Chapter 7

222 9 2
                                    

Pagkalabas ng kwarto ay agad akong dumiretso sa sala.Napalingon naman sakin yung apat na masayang nagkikwentuhan dito.

"Bakit ganyan kayo makatingin sakin? May dumi ba sa mukha ko?" Tanong ko sa kanila pero umiling lang sila.

"Alam mo Josh ,parang gumwapo ka." Sabi ni Xi-anne.

"Ah so dati hindi? Sige sabi mo ea." Sabi ko at ibinaling ang atensyon kay Saoirse.

"Hoy hindi kasi.I mean ano ,parang mas pomogi ka tas ang glowing ng beauty mo now." Sabi nya sa maarteng tono.

"Ewan ko sayo." Sabi ko't inirapan sya."Nga pala how's Saoirse dito?" Tanong ko.

"Maayos naman sya dito.Minsan nakikipaglaro at kulitan sya kayla Kuro,Peachy at Caspian.Minsan naman nasa sulok lang sya.Ayaw nyang kumain kahit yung mga foods na hinanda ko is yung mga binilin mo.Then kahapon nga pala tinakasan ako nyan." Kwento nya.

"Huh? What do you mean na tinakasan ka ni Saoirse?"

"Habang inaayusan ko sya bigla na lang syang tumakbo at tumalon sa bintana.Pinag-alala ako ng pusa mong yan akala ko ginawa ng pulutan sa kanto ,gabi na nakabalik ea." Napatingin naman ako kay Saoirse.

"Bakit ka naman umalis Saoirse? Pano na lang kung may masasamang-tao ang dumukot sayo? Edi mawawalan na ako ng baby nyan?" Nagulat ako ng tumingala sya at inabot ang mukha ko.

"Meow." Batid ko sa mukha nya na malungkot sya.

"Yare ka dre pinapaiyak mo yung pusa." Sabi ni Ken kaya sinamaan ko sya ng tingin.

Segundo lang ang lumipas ay may narinig kaming ringtone sa isang telepono na alam kong sa akin nanggagaling.Inilatag ko muna si Saoirse sa baba at kinuha ang phone ko.

Si Athena.

"Ah guys ,excuse lang ah." Sabi ko at nagtungo sa tapat ng pinto.

"Hi Josh." Masiglang bati nya sa kabilang linya.

"Hello ,bakit ka napatawag?" Bakit ka biglaang tumawag?

"Josh ,can i ask you a favor?" Halata sa boses nyang kinakabahan sya.

"What is it?" Takang tanong ko.Anong favor ba hinihiling nito?

"Just said yes or no lang please." Sabi nya in a baby voice.Hayss i miss baby talking with her.

"How can i say yes or no if walang akong alam sa favor na hinihiling mo? Just tell me kung ano ba? Para mapagdesis—" Hindi na nya ako pinatapos at nagsalita na.

"It's my wedding day sa December 3 and i want you to come.You can invite your friends if you want.Just please come.Ikaw yung special guest ko don and now na wala na si daddy ,i want you na samahan si mommy na ihatid ako sa alt—" Sa dinami-daming tao sa buhay mo ,bakit ako pa? Gusto mo ba talaga akong saktan ng harap-harapan?

"Why me? You can invite your tito or ninong naman ah kaya bakit ako?" Medyo napataas na rin ang boses ko.Bakit kasi ako?

"Cause you're very special to me Josh.You're the one na nagparamdam saking I'm more than enough.You teach me how to love ,tinuruan mo kong bumangon kapag nadadapa ako.You helped me to reach my dreams.Josh I'm so sorry kung nagawa kitang lokohin"rinig ko ang mga munting hikbi nya mula sa kabilang linya"Pasensya na kung nagkulang ako at hindi ko lubos na naiparamdam sayong mahal na mahal kita.Josh i love you pero ayaw kong suwayin ang mga magulang ko" Tuluyan na nga syang umiyak.

"So you're in a fixed marriage?"

"Oo Josh.Plinano nila mama lahat.Yung paghiwalayin tayo at itong kasal ko.Sinubukan ko silang pigilan pero wala ,wala akong nagawa.Alam kong alam mo na una pa lang ayaw na nila sayo pero pinaglaban kita kasi mahal kita.Ang tingin kasi nila sayo ,peperahan mo lang ako pero doon sila nagkakamali kasi parang ako pa yung masyadong nanggigipit sayo.I'm sorry Josh ,hindi ko naman talagang intensyong saktan ka ea." Hindi ko alam.Hindi ko alam na sa kabila ng mga ngiti mo may nakatago na  pa lang lungkot.Ganon ba ako kamanhid pagdating sayo Athena?

OH MY! MEOW (Josh×Jah)Where stories live. Discover now