Chapter 14

280 12 2
                                    

"Happy Birthday Sir Yani!" Tinig na bumungad sa amin ni Jah and yeah gaya ng napag-usapan ay anyong pusa muna sya pansamantagal ngayong araw.

"Happy Birthday Sir Julian ,how old are you na po?" Pabirong ani nung babaeng nasa gilid namin.

"Amm I'm finally turning 30 now." Sir Yani calmly answers.

Before that short convo with the girl ay umalis na ito at nabaling naman sakin ang atensyon ni Sir Julian.

"Oh Josh right? Mr. Zhary's secretary?" Pagtatanong nya.

"Ah yes po and happy birthday po. Thank you for inviting us here at sa pagpayag na dalhin ko 'tong alaga ko." Napatingin naman sya kay Saoirse ahhh..i mean Justin.

"Oh! Hello there kitty." Agad naman na iniagat ni Justin ang ulo nya at tinitigan si Sir Julian.
"Ang cute ,is it a boy or girl?" Tanong nya bago hiramin sakin si Justin at buhatin ito sa braso nya.

"Looks like a girl but it's a boy po Sir."

"Pwedeng sakin na muna sya? I miss petting cats na kase ,huling alaga ko sa pusa ay noong nandirito pa ang little brother ko." Pagpapaalam nya na agad kong sinang-ayunan bago ako umalis sa harap nila at naghanap ng mauupuan.

Habang naghahanap ng pwesto ay nakasalubong ko si Sir Zhary with a girl na napakaelegante ng pormahan.

"Hi sir , good morning!" Bati ko sa kanya at idinamay ko na rin ang kasama nya.

"Good morning Josh. Am this is Celine ,sya ang papalit sayo bilang secretary ko." He said bago ako nakipagkamay kay Ma'am Celine.

"Nice to meet you po Ma'am. Mabuti naman sir at nakahanap kayo agad ng papalit sakin. Edi bukas na bukas po ay mag-iimpake na ako ng mga gamit ko."

"Ano ng magiging trabaho mo nyan?"

"May coffee shop na pinagtatrabahuan ang kaibigan ko Sir. Magpapasama ako sa kanyang mag-apply doon. Sabi kasi ng doctor ko mas okay na mas kalmado at hindi nakakapagod ang maging trabaho ko." Kwento ko.

"Hays sayang talaga't di ka na magtatagal sa kumpanya. Sigurado akong mamimiss ka ng mga officemates mo lalo na si Amber at... ako." He said na medyo mahina na ang panghuling salita kaya d ko na ito narinig.

Magsasalita pa sana ako pero may biglang nagplay na pagkalakas-lakas na music at sumunod na dito ang malalakas na hiyawan ng mga tao. Di ko na mawari kung birthday party ba ang pinuntahan ko o concert.

_


"Kamusta? Naenjoy mo bang makasama ang kuya at mga magulang mo?" Pagtatanong ko kay Justin.

Nakauwi na kami sa condo at kasalukuyang nag-aayos para sa pagdating ni Stell ay wala na itong asikasuhin pa.

"Hindi masyado kasi panay lang naman paghimas ang ginagawa nya sakin at wala ako sa lugar para tawagin ang pangalan nya ,ni mama at papa. Namimiss ko na ang pamilya ko. Gusto ko ng bumalik samin Josh."

"Wag ka mag-alala Jah ah ,handa akong tulungan ka ,maiayos lang lahat ng 'to."

"Thank you Josh. Alam mo ang lucky ko talaga na sa dami ng tao dito sa mundo sayo ako ibinigay nung old lady." Pangbobola pa nito.

"Nambola na naman. Ay naku! Maglinis ka na dyan para makatulog na tayo mister. Maaga pa ako bukas sa kumpanya at maghahakot na ako ng gamit."

" Hahaha opo. Sige po. Ito na po ,master."

Makalipas lang ang ilang minuto ay natapos na kami at nag-ayos narin kami ng aming mga sarili bago matulog.

"Goodnight Josh." Mahinang sabi nya.

"Goodnight din Jah."













"Uy Josh sigurado ka ba talagang iiwan mo na kami?" Pagtatanong ni Amber. Mula ng dumating ako dito sa kumpanya  ay panay ang pagbuntot at pangungulit nya sakin.

"Yes ,Amber. Para sa kalusugan ko 'to. Para mabawasan din ang isipin nila mama." Pagsagot ko sa tanong na kanina pa nya pinapaulit-ulit na sabihin.

"Malapit lang ba dito ang workplace mo? Dadalaw ako minsan."

"Medyo malayo ea."

"Hayy mamimiss kita. Namin."

"Mamimiss rin kita. Kayong lahat. Salamat sa pangalawang pamilya. Mahal na mahal ko kayong lahat! Group hug?" Nagtinginan naman ang iba pang katrabaho ko bago isa-isang lumapit sa'kin.

"GROUP HUUUUG!" Sabay-sabay nilang sabi.

"Uy uy ano yan? Di kayo nangsasali ah. Sama nga ako." Sabi ni Sir Zhary bago sumama sa amin.

Pagkatapos ng mahihigpit na yakapan ay nagpaalam na ako sa kanilang lahat bago lumabas ng kumpanya.









5 days...

"Hello Stell? Andito na ako sa may waiting area na sinasabi nyo. Asan na kayo?" Tanong ko kay Stell sa kabilang linya.

"Malapit na kami. Wag ka maiinip ah." Pabirong sabi nya.

"Oh sige. Mag-iingat kayo." Sabi ko bago ibaba ang tawag.

Habang naghihintay ay nabaling ang atensyon ko sa batang lalaki na naglalakad kasama ang ama nito. Umupo silang pareho malapit sa puwesto ko.

"Tatay ,uwi na po tayo?" Tanong nung bata sa ama nya.

"Oo nak ,hihintayin lang natin ang nanay mo ah? Hayaan mo malapit na iyong dumating." Sabi ng ama nito at ngumiti.

Maya-maya naman ay may dumating na babae at tumabi doon sa mag-ama. Ayon na siguro yung inaantay nila.

"Mama!!! Namiss po kita. Wag ka na po aalis ah?!" Maligalig na sabi nung bata bago yumakap ng mahigpit sa ina nito. Sumali naman sa pagyakap iyong ama ng bata at pagkatapos non ay sumakay na sila sa jeep na napahinto sa tapat namin.

"Pano kaya kung di agad nawala si papa?" Bulong na tanong ko sa sarili.

"Papa ,papabili ako non oh!" Sigaw ko ng makakita ako ng lobo dito sa parke.

"Ay anak ,tsaka na ah. Wala pang pera si papa ea. Sakto lang sa pagpapaaral sa inyo ng mga kapatid mo." Sabi ni papa kaya medyo nalungkot ako.

"Ay ganun po ba? Sige po ayos lang." Sabi ko at ngumiti.

"Hoy Len! Tignan mo oh. Binilhan ako ni mama ng cotton candy ,ikaw wala blehh." Pang-aasar ni ate Ashi  kaya naman napatingin ako kay mama.

"Oh ito Len , sayo na yan. Ikaw Ashi ,wag mo ngang asarin ang kapatid mo." Sabi nito.

"Oh sya tara na sa ating magarang sasakyan!" Pabirong sabi ni papa.

Nag-unahan namin kami ni ate Ashi patungo sa maliit naming jeep bago sumunod sila mama. Masaya ang byahe pauwi.Nagkantahan at nagkuwentuhan kami ni ate habang nasa byahe at si mama at papa naman ay nakikitawa lang sa amin. Sobrang saya ko na sa wakas ay nakumpleto kaming muli.

Matagal na nawalay si mama at ate sa amin ni papa dahil sa Manila nagtatrabaho si mama at doon nya isinama si ate para tulungan sya. Habang ako ay naiwan sa probinsya namin upang tulungan si papa sa pagsasaka at pag-aalaga ng mga hayop sa maliit naming farm.

Masaya ang pamilya ko noon. Simple lang at walang kaprobleproblema. Pero nagbago ang lahat noong mawala si papa.

"Hoy Josh! Bakit ka tulala dyan? Kanina ka pa namin tinatawag." Nabalik ako sa wisyo ng marinig ang boses ni Stell.

"S-sorry. Kanina pa kayo dyan?"

"Oo kanina pa kami bumub— teka umiiyak ka ba uy?"

"Tara na. Puwing lang 'to." Sabi ko bago sumakay sa sasakyan nila.

Hindi ako makakapayag na hindi pagbayaran ng taong nakabangga sa sasakyan ni papa lahat ng 'to. Dahil sa kanya at sa kaduwagan nya ,nawalan ako ng ama ,kami ng mga kapatid ko. Hindi sya makakalagpas sa kasalanang tinakasan nya. Hindi rin ako tatanggap ng sagot na hindi nya iyon sinasadya dahil kung totoong nakokonsensya sya ay tutulungan nya si papa.

Sa korte ang tungo nya kapag nakaharap ko sya.















OH MY! MEOW (Josh×Jah)Where stories live. Discover now