Chapter 6

227 8 0
                                    

"Stell?" Nakakailang katok na ako sa pintuan ng kwarto ni Stell pero walang nagbubukas dito.

Dali-daling tumakbo ako papuntang kwarto ko para kunin yung spare key ng kwarto ni Stell.

"Gotcha." Kumaripas muli ako ng takbo pabalik pero nasilayan ko lamang ang bukas na pinto at bagong ligong si Stell.

"Oh anyare sayo?" Sinuri nya pa ang buong mukha ko bago magsalitang muli."Bakit parang aligaga ka dyan?" Napabuntong hininga na lamang ako at nagtungo na ulit sa kwarto.

"Hoy teka ,kinakausap pa kita Josh." Nagulat naman ako ng biglang may nagsalita sa likod ko.Sinundan pala ako.

Dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran.

"W-wala yon Stell ,ano lang.Akala ko ano kase antagal mo magbukas ng pinto.Nag-aalala lang ako na baka gawin mo ulit yung da—" Tinakpan nya ang bibig ko at nag "shhh" sign.

"Ito ang tatandaan mo Josh hah? Yung nangyari at ginawa ko noon ay hinding-hindi na mauulit.Ayaw ko namang mawalan ng poging kaibigan tong bestfriend ko 'no?hahaha lika nga dito." Inihanda nya ang dalawang braso para sa isang yakap.Mahigpit na mahigpit na yakap.

Nang kumawala na kami sa isa't isa ay tinanong ko agad sya kung pwede ba nya akong samahan patungo kayla Xi-anne para sunduin si Saoirse.

"Uhmm sige sasamahan kita.Wala naman rin akong schedule ngayon sa pinapasukan ko." Sabi nya at ngumiti."Oh sya sige ,maligo ka na at magluluto pa ako ng umagahan natin." Dagdag nya bago ako tuluyang iwan sa tapat ng kwarto ko.

Pagkapasok sa kwarto ko ay para bang may isang bagay na nahagip ang mga mata ko sa ilalim ng drawer ko.

"Sketchbook?" Kinuha ko ito at tinitigan"May binili ba akong ganto?Parang wala naman.Hindi rin naman kasi ako marunong gumuhit." Binuksan ko ito at namangha ako sa mga nasilayan ng mata ko."Ang gaganda naman ng mga likhang ito ,ang husay ng gumuhit halatang praktisado na." Wika ko habang manghang-mangha na nakatingin sa bawat pahinang inililipat ko.

"Josh ,handa na ang almusal.Bilisan mo na rin dyan at may bisita ka." Rinig kong sigaw ni Stell kaya agad kong ibinalik ang sketchbook sa kinalalagyan nito kanina at nagtungo na sa banyo upang maligo.

Pagkatapos kong maligo at makapagbihis ay agad akong nagtungo sa kusina.Nakita ko doon na masayang nagkikwentuhan sina Stell at Jaycee.

Lumapit ako sa pwesto nila at umupo sa katapat na upuan ni Jaycee.

"Loveee~~" Ayan na naman yung pagpapabebe nya."Tabe tayo." He said while pouting kaya itong si Stell namumula na kakapigil ng tawa.

"Jaycee stop.Hindi bagay sayo yung pagpapacute.Mukha kang unggoy." Sabi ko at naghanda na ng pagkain sa plato ko.

"But at least yung unggoy na yon ay mahal ng isang Josh Cullen Santos." Hindi ko na pinansin ang mga sunod nya pang sinabi at nagpatuloy lang sa pagkain.



_



"Love are you sure? Ayaw mo magpahatid?" Paulit-ulit na tinatanong ni Jaycee na paulit-ulit ko ring tinatanggihan.

"You already said kanina diba na you have an important meeting sa important client mo? Jaycee ayaw ko namang mawala sayo yang mga bagay na pinaghirapan mo noon nang dahil lang sakin.Kaya ko na ang sarili ko Jaycee.Hindi na ako bata para ihatid sundo mo ,okay?" Tumango naman sya.

"Okay ,mag-ingat na lang kayo ni Stell sa byahe ,i love you." Sabi nya bago ako halikan sa noo at nagpaalam ng umalis.

"Tara na Stell baka nasa gate na sila Ken." Pagkuha ko sa atensyon ni Stell na ngayo'y busy-ing busy sa pqgtitipa sa phone nya.

OH MY! MEOW (Josh×Jah)Where stories live. Discover now