Chapter 21

304 12 2
                                    

A/N: ANG TAGAL NG UD KO. UMAY. HSHSHS. ANYWAYSS THANK YOUUUU FOR READING THIS STORY!

THE BIG REVELATION

"Ate Nicarei---"

"Hindi Nicarein! ang pangalan ng anak ko!" seryosong ani Mam Sandra. "Alexa ang pangalan nya!" Umalingawngaw sa buong corridor ang sigaw nya. Napalunok ako.

"H-Hon..."

"Alexa anak. Magpahinga ka na. Halika" akmang ipapasok na nya si Ate Rein sa loob ng pigilan sya ni mama

"Rein... hija... natatandaan mo pa ba kami?" Mama asked. Napalunok ako. Naluha si Ate Rein at napailing. Nanlaki ang mata ko.

Paanong....

"A-Ate..." lahat ay natigilan nang marinig ang boses ni Lia. "A-Ate ... paanong... M-Ma? La... t-tita.." agad kong pinunasan ang luha ko nang makitang sunod sunod na tumulo ang luha nya

Pa ika ika syang lumapit kay Ate Nica... Pipigilan sana sya ni Mam Sandra pero binalaan sya ni mama.

Naluha ako na agad kong pinunasan dahil sa itsura ni Lia. Ang sakit sa pakiramdam na makita syang naguguluhan, walang kaalam alam. Ano na lang ang iniisip nya ngayong makita at malaman nyang buhay pala ang ate nya?

Sobrang nasasaktan ako sa lagay nya

Lia's POV

"Ate..." niyakap ko sya ng mahigpit. Pero hindi nya ako niyakap pabalik. Kahit nananakit ang katawan ko at hinang hina pa ako gusto kong makita si Ate nang marinig ko kanina si Tita Sandra na sumigaw ng Nicarein.

"Lumayo ka sa anak ko!" ngayon lang ako sinigawan ni tita Sandra nang ganoon. Inalalayan ako ni Rinley. Napahawak ako sa braso ni Rinley dahil napangiwi ako sa sakit ng paa ko. Nakita ko ang matalim na tingin ni Ate kay Dave. May kumurot sa puso ko. Anong mayroon?

"D-Dave..." napalunok ako ng banggitin ni ate ang pangalan ni Rinley. What's going on? Bakit kilala nya si Dave? Kumuha ng wheel chair si Madi at doon ako pinaupo

"Buhay ka... ate.."

"Lia.. anak magpahinga ka na m---"

"Ma... buhay si ate oh.. Aren't you happy?" I asked. I smiled bitterly. Napabuntong-hininga si mama

"Hindi sya ang ate mo" madiin nyang ani dahilan para matigilan ako mangunot ang noo "Sya si Alexa ang anak ng daddy mo kay Sandra" paliwanag ni mama na lalong ikinagulo ng isip ko

"Ha? Ikaw si Alexa?" napalunok ako. I shook my head and smiled bitterly "M-Ma k-kamukha nya si a---"

"Magpahinga ka na muna. Masama sa iyong gumalaw ng gumalaw dahil baka lalong lumala ang sugat mo" napabuntong hininga ako. Wala akong magagawa. Pinunasan ko ang luha ko. Nadurog ang puso ko matapos makitang tinalikuran na ako ni ate.

Hindi ganyan ang ate ko

she cares

she doesn't snob

she loves me

Napaiyak ako. Nilapitan ako ni Rinley at bigla akong niyakap. Umiyak lang ako sa baywang ni Dave. Nakatayo sya sa harap ko. Pinunasan nya ang luha ko saka ako ipinasok sa loob ng kwarto.

Naguguluhan ako sa nangyayari. Paanong nabuhay si ate? bakit nakila Tita Sandra sya? Bakit Alexa ang pangalan nya?. Naniniwala akong may alam sila mama, lola, dad, tita Medina.

The Tragedy Of Her Past ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon