Chapter 16

119 6 4
                                    

I'm currently preparing myself kasi later ay pupunta na ako sa office ni Chief para makita at malaman na rin kung sino yung guy na nakita sa cctv. Nag-iwan na rin ako ng ilang habilin kay Justin bago ako tuluyang umalis ng bahay.


I decided na magcomute na rin kasi I have no choice. Busy ang mga kaibigan ko para ihatid pa ako sa police station. Malapit lang din naman kaya ayos lang.


Habang nasa tricycle ay kung anu-anong bagay ang pumapasok sa aking isipan. Mabibigyan na ng hustisya ang pagkamatay ni papa. Matatapos na rin ang lahat ng 'to pero paano ako? Paano na lang kapag hindi ko nasulusyunan 'tong kondisyon ko? Paano na sila mama at ate? Paano na yung gastusi sa bahay? Hindi ko na alam ang uunahin. Litong-lito na ako. Bakit ko pa ba kasi kailangang maranasan ang lahat ng 'to? Wala naman akong balat sa pwet pero grabeng kamalasan ang ibinabato sa buhay ko.

"Sir ,dito na po tayo." Nabalik ako sa wisyo nang magsalita ang driver. Agad akong nagbayad at bumaba na.

Ilang minuto pa akong tumayo sa harap ng estasyon bago ko mapagdesisyonang pumasok. Pagkapasok ay sakto namang kakalabas lang ni Chief sa opisina niya kaya agad ko na siyang sinenyasan at sinamahan niya na ako patungo sa loob.

May mga pinanood siyang clips sakin. Ilang bagong cctv footage nung naaksidente si papa. Nakita ko na naman yung lalaki.

"Ano pong pangalan nung lalaki? Sino po siya? May chance ba na maipakulong siya?" Sunod-sunod at taranta kong tanong.

"Depende pa yon sa kung mahahanap natin yang lalaking yan dahil bali-balita na nawawala siya at pati ang pamilya niya ay hindi alam kung saan siya napadpad." Tumingin muna si chief saglit sakin bago.." Ang lalaki po na nakabanggaan ng tatay mo ay si Sir—". Hindi ko na narinig ang sumunod niyang sinabi dahil bigla na lamang akong nahimatay.





"Josh?" Rinig kong pamilyar na tinig. Si Stell.

Napamulat naman agad ako at nagmadaling bumangon ng bigla na naman akong nahilo.

"Hindi ka pa okay ,okay? Magpahinga ka na lang muna at sabi ng doctor mo ay grabe ang pagkastress mo nitong mga nakaraang araw." Ani ni Stell.

Humiga na lamang ulit ako at nagmuni-muni nang biglang sumagi sa aking isipan ang napag-usapan namin ni Chief.

"Stell. Bakit ako nandito? Sino nagdala sakin dito?" Tanong ko.

"Nahimatay ka kanina habang nag-uusap kayo nung chief na may hawak sa kaso ng papa mo. Buti nga ay kakilala ko yon kaya naman tinawagan niya ako para ako na mismo ang magdala sayo dito." Kwento niya. "Alam mo Josh ,may something sayo. Lagi ka na lang nahihilo nitong mga nakaraang araw. Buntis ka ba ha?" Pabiro niyang tanong.

"Loko ka talaga. Ni wala nga akong mattress. Stress lang siguro 'to. Daming abalahin sa buhay." Natawa na lang ang loko.


Hindi na kami nagtagal pa sa hospital. Pinilit ko pa si Stell na sumaglit kami sa presinto dahil hindi nasabi sakin ni Chief yung lalaking nakabanggaan ni papa. Hindi na talaga ako mapalagay pero wala nagtagumpay si Stell. Umuwi na raw muna kami at tsaka na lamang alamin lahat. Need ko na rin makapagpahinga.


Pagkarating namin sa tapat ng bahay ay inalalayan niya ako hanggang sa makapasok ako sa loob. Hindi na rin siya nagstay dahil kailangan pa siya ni Pablo sa shop.

Inilapag ko na muna ang mga gamit ko tsaka naghanda ng makakain. Ang tahimik ng buong bahay. Umalis ba si Justin?

"Justin?" Sigaw ko habang nagsasandok na ng kanin. Agad naman akong nakarinig ng kalabog kaya agad akong tumakbo kung saan ko narinig 'yon.

"Tantanan mo na ako parang awa mo na. Hindi ko naman sinasadya lahat ng nangyari. Natakot lang ako!" Sigaw niya habang umiiyak. Tinignan ko siya at para bang may nakikita siya na hindi ko nakikita. "Tantanan mo na ako please ,ayoko na."

Lumapit na ako sa kanya at agad siyang niyakap. "Justin." Bulong ko at agad naman siyang kumalma.

Sa tagal na ni Justin dito ay ngayon lamang siya nagkaron ng gantong behavior. Nagha hallucinate ba siya? Anong nangyayari sa kanya at sino ang gumagambala sa isipan niya?

I'm here at the kitchen. Eating my dinner habang nakatingin kay Justin. Tulala pa rin siya until now. Hindi rin maipinta ang itsura niya. Kanina ko pa siya inaayang kumain pero parang wala siyang naririnig. Balisang-balisa siya.

Anong nangyayari sayo Jah? Bakit ka nagkakaganyan?

Someone's calling. It's Chief.

"Hello Chief ,bakit po kayo napatawag?" Agad na bungad ko.

"Sasabihin ko na lang sayo lahat sa call na 'to at baka kung ano pa ang mangyari sayo kung sakaling bumalik ka pa dito. Para narin matahimik ka na." Aniya.

"Sige po." Pagsang-ayon ko.

"Ang lalaking nakita natin sa cctv ay isa sa mga anak ng pinakatanyag na CEO na si Mrs. Gemma De Dios. Si Sir Justin Jace De Dios."

Nabitawan ko ang phone ko dahil sa gulat sa aking narinig. Si Justin? Bakit?
























OH MY! MEOW (Josh×Jah)Where stories live. Discover now