Chapter 28

64 7 0
                                    

Ailana

The present time...

Napatawa ako ng mapakla. Umuwi akong mabigat ang dibdib at sising sisi pero wala akong magagawa. I needed to accept it. Alam kong makikita ko syang may kasamang iba pero hindi ko inaasahang sa ganoong sitwasyon.

"Thank you Annie ah?" I smiled at her. She hugged me and nodded.

"Anything for you Lia, tulog na pala si Astrid sa room nya. Kagapi ka pa nya hinahanap, umiyak pa nga ng umiyak ang anak mo pero sinabi ko nalang na nagbibuild ka na ng Castle nya" she chuckled and held my shoulder. Napabuntong hininga na lang ako at napangiti sa kanya.

"Pasensya ka na Annie ha? Babawi na lang ako sa'yo "

She gave me a small smile. " Ano ka ba, wala yon, basta para sa inyo ng inaanak ko. Osya magpahinga ka na muna. You look tired and pale"

I nodded. "Thank you" she just nodded and nagpaalam na sya.

It's always either Annie or ang mama nya ang nagbabantay kay Ailana. Okay na sila ng mama nya. Naging okay rin kami, ang laking pagbabago ng mama nya kaya sobrang thankful ako sa kanila. Si lola, wala akong contact sa kanya, ayaw ko muna ring maging konektado sa kanila. Si Madi lang ang nakakaalam na nandito ako, sila Alhea, Aaliyah and Ashley,  wala silang alam.

Eh sya...

Engineer na kaya sya?

I knew it.

I fcking knew it, sila pa rin ni ate ang magkakatuluyan. She's not my ate Nicka anymore, she's Alexa. Akala ko pa naman totoo yung awa na nakita ko sa mata nya noong nakita ko sya sa hospital but I was wrong. She never care for me. Akto lang lahat para kuhanin sya ng ama namin. Kunwaring napapagod na kakaintindi sa amin.

Time come, kinuha sya. Saka ko lang nalaman na namatay ang totoong Alexa na anak ni Tita Sandra. Magsama sila.

I opened the door of my daughter's room. Kulay pink at puno ng nagnining ning na stars ang room nya. Pagpasok sa kwarto sa left side ay ang study table nya, may book shelf sya doon na puno ng story books, coloring books at mga educational books. Sa right side naman ay play place nya, puro laruan, stuff toys, doll house na nakakalat pa ang mga gamit sa floor, napangiti ako saka nilimot at itinabi. Ang Castle na tent nya nadoon pa ang manika nya na blonde ang buhok.

Sa kabilang corner ay nadoon ang door papunta sa cr, may walk in closet inside bago pumasok sa shower room, may toilet rin.

Sa isang subdivision kami nakatira rito sa Manila. Malapit lang sa airline na pinapasukan ko. I smiled when I saw my little angle sleeping.

Sa wall nya ay may nakasulat na Kaylene Ailana Astrid Del Fonte. She's using my surname. And yes she's a girl. Kuhang kuya nya ang mata, ilong at labi ng daddy nya, maliit pa ang mukha nya at matambok ang pisngi at makapal at maayos rin ang pagkakatubo ng kilay nya, bagay na namana sa'kin.

I laughed bitterly,  ang unfair lang na ako ang naghirap na palakihin sya pero ama lang pala nya ang makakamukha nya.

I kissed her forehead, nagitla naman ako ng magmulat sya at mukhang takot. I smiled at her na naging dahilan para magliwanag ang mata nya. Parang nakakita sya ng isang napakalaking star dahil nagliwanag ang mukha nya.

"Mommy! Mommy! Mommyyyyyy!!!" Mabilis syang bumangon at yumakap ng mahigpit sakin. Napatawa ako. Nawala lahat ng pagod ko ng makita ko sya.

"Anak" I smiled widely.

Naramdaman ko pang umiiyak sya kaya mabilis ko syang kinarga at iniupo ko sya sa hita ko habang nakaupo rin ako sa kama. "Yes baby nadito na si mommy. Tahan na baby, tahan na. Mommy's here na"

The Tragedy Of Her Past ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon