Chapter 5

259 17 2
                                    

It's been a months nang magsimula si Jaycee na ligawan ako and now na last day na namin dito sa Baguio ay nagplano ako na sasagutin ko na sya.I want this day to be memorable for the both of us.

He deserves it naman.Napakabait at gentleman nya.Napakapursigido nya sa paghihintay sa oo ko and ngayon ibibigay ko na yon sa kanya.

"Josh ,bakit tayo nandito?" Gabi na at dinala ko si Jaycee dito sa hardin na lagi naming pinupuntahan.

Ngumiti lang ako sa kanya at binigyan nya naman ako ng nagtatakang tingin.Napailing sya at tumingin sa langit kaya ganon rin ang ginawa ko.

"Napakaganda ng langit ,napakaraming bituin.Atsaka yung buwan oh,grabeee ang liwanag sobra." Sambit ko habang nakatingin lang sa itaas.

"Oo nga ang ganda." Napatingin naman ako kay Jaycee nang magsalita sya at nahuli kong nakatitig na sya sakin.

"Hoy doon oh." Itinuro ko ang langit"Sa taas hindi sa a-"napatigil ako sa pagsasalita ng may biglang may maliwanag na batong nahuhulog mula sa langit.

"Hoy Jaycee may shooting star." Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at nakita ko syang nakapikit.Nagwiwish ata"Anong winish mo?"napamulat naman sya.

Ibinalik nya ang tingin nya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko.

"Lahat naman na ata nasa akin.Isa na lang ang hinihiling ko Josh at iyon ay ang matawag na kitang akin." Itinago ko ang aking mukha ng bahagya akong napangiti.

"Ahhh Jaycee may f-favor a-ako." Hala beh bat ka nauutal? Stay calm ka lang.

"What is it?" Tanong nya at mas lalo namang humigpit ang hawak ko sa kamay nya.

Ready na ba ako?Kaya ko bang harapin ang mga panunukso ng ibang tao kapag nalaman nilang I'm in a relationship with a man?Matatanggap ba nila mama?nila tita?No! Josh nandito ka na ea ,uurong ka pa ba?

"Uhmmm ahh ehh J-Jaycee , p-pwede—" Oh shit ,how?

"Okay lang naman Josh kung sa ibang araw mo na lang sabihin yan ,it looks like you can't say it pa ea."

"NO!!!" Hala beh bat naninigaw? Arghh paano ba?

Nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha ni Jaycee.

"Sorry I didn't mean to yell at you Jaycee, Sorry."

"Ano ka ba Josh ,ayos lang yon." He chuckled"Ano ba kase yang sasabihin mo at ayaw mong ipagpaliban muna?"

"Sinasagot na kita J-Jaycee " Oh shit finally nasabi ko na.

"Talaga?!" Di makapaniwala nyang ani.

"Oo ,baka gusto mo bawiin ko pa?."

"No ,no ,so tayo na?" Tumango lang ako at ngumiti.

"Yes! Thank you Lord! Kami na ni Josh! Jowa ko na si Josh! Boyfriend na 'ko ni Josh!" Sigaw nya at nagtatalon dito na parang baliw hahaha.

"Hoy tumigil ka nga kasisigaw dyan ,gab— " Hindi ko na natuloy ang sasabihin ng bigla nya akong buhatin.

"Hoy ibaba mo 'ko" Paulit-ulit na sabi ko pero mas lalo lang nyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

Maya-maya'y dahan-dahan nya rin akong ibinaba at naupo sya sa may damuhan.Napagod ka 'no?

Tumabi ako sa kanya at sumandal sa balikat nya and Silence.

"Babalik na pala tayong Manila bukas.Nakapaghanda ka na ba ng mga gamit mo?" Tanong ko upang putulin ang katahimikang bumabalot sa aming dalawa.

"Hindi pa." Maikli nyang sagot.

Inaya ko na syang umuwi pagkatapos non.Maaga ang alis namin bukas kaya tutulungan ko na lang syang magligpit para maaga kaming makatulog.


OH MY! MEOW (Josh×Jah)Where stories live. Discover now