Nak ng!!
"Lia....apo..." nagising ako sa paulit ulit na pagtawag sakin ni lola. Dahan dahan kong tinanggal ang eye cover ko saka kinusot ang mata
"Apo gising na" ani lola sabay katok sa pinto ko, napatingin ako sa bintana ng makita ang liwanag, napabalikwas ako ng bangon ng mapagtantong malelate na ako sa school!
"Lia---"
"Yes la, eto na" aniko saka dali dalibg nagpunta sa cr at mabilis na naligo, hindi ko alam kung paanong natapos ako ng mabilis sa pag aayos sa sarili ko, napatingin ako sa orasan at napapikit ako ng mariin
"Shocks, 7:45 na" dali dali akong lumabas ng pinto ng kwarto at napapikit ako ng mariin pa ulit ng mabangga ang ulo ko kung saan
Hindi pa nakakarecover ulo ko eh
"Aray!" asik ko, nagtaas ako ng tingin sa nabunggo ko at halos manlaki ang mata ko ng makita ko si Dave na nakahawak sa panga nya, natangkab ko siguro yung panga nya
"Fvck" aniya saka nagbaba ng tingin sakin, nakita kong ang talim ng tingin nya kaya agad akong bumaba sa hagdan
Hindi ako magkaintindihan, kumuha nalang ako ng sandwich, bacon and sausage sa hapag saka kinain yon habang naglalakad, nagmano ako kay lola saka lalabas na sana ng tawagin ako ni lola
"Lia..." tawag ni lola sakin, napasibangot akong tumingin sa kanya
"La?"
"Sabay kayong papasok ni Dave, hintayin mo sya" ani lola, napaawang ang labi ko at napataas ang kilay
"La?" hindi makapaniwalang aniko, tumikhim si lola
"Hindi ko na uulitin" matigas nyang ani kaya napapikit ako ng mariin
"Pero---"
"Walang pero pero, sabay kayong papasok" aniya at napatingin naman ako kay Dave na nakain sa hapag! ang tikmaw! ang bagal kumain! napapikit pa uli ako sa pagkainis
"Eh La naman eh! nakain pa yan!" asik ko, narinig kong umubo si lola saka tumingin sakin ng seryoso
"Then wait for him to finish eating his breakfast" aniya saka tumaas at nagpunta sa kwarto nya
Grrr!
Sinamaan ko ng tingin si Dave ng makitang nakatingin sya sakinat nakangisi! pinag iinit nya ang dugo ko! napailing nalang sya
"Hoy! Bilisan mo ngang kumain dyan! malelate na ako!" asik ko at umaasta syang tila walang naririnig, nabubugnot na ako sa lalaking to, inis akong naupo sa sofa saka kinuha ang nagba- vibrate kong cellphone
Inis kong sinagot ang tawag ni Madi
"Hello?!" asik ko, bwisit na bwisit ako aaga aga
"Nasan ka na?! ha? 7:55 na oh! parating na si Mr. Masungit nating prof" pabulong halos nyang ani, agad akong napatayo at napalingon sa hapag
"Sige sige" aniko saka mabilis na pinatay ang tawag, inis ko syang tiningnan at ayon sya kinukuha palang ang gamit nya, inis kong hinila ang kamay nya at ako na ang nagbitbit ng bag nya, doon lang ako nagsisi na bitbitin iyon dahil ang bigat
"Bilisan mo naman! malelate na ako!" asik ko saka tumawag ng tricycle sa kanto
"Kuya sa BSU po, pakibilisan nalang po at late na ako" pagmamakaawa ko at napatango naman si kuyang driver, halos maiihi na ako sa pagmamadali, narinig kong tumikhim si Dave, saka ko lang naramdaman na hawak hawak ko pa rin pala yung kamay nya! inis ko 'yong binitawan at natawa naman sya sa reaksyon ko
BINABASA MO ANG
The Tragedy Of Her Past ( On Going )
Fanfiction[DONBELLE FANFICTION] She's so young, brave and wild. She's everything that you wanted, well maybe. She may look good in front but her life is a mess. Until he met this guy that also mess with his life. But he loved her, he lived her so much but wi...