Chapter 11

237 16 4
                                    

Flashback

"Josh sure ka bang hindi ka na sasama sa outing next weekend?" Tanong ni Amber.

"Hindi na muna siguro ,marami pang paperworks na tatapusin ih." Sagot ko habang inililigpit ang mga gamit ko.

"Sure ka?" Pagtatanong nyang muli.

"Opo ,sure na po..atsaka marami pa namang next time." Sabi ko't ngumiti.

"Weh di nga?Totoo? Sure na sure ka na?" Pangungulit nya.

"Yes po Madam Amber."

"Hindi na magbabago isip mo?" Binigyan nya naman ako ng nakakalokong ngiti ng sabihin iyon.

"Ang kulit naman talaga ,sure n—" Napahinto ako ng marinig ang boses ng boss ko.

"Kung ayaw Amber ,wag mo ng pilitin.Josh don't forget to rest kahit na natambak ung ilang papers mo hmm?" Sabi nito at ibinaling ang atensyon sakin.

"Opo sir ,sige po mauna na 'ko.Amber! Bye ,sir bye.Ingat po kayo." Sabi ko at binuhat na ang bag ko.

"Bye Josh ,take care."– Sir Zhary

"Ingat Joshiee."– Amber

Lumabas na ako ng opisina ko at dumiretso sa may parking lot.Hindi ko na inasahang si Jaycee ang susundo sa akin ngayon dahil alam kong busy sya at kakamessage nya lang sa'kin kanina na may meeting pa sa company nila.Kaya ngayon si Ken ang susundo sa'kin.

Hinanap ko sa parking lot ang sasakyan ni Ken at nang makita ay agad akong lumapit doon at kinatok ang bintana ng sasakyan.Dahan-dahan naman itong bumaba.

"Hey ,stop knocking at the mirror of my car ,baka mamaya magkascratch yan hayss.Kung magpapa autogra—" Hindi na nya tinuloy ang sasabihin nang kinutusan ko sya."Ouch ,it hurts." Napairap na lamang ako sa kalokohan nya.

"Puro ka kalokohan dyan ,ea kung papasukin mo na lang ako at nang makaalis na tayo?" Pakunwaring panenermon ko sa kanya.

"Ay sorry po Madam Josh ,ito na po." Inunlock na nya ang pintuan kaya binuksan ko na ito't pumasok."Saan po ta—".

"Aba'y isa na lang Suson at iihawin na kita." Napatigil naman sya at nagmaneho na lang."Diretso na muna tayo sa karenderya malapit dito ,di pa kasi ako nanananghalian."

"Pake ko?" Sinamaan ko naman sya ng tingin."Joke lang po hehe ito na , actually ako rin po hindi pa nanananghalian.Man—"

"Pake ko rin?" Sabi ko't itinuon ang tingin sa labas ng sasakyan.

"Kasungit mo naman po Madam Josh ,may dala—"

"Suson!" Napatahimik naman sya at nagpeace sign.

Dumeretso kami sa kainan na sinasabi ko at saglit na kumain doon bago umuwing tuluyan sa condo.

-----------

"Ken , mauna na 'ko.Ingat sa pagmamaneho." Sabi ko ng makababa na sa sasakyan nya.

"Sige ,ikaw din." Sabi nya pabalik at nagsimula ng magmaneho paalis.

Ako nama'y nag-ayos na ng aking gamit dahil inaasahang nasa condo ngayon si Pablo dahil tinawagan ko sya kanina upang magpatulong sana sa pagdedecorate ng condo ko para sa nalalapit na monthsary namin ni Jaycee.

Dali-dali akong naglakad patungong condo at nang makalapit ako ay may narinig akong parang nagsisigawan.Pinakinggan ko itong mabuti tsaka napagtantanto na si Pablo ang isa sa nambubulyaw kasama si Stell ,pero sino naman ang pinapagalitan nila?

"Alam mo Jaycee ,kung talagang mahal mo si Josh magagawa mo syang maipagtanggol.Bakit ka nagpapatalo dyan sa papa mo hah?Wala syang ginawang iba kundi kontrolin ang buhay mo." Rinig kong medyo mahinang sigaw ni Pablo.

"Pablo...." Naiiyak na sambit ni Jaycee."Mahal na mahal ko si Josh.Alam kong alam mo yan pero..." Pagpapatuloy nya.

"Pero? Pero ano?Takot kang ikahiya ng papa mo? Takot kang itakwil ng pamilya mo?" –Pablo.

"Hindi naman sa ganon Pablo ,pero kilala mo naman si papa diba?"

"Oo ,kilalang-kilala ko ang papa mo.Sya yung tipo ng ama na walang awa ,walang pakealam sa desisyon at nararamdaman ng sarili nyang anak.Gusto nya na sya lagi ang sinusunod.Tapos ngayon malalaman pa namin na sa dating girlfriend ka ni Josh ikakasal? Dobleng sakit yun Jaycee lalo na't inimbita sya mismo ni Athena sa kasal nyo...na hindi man lang nalalaman na ikaw ang papakasalan ni Athena." Tuloy-tuloy na sabi ni Pablo.

Pagkatapos non ay wala ng nagsalitang muli.

Nagpalipas muna ako ng ilang minuto sa labas upang punasan ang mga luha ko bago pumasok.Gulat naman na mga mukha nila ang bumungad sakin.

"Good afternoon,naglunch na kayo?" Masiglang bati at tanong ko ngunit walang sumagot kaya naman tumango lang ako."Ahhh Stell?" Pagtawag ko sa atensyon ni Stell na kasalukuyang nakatungo.

"Hmm? Bakit Josh?" Tanong nya ng hindi tumitingin ng diretsyo sa mga mata ko.

"Ahh iwan ko lang 'tong mga pinamili ko dito.Alis din ako agad" Paalam ko bago pumasok ng kwarto ko at nagbihis.

Lumabas ako ng condo ng walang pinapansin na niisa sa kanila.

Naglakad ako patungo sa maliit na parke malapit sa building ng condo ko at umupo sa isang bench na malapit sa may fond.

Bakit ngayon ko lang nalaman 'to? Wala ka bang balak na sabihin sakin lahat Jaycee? Wala ka bang tiwala sakin? Sa tingin mo ba isusuko kita ng basta-basta?

Diba noon pa lang sinabi ko na sayo'ng hindi ako agad-agad na susuko basta't alam kong may kasama akong lumaban. Pareho lang pala kayo ni Athena ea.Nagpapacontrol sa magulang.

Malalaki na kayo ,dapat alam nyo na yung needs nyo ,mga bagay na nais nyo at iba pa.Hindi na dapat magulang ang magdedesisyon sa inyo para sa pansarili nyong kaligayahan."hindi na natigil ang pagtulo ng mga luha ko sa aking mga mata habang binibitawan ang lahat ng salitang iyon.

Nagulat ako ng may kamay na sumulpot sa harap ko at may dala itong panyo.Dahan-dahan ko namang iniangat ang aking ulo at nakitang si Justin ang nasa harapan ko.

Binigyan nya ako ng tingin na para bang iniaalok nya sakin ang panyo at agad ko naman itong tinanggap.

"Salamat." Sabi ko at pinunasan ang mukha kong nanglalagkit na dahil sa luha.

"Walang anuman ,maliit na bagay." Sabi nya't tumawa pa ng mahina."Bakit ka naman naiyak dyan? Naalala mo na naman ex mo?"tanong nya pa.

"Ah h-hindi ,napuwi—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ng magsalita sya.

"Ay sus lumang style na po yang puwing-puwing na 'yan." Makwelang sabi nya.

"Ay luma na ba? Di ako updated." Sabi ko na ikinangiti't tawa nya."Bakit ka tumatawa?".

"Wala lang ,bakit masama ba?" Tanong nya na diretsang nakatuon ang tingin sa mga mata ko.

"Hindi naman ,nakakapagtaka lang.Kasi wala naman akong sinabi na nakakatawa?"

"Sadyang mababaw lang talaga kaligayahan ko.....tapos ngayon kaharap ko pa ung kaligayahan ko." Tumango na lamang ako sa sinabi nya.

Lumipas ang mga oras at nagkwentuhan lang kami ni Jah dito sa may parke. Yes Jah ,Jah na ang itatawag ko sa kanya mula ngayon.

"Josh?" Inialis ko ang atensyon sa araw na papalubog na at ibinaling sa kanya.

"Hmmm?" Maikling pagsagot ko.

"What time is it na?" Tanong nya kaya kinuha ko ang phone at tinignan ang oras.

"5:59 na ba—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ng dampian nya ako ng halik sa labi at tumakbo na paalis.

"Mauna na ako ,hanggang sa muli Josh." Rinig kong sigaw nya bago sya mawala sa paningin ko.

Hindi ko na alam ang mararamdaman ko sa araw na 'to.

End of Flashback.

















OH MY! MEOW (Josh×Jah)Where stories live. Discover now