Chapter 29

84 7 1
                                    

Mahal ka... siguro

Pinunasan ko agad ang tumakas na luha sa mata ko. Nang makita kong wala na sya sa counter ay naghintay ako ng ilan pang sandali saka huminga ng malalim.

"Halika na pala anak, babayaran na natin 'to" nilingon ko sya at nakatitig lang sya sakin. Nag alala pa ako dahil baka nakita nyang nagpunas ako ng luha.

"Are you sad mommy? Bakit po? Dahil doon ba sa guy po na naka white polo kasi inunahan nya tayo sa line?" Napalunok ako at napatitig sa kanya. Yun ba ang iniisip nya? Napangiti nalang ako, hahayaan ko nalang na iyon ang iniisip nya.

I shook my head "Halika na" I smiled. Nang makita nya akong ngumiti ay ngumiti na rin sya dahilan para lumabas ang maliit na dimple nya.

"I love you mommy" she said and smiled. I pinched her cheeks and patted her head.

" I love you too baby"

Kaya kitang bigyan ng lahat lahat ng gusto mo, kaya ko ring ibiza ang pagmamahal ng isang ama sayo, nandito lang ako anak. Hindi natin kailangan ang daddy mo.

Nagbayad na kami sa counter at medyo may kalakihan sa dami. Ganito na talaga kapag nag gogrocery kami ng anak ko. Twice a month lang ako mag grocery kaya madamihan na.

"Mommy are we going home na po?" Ailana asked. I nodded at her while I'm pushing the cart outside the mall.

" Yes baby, why do you need something else?" I asked. Nakahawak lang ulit sa hem ng damit ko si Ailana. Napangiti ako sa higpit ng kapit nya kahit may kaliitan pa ang kamay nya.

"I wanna go to Lola Mommy " she said and pouted. Ang mama ni Annie. Lola mommy ang tawag nya.

" Sige anak, ipapauwi nalang 'to ni mommy kay Tita Ninang tapos pupunta na tayo kay Lola mommy, okay?" I said and mabilis syang tumango.  She even giggled and smiled widely para makita ang teeth nya na bungi ang isa although may natubo nang ngipin doon ay mukha pa rin syang bungi.

" Yes mommy!"

Tinawagan ko si Madi. Ipinauwi ko nalang sa kanya ang mga grocery ko at sinabing magbabyahe nalang kami papunta kila Tita Teressa.

"Nako talaga, Lia. Kung hindi ko mahal ang inaanak slash pamangkin ko hahayaan ko ang mga pinamili mo, hm " kunwaring aamba pa sya pero napatawa nalang ako. Inilagay ko sa backseat lahat ng pinamili namin at tinulungan nya naman ako habang pinaupo ko naman sa unahan muna si Ailana,  baka kasi bigla nalang syang mahila ng kung sino.

"Oh ayan okay na. Sure ka bang magbabyahe kayo?" She asked. I nodded at her and gave her my assuring smile.

"Wag ka mag alala, hindi kami mapapahamak"

She rolled her eyes and binuksan ang front seat kaya lumabas na si Ailana. Hinawakan nya ang ulo ni Ailana saka kiniss sa pisngi.

"Ingat kayo my beautiful inaanak"

"Yes po my beautiful tita ninang" she smiled and scrunched her nose.

After non umalis na si Madi at sinabing sya na ang susundo kahit alam nyang ihahatid kami ng driver nila tita Teressa or ni Annie.

Nag rent ako ng cab at sinabi sa driver kung saan. Maya maya lang ay nakarating na kami. Hindi alam ni tita na narito kami kaya nag doorbell pa ako. Sa isang Village sila nakatira at malaki na ang bahay nila.

"Sandali lang" wika ni tita na agad namang nagpangiti sa anak ko.

Kung si lola kaya ang nag asikaso sayo anak, ganito ka rin ba?

The Tragedy Of Her Past ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon