Chapter 20

74 5 4
                                    

It's been a year. It's been 3 years since I and Justin got into an accident and unfortunately he lost his life.

In a year just lying in bed, he is the one who often visits my dreams. I'm still clueless as to why, but because of Stell's story, all my questions were answered.

After I regained consciousness, I only had to wait a few months before undergoing surgery. When I found out that Justin's eyes were going to replace my eyes that is full of sadness, I couldn't lose my hatred. Even if the world is turned upside down, he is still the person who caused one sadness in my life, but now that he is gone, I have ignored everything. Para saan pa yung mga pinaglalaban ko, right? Gusto kong itanim sa isip ko na ayun na yung hustisya. Buhay niya kapalit nang buhay ni papa.

Masaya ako but at the same time I feel guilty. Hindi ko rin alam ea. Pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit siya nawala. Nagpadala ako sa takbo ng puso ko. Pero hindi mo rin naman ako masisisi diba? Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko ay paniguradong ganto rin ang gagawin mo.





Ayaw ko nang gambalain pa ang namamahingang si Jah kaya naman pinasarado ko na rin yung case ni papa. Matagal na panahon na rin. Kailangan ko nang unti-unting makalimot dahil makakasama lang sakin lahat ng 'to kung magpapalamon ako rito.

I'm very thankful na nandyan sila Stell. People who stayed by my side when I couldn't face my problems alone. I also thank God because he is there and continues to guide me.


"Josh?" Pagtawag sakin ni Stell na siyang pumutol sa katahimikang bumabalot sa akin." Mrs. De Dios is here to visit you." Sabi pa nito.

Agad naman akong tumayo sa pagkakaupo dito sa kama ko at pinuntahan ang bisita sa may sala. Masayang siyang nakikipaglaro sa pusa na binili ni Pablo para kay Stell.

"Hello po Ma'am, ano pong sadya niyo dito?" Pagkuha ko sa atensyon niya.

"Nabalitaan ko lang na fully recovered ka na and I want to invite you if gusto mo ring bisitahin ang grave ni Justin?" Napaisip ako. Handa na kaya ako? "Okay lang naman kung hindi—"

"Sasama po ako. Marami rin po akong sasabihin at ikikwento sa kaniya." Pagputol ko sa sasabihin niya. "Mag-aayos lang po ako ah." Sabi ko bago pumasok muli sa kwarto.

Ilang minuto lang ang itinagal ko doon at inaya nang umalis si Mrs. Gemma.







"Yani, daan muna tayo sa flower shop." Sabi nito sa anak niyang kasalukuyang nagmamaneho.

Tahimik lang ang byahe. Nakabili na rin ako ng ibibigay ko kay Jah.

Maya-maya'y nakarating na kami. Sinundan ko lamang kung saan patungo si Mrs. Gemma at puno pa rin ng katahimikan ang paligid.

"Justin, andito si Josh. Gusto ka raw niyang kausapin." Aniya pagkatapos ilapag ang bulaklak sa tapat ng grave ni Jah.

"Justin, I'm so sorry." Agad namang tumulo ang mga luha ko. "Dalawang taon akong nagkimkim ng galit dahil sa mga bagay na nalaman ko. Aaminin ko oo, galit na galit ako sayo pero naisip ko rin na intindihin yung side mo Jah. Pero kahit na ganon, nangingibabaw parin yung poot." Matapos yon ay nakaramdam ako ng malamig na hanging para bang bumalot sa akin. "Minahal kita bilang kaibigan. Isang kaibigan na kahit sa maikling panahon ay pinagkatiwalaan ko. Justin, sorry kasi ako yung dahilan kung bakit ka nalagay sa piligro. Bakit mo pa kasi ako sinundan ea." Pabiro ko pang sabi kahit na patuloy na umaagos ang luha sa mga mata ko. "Maraming salamat sa pagsagip sa buhay ko. Maraming salamat kahit buhay mo pa ang kapalit ng kaligtasan ko. Salamat sa mahigit mag-iisang taon na nadyan ka para pagaanin ang kalooban ko. Pinapatawad na kita Justin." Huling sabi ko.







Napagpasyahan ko nang umuwi matapos siyang dalawin. "Salamat sa pagsama Josh." Wika ni Mrs. Gemma.

"Salamat din po, salamat sa paghatid." Wika ko bago sila tuluyang umalis.


Bubuksan ko na sana ang pintuan ng condo ko nang...

"Iho." Yung matandang babae. "Nabalitaan ko yung nangyari sayo at sa kaibigan mo." Sabi nito. "Alam kong mangyayari lahat ng 'to." Dagdag pa nito.

"Po? Paano po?" Tinignan niya naman ako at inabot ang isang kwintas. Ito yung kwintas na nasa leeg ni Justin.

"Alam kong alam mo na rin ang tungkol diyan. Lingid sa kaalaman mo ay konektado rin yan sa tatay mo." Naguguluhan ako. "Kagaya ni Justin ay isinumpa rin ng isang katulad ko ang tatay mo dahil sa kasalanang hindi niya rin sinasadyang gawin."

"Po? Ano pong kasalanan? Matinong tao po si papa, ano pong sinasabi niyo?" Naguguluhan kong tanong.

"Isang madilim na gabi. Nasangkot sa isang kaguluhan ang tatay mo. Nakapatay siya ng hindi sinasadya. Kagaya ni Justin ay tinakasan niya rin ang bagay na yon."

"Pero bakit po ninyo sila pinaparusahan ng ganon?"

"Kami'y mga biktima lang din Josh. Nais naming sa paraan na yon ay mabago ang pag-iisip nila. Marami na kasi sa tao ngayon na mas pinipiling paniwalaan ang maling kaisipan. Balewala na lamang lahat. Kahit alam nilang may nasisira silang buhay. Gusto naming mabago yung kaisipan na kahit may takot, panindigan parin nila ang naggawa nila dahil maraming tao ang naghahangad ng hustisya, kagaya mo." Paliwanang nito.

"Pero bakit hindi ko man lang nakita na nagpalit ng wangis si papa?"

"Dahil araw-araw mong pinaparamdam na mahalaga at kamahal-mahal siya. Gaya nang pinaramdam mo kay Justin." Agad naman akong napatingin sa kwintas at unti-unting inalala ang lahat." Nung gabi na nawala ang tatay mo ay dahan-dahang lumipat ang sumpa kay Justin. Nagmamakaawa siya noon dahil ayun din ang araw na nalagay sa piligro ang buhay ng ama niya. Ilang taon pa bago kita mahanap. Maraming tao ang dapat pero ikaw ang nais ko dahil sa gusto kong mas lumapit ang mga sagot sa katanungan mo. Ngayong alam mo na ang lahat Josh. Sana mawala na rin lahat ng galit at lungkot diyan sa puso mo." Dagdag nito bago maglahong parang bula.

Agad na akong pumasok sa condo matapos non.

Naguguluhan parin ako sa mga pangyayari sa buhay ko. Hindi ako makapaniwalang magiging ganito ang takbo ng kapalaran ko.
















_______________________________________
Last Chapter. Epilogue will be posted later or tomorrow. Thank you for reading.

OH MY! MEOW (Josh×Jah)Where stories live. Discover now