Chapter 2

296 14 8
                                    

VISITOR

"Hoy! ayos ka lang?!" bungad sakin ni Madi pagkagising ko, ramdam kong masakit ang ulo ko, nilibot ko ng tingin ang paligid ko at napagtanto kong nasa infirmary ako

"Ayos na" aniko, may lumapit na nurse sakin

"Miss Del Fonte, inumin mo 'to" ani ng nurse sakin, kinuha ko naman ang iniabot sakin ng nurse na tableta

Nang mainom ko ay agad akong tumayo, pinagsisihan kong tumayo agad ako dahil bigla nalang akong nakaramdam ng lula

"Where are you going Miss Del Fonte?" tanong sakin ng nurse

"May klase pa po akong aatendan nurse" aniko at napabuntong hininga sya

"Hindi ka makakaalis rito hangga't hindi pa ayos ang pakiramdam mo" ani nung nurse, nagpumilit naman ako at wala na rin syang nagawa ng bitbitin ko na ang gamit ko

"Hoy! Sure ka bang ayos ka na ha?" aniya sakin, Hindi ko sya pinansin

Sino kaya ang walang hiyang bumanggit ng bola saken! Kinginets! Masakit sa ulo ha!

"Lia!" sigaw nya sakin kaya inis ko syang nilingon

"Sinong bumanggit ng bola sa'kin?" tanong ko sa kanya, natigilan sya saka bumuntong hininga

"Yung f-freshman sa CECS (College of Engineering and Computer Science) Department" aniya at nanlisik ang mata ko, malapit lang ang clinic sa may gym

Sino kaya yung lalaking yon! Badtrip sya!

"Tara na" aniko, nagpunta kami sa CABEIHM  (College of Accountancy in Business Economic and International Hospitality Management), yun ang pangalan ng building namin

Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang pagkahilo, naduduwal pa ako minsan dahil sa lula

Madi and I attended our next class, It's already 1:30 p.m at nakakaramdam na ako ng gutom, isang subject na lang dismissal na

"Miss Del Fonte" tawag sakin nung prof namin, agad naman ang akong tumayo at sumagot

"Yes sir?" tanong ko, tumindig ng ayos si Sir, akma na sana syang magsasalita ng biglang dumating ang president ng English Club

"Amm sir excuse po sa inyo" ani nung babae, tumingin si sir sa babae

"What is it?" tanong ni sir, namaywang pa sya

Ang bagal sumagot ng babae kaya napasinghap si Sir

"Faster Miss President of English Club, I am having my recitation.... please make it fast" ani Sir, napatingin pa yung babae sa likod nya saka nagsalita

Nakakangalay ho talagang tumayo

"Sir pinatatawag po kayo sa G.O"  (Guidance Office) ani nung babae, napatingin sakin si Sir at sinenyasan nya akong maupo "Kakausapin daw po kayo ni Mam Lili, prof sa CECS" ani nung babae at awtomatiko akong napatingin kay Madi, pinanlakihan ko sya ng mata at nagkibit balikat sya

"And isama nyo raw po yung student nyo na natamaan ng bola sa gym" bigla akong kinabahan, alam kong ako ang tinutukoy nung babae, nagsipag lingunan ang mga kaklase ko saken, dahan dahan akong tumayo, napatingin ako kay Madi na nagpipigil ng tawa, inismiran ko sya

"Let's go" ani sakin ni Sir, Hindi lang namin sya prof dahil sya ang pinaka parang adviser namin kasi sya ang parating nag iintindi samin when some of us got hurt....like this one..

The Tragedy Of Her Past ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon