa. Pagkatapos kumain ay nagpahinga na ako.



"Josh ,may tumatawag sa phone mo." Sigaw ni Justin mula sa sala. I'm here kasi sa kwarto , currently watching something on my laptop.

Agad akong tumayo upang kunin ang phone ko sa mini table sa sala. It's Dra. Aimee pala. I answered the call.

"Hello po Dra. Aimee ,ano na pong balita sa condition ko?" Bungad ko.

"Bad news Sir Josh. There's a possibility na mawalan ka ng paningin. Kumalat na yung virus sa utak mo. Kaya pala lagi ka ng nakakaramdam ng pagkahilo at minsang paglabo ng mata. Para maiwasang lumala yan ay need mo mag under go ng surgery na kung saan need mo ng mata na ipapalit sa mga mata mo." Sunod-sunod na sabi ni Doc.

Hindi ko na namalayan ang mga luhang tumutulo sa mata ko. "Okay po Doc. Thank you for informing me." I ended the call na at agad na pumasok sa kwarto ko. Nilock ko ito at tsaka umiyak ng pagkalakas-lakas. Ni hindi pa nga ako tapos sa pag-aasikaso sa case ni papa. Sila mama? Hindi naman ako mayaman para mapagsabay-sabay ang mga gastusing 'yon. Ano ng uunahin ko?

There's someone calling na naman. Si Chief.

"Hello Chief. May balita na po ba about sa guy? Natukoy nyo na kung sino?" Agad kong tanong.

"Yes po. Natukoy na namin kung sino ang lalaking nakita sa cctv at inaasahan namin na makakapunta ka dito bukas upang malaman mo na rin ang lahat ng natuklasan namin." Agad ko namang binaba ang tawag matapos magpasalamat.

Finally pa. Malapit na tayo sa katotohanan. Mabibigyan ka na ng hustisya.

















OH MY! MEOW (Josh×Jah)Where stories live. Discover now